Nahimatay????

1805 Words
Kumunot ang aking noo dahil sa papel na ibinaba nito sa aking harapan. Nagtataka ako kung bakit may papel? Bakit kailangan ko ring pumirma? Teka hindi ito puwede baka sa kulungan ang bagsak ko. Kaya naman magkakasunod-sunod akong umiling habang nakatingin sa kapatid ni Hidelyn. “Pasensiya na po Sir. Ngunit hindi po ako pipirma sa papel na ‘yan. Hindi ko naman po alam kung para saan ‘yan. Sana po ay maunawaan mo ako---!” Ngunit nagulat ako nang malakas nitong hinampas ang ibabaw ng lamesa. KITANG-KITA ko rin ang pagdilim ng mukha nito habang nakatingin sa akin at kulang na lang at tirisin ako. “Pipirma ka ba o hindi?” Sabay labas nito ng baril at itinutok sa akin. Lalo akong natakot dahil sa pagbabanta nito sa akin. Talagang nanginig ang buong katawan ko. At dahil na rin sa labis na takot sa baril na ngayon ay nakatutok sa akin ay unti-unting nagdilim ang paningin ko. Alam kong babagsak ang aking ulo sa ibabaw ng maliit na table. Ngunit naramdaman kong may sumalo noon gamit ang mainit na palad, hindi ko na alam kung sino ang gumawa noon dahil tuloy-tuloy na akong nilamon ng karimlan dahil sa sobrang takot sa baril. Nagising ako na sobrang tahimik ng buong paligid. Dali-dali kong iminulat ang aking mga mata at umikot ang paningin ko sa buong paligid. Napansin ko ka agad na nandito ako sa loob ng aking kwarto. May kumot din ako sa katawan. Teka ano’ng nangyari sa akin? Hanggang sa mag-sink in sa utak ko nang baril at itinutok sa akin ni Mr. De Leon? Teka totoo ba ‘yon? O, isang panaginip lamang? Dali-dali tuloy akong bumangon mula sa kama at agad na nagtatakbo papunta sa labas ng aking kwarto, ngunit walang Calyx ang nandito? Lumapit ako sa pinto ng bahay ko, nakaita kong naka-lock ito. Bigla tuloy akong napasandal sa dingding ng apartment ko. Mariin ko ring hinawakan ang aking buhok. Parang bigla akong na-stress. Ngunit tandang-tanda ko pa na pumasok si Calyx sa aking apartment kasama ang mga tauhan nito at pinalibutan ako. Tapos may pinapipirmahan sa akin at nang ayaw kong pirmahan ay agad niya akong tinutukan ng baril, dahilan kaya nahimatay ako. Ngunit bigla ko ring nahawakan ang aking katawan, wala naman akong kakaibang naramdaman sa aming katawang lupa kaya alam kong virgin pa ako. Gosh! Hanggang sa nagmamadali na lamang akong tumakbo papunta sa aking kwarto, tuloy-tuloy akong pumasok sa loob ng banyo. Kailangan kong maligo upang gumana nang maayos ang utak ko. Nang lumabas ako ng banyo ay narinig kong nag-iingay ang cellphone ko. Dali-dali akong lumapit dito upang alamin kung sino ang caller ko. Nakita kong si Hidelyn ang caller ko. Nag-aalangan tuloy akong sagutin ang tawag nito at baka ang kapatid nitong si Calyx. Tapos sisigawan lamang ako o 'di kaya ay pagbabantaan nito. Ngunit kung si Hidelyn naman ito ay tiyak na magtatamapo sa akin ang kaibigan ko. Isang buntonghininga muna ang aking ginawa bago ko sagutin ang call ng kaibigan ko. “Carmela, ang tagal mong sagutin. Galit ka ba sa akin dahil sa ginawa ni kuya Calyx na pagsigaw sa ‘yo? Bestie, ako na ang humihingi ng pasensya sa ginawa ng kuya Calyx ko. Please! Huwag ka nang magalit sa akin---” Ramdam ko ang lungkot ng boses ng kaibigan ko at pag-aalala. Malakas naman akong napatawa dahil sa tinuran nito. Saka kahit kailan ay hinding-hindi ako magagalit dito dahil lang sa ginawa ng kapatid nito. “Ano ka ba naman, Hidelyn. Parang hindi mo ako kilala. Alam mo naman na hindi ako basta magagalit sa ‘yo. Wala naman akong pakialam kung ayaw sa akin ng kapatid mo na maging kaibigan mo ako. Saka ako pa rin naman ang masusunod. Kahit anong mangyari ay ikaw pa rin ang pipiliin ko---” Naramdaman ko naman na parang nakahinga ng maluwag ang kaibigan ko. “Maraming salamat bestie. . . Siya nga pala, pupunta ka ba sa bahay ni Jezz, ‘di ba nangako tayo sa kanya na pupunta tayo sa kaarawan niya ngayon---” sunod-sunod na litanya ng kaibigan ko. Bigla ko tuloy natakpan ang aking bibig nang maalala ko ang pangako kay Jezz ang lalaking lihim kong hinahangaan. “Pupunta ako ngayon, naligo na nga ako. Ngunit dadaan muna ako sa Mall para bumili ng regalo sa kanya---” anas ko kay Hidelyn. “Tamang-tama dahil doon din ang punta ko. Magkita na lang tayo roon.” Agad naman akong nag-oo sa aking kaibigan. Hanggang sa nagpaalam na ito mula sa kabilang linya. Isang buntonghininga ang aking ginawa. Muntik ko nang makalimutan na birthday pala ni Jezz. Bigla tuloy akong napangiti na may halong kilig. Mabuti na lang at okay lang ang lalaki. Nag-alala kasi ako rito noong nahimatay ito sa birthday party ng kaibigan ko. Isang marahas na paghinga na lamang ang ginawa ko. Hanggang sa dali-dali akong lumapit sa harap ng cabinet upang pumili ng masusuot ko. Ang sabi ni Jezz ay hindi naman daw bongga ang birthday niya. Ang imbitado lang daw ay ang malalapit nitong kaibigan. Saka ang alam ni Jezz ay kaibigan lang ang turing ko sa kanya. Ngunit wala itong kaalam-alam na simula nang masilayan ko ang mukha nito ay crush ko na ito at tanging si Hidelyn lang ang nakakaalam noon. Bestfriend kami ni Hidelyn kaya alam kong hindi nito sasabihin ang aking lihim. Napatingin naman ako sa pantalon na kulay itim na susuotin ko. Ito kasi ang napili kong isuot. Kinuha ko rin ang crop top sleeve na kulay puti. Dali-dali ko itong isinuot at agad akong lumapit sa harap ng salamin. Sobrang sexy ko sa suot ko lalo at medyo labas din ang tiyan ko. Lambing walong taong gulang lamang ako ngunit masasabi kong may boobs akong matatawag. Kinuha ko rin ang aking lip Balm para maglagay sa aking labi. Nagwisik din ako ng pabirito kong pabango. Kahit maghapon ay hindi pa rin naaalis ang bango ko. Ang aking buhok ay ikinulot ko ang dulo upang maganda naman ako sa paningin ni Jezz para humanga ito sa akin. Bigla tuloy akong kinilig nang maalala ko ang lalaki. Gosh! Nababaliw na ako. Ang gwapo naman kasi nito. Iiling-iling na kinuha ko na lang ang shoulder bag. Hanggang sa tuloy-tuloy na akong lumabas ng bahay ko. Nag-text na rin si Hidelyn at sinabi nitong papunta na ito sa Mall na kung saan kami magkikita. Nang may dumaang taxi ay agad akong nagpahatid sa Mall. Ilang saglit pa’y nakarating na rin ako. Matapos kong magbayad sa taxi driver ay dali-dali na akong lumabas ng taxi. Agad ko namang nakita si Hidelyn. Ngunit bigla akong napatago dahil kausap nito ang kapatid na si Calyx. Shock! Hindi ako puwedeng makita ng kapatid ni Hidelyn lalo at mainit ang dugo nito sa akin. Nagbanta na nga ito na huwag akong maglalapat sa kapatid niya. Agad akong nagtago, ngunit medyo malapit sa kanila. Napansin din ako ni Hidelyn. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha nito. Ngunit nagsenyas ako rito na huwag siyang magpapahalata. “Tinatanong kita, Hidelyn! Sinong kasama mo? Ang kaibigan mo na naman ba na si Carmela?!” Bigla kong natakpan ang aking bibig nang marinig kong binanggit ang pangalan ko. “No, kuya Calyx! Hindi siya ang kasama ko. Sa aking pagkakaalam ay uuwi siya sa bahay ng ate Trish niya. Huwag kang mag-alala, dahil uuwi ako ng maaga!” Gusto kong matawa dahil kitang-kita ko ang inis sa mukha ni Hidelyn para sa kapatid nito. Mabuti na lang at wala akong kapatid na lalaki, kaya walang magbabawal sa akin. Si ate Trish naman ay mabait at may tiwala ito sa akin. “Ayosin mo lang, Hidelyn!” Narinig kong pagbabanta ni Calyx sa kapatid nito. Ngunit biglang nagsalubong ang kilay ko nang marinig ko ang sinabi ni Calyx na may magbabantay kay Hidelyn na tauhan nito. Iiling-iling na umalis na lamang ako sa pinagtataguan ko. Dali-dali akong pumasok sa loob ng Mall. Mukhang hindi kami magsasabay ni Hidelyn na pumunta sa bahay Jezz. Nandiyan ang kapatid nitong kontrabida. Agad akong naghanap ng relo na puwede kong ipang-regalo kay Jezz. Agad naman akong nakakita at walang pagdadalawang isip ko na binili ang relo. Bago lumabas ng Mall ay bumili rin ako ng sombrero upang tiyakin lang na hindi ako makikilala ng kapatid ni Hidelyn. Paglabas ko ng gusali ay agad na umikot ang mga mata ko sa buong paligid upang tiyakin lang na hindi ko makikita ang kapatid ni Hidelyn. Kinuha ko rin ang aking cellphone upang mag-text kay Hidelyn. Pero nakita kong may mensahe sa akin ang kaibigan ko at sinabi nitong magkita na lang daw kami sa bahay ni Jezz. Iiling-iling na lamang ako matapos kong magreply sa aking kaibigan. Ilang saglit pa’y tuluyan na akong nakarating sa tapat ng bahay ni Jezz. Hindi pa ako nakakababa ng taxi nang makita ko ang lalaki at tila may hinihintay. Agad na lamang akong lumabas ng taxi matapos kong magbayad sa taxi driver. “Carmela!” Mabilis akong lumingon sa tumawag sa akin. Kitang-kita ko ang masayang mukha ni Jezz. Dali-dali rin itong lumapit sa akin. “Happy birthday, Jezz.” Sabay abot ko ng regalo ko rito na agad naman nitong kinuha. “Baka ma-late ng dating si Hidelyn, hinarang kasi ng kapatid niya…” bulong ko kay Jezz. “Sa totoo lang nakakatakot ang kapatid ni Hidelyn. Kakaiba siyang tumingin parang handang pumatay ng tao…” Pagbibigay alam sa akin ni Jezz. Hindi ka agad ako nagsalita. Akala ko ay ako lang ang nakakaramdam noon, pati rin pala si Jezz. Ngunit ayaw ko namang siraan ang kapatid ng kaibigan ko kaya sinabi ko na lang na baka ganoon lang iyon na tumingin. Pagpasok naman namin sa loob ng bahay nito ay nakita ko agad ang ibang mga kaibigan nitong babae at lalaki. Hindi ko naman sila close kaya ngumiti na lamang ako sa kanila kahit medyo nahihiya ako. Agad naman akong pinaghanda ni Jezz ng makakain ko at talagang asikasong-asikaso ako ng lalaki. Habang kumakain kami ay panay naman ang tuksuhan nila, hindi ko alam kung sino ang babaeng binabanggit ng mga kabarkada ni Jezz na patay na patay raw si Jezz. Ngunit pinagsawalang bahala ko na lamang iyon. Subalit halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ko ang sunod-sunod na pagsabog sa labas ng bahay nina Jezz. “Ano’ng nangyayari? Bomba ba ‘yon, huh? May gyera ba sa labas ng bahay ninyo Jezz?” Narinig kong tanong mga kaibigan ni Jezz. Kahit kabado ay agad akong tumayo para alamin kung ano’ng nangyayari sa labas. Pati nga parents ni Jezz ay napalabas din ng bahay. Ngunit shock ako nang makita ko ang malaking apoy sa harap ng bahay nina Jezz. Mukhang may gyera nga yata! s**t kailangan ko nang umalis dito. Malalagot ako kay ate Trish oras na masaktan ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD