Little Girl

1148 Words
Umikot ang mga mata ko sa rito sa labas ng apartment. Ngunit wala naman akong makita na ibang mga tao rito. Saan kaya ito galing? Hanggang sa napatingala rin ako sa kalangitan at baka nahulog mula sa isang eroplano. Bigla ko na lang natapik ang aking noo dahil kung ano-anong kabaliwan ang pumapasok. Natatawa na lamang akong mag-isa. Agad na lamang ako pumapasok sa loob ng apartment ko at basta ko na lang ibinaba sa ibabaw ng lamesa ang maliit na box. Muli akong bumalik sa paglamon ko dahil gutom pa ako. Ngunit nakakaapat na subo palang ako ng kanin ay mabilis akong napatingin sa pinto ng apartment dahil biglang bumukas ito. Ngunit halos lumuwa sa laki ang aking mga mata nang makita ko ang kapatid ni Hidelyn. Ilang beses din akong napalunok. Hindi ako makapagsalita dahil nakasunod lamang ang tingin ko sa lalaki. Hanggang sa naupo ito bakanteng silya. Ngayon ko lang naalala na hindi ko nga pala na-lock ang pinto ng apartment ko kaya madali lang itong nakapasok dito sa loob. “Where’s my watch, little girl?!” galit na singhal ng lalaki sa akin. Tumingin ako sa mga tauhan nitong nakapalibot sa akin. Hindi ko makita ang babaeng gumamot sa akin dahil puro mga lalaki ang nandito. Muli akong tumingin sa lalaki. Aba! Wala akong kinuha na relo at mas lalong hindi ako magnanakaw. Anak ng tinapa, oh! Ngunit hindi ko muna 'yun isinatinig. Hanggang sa seryoso akong tumingin sa lalaki. “Sir, mawalang galang na po, huh! Para sabihin ko sa 'yo hindi po ako magnanakaw. Ayon po ba ang relong hinahanap mo? Nakita ko riyan sa labas ng pinto ng apartment ko.” Sabay turo ko sa maliit na box na nasa ibabaw ng lamesa. Agad naman nitong sinundan ng tingin ang tinuturo kong box. Hanggang sa kunahin ng isang tauhan nito para iabot sa kapatid ni Hidelyn. Nang makita nito ang nilalaman ng relo ay inis itong tumingin sa akin. Hanggang sa bigla itong tumayo. “Hindi ko alam kung bakit naging kaibigan ka ni Hidelyn. Masyadong malikot ang kamay ko. Ang dami mo nang kasalanan sa akin, Nene!” galit na sabi nito. Pagkatapos ay nagmamadali na itong umalis dito sa apartment ko. Wala akong kalibo-kibo habang nakatingin sa likod ng lalaking ‘yun. Hindi ako makapaniwala na pinagbintangan ako niya ng magnanakaw. Eh, hindi ko naman kinuha ‘yun? Nawalan tuloy ako ng ganang kumain. Nagtataka rin ako, paano ako nagkaroon sa kanya ng maraming kasalanan? Bakit wala akong matandaan? My Gosh! Agad ko na lang iniligpit ang aking mga pinagkainan. Mamaya na lang ako kakain kapag ginutom ulit. Tuloy-tuloy na lamang akong pumasok sa aking kwarto. Pabagsak akong nahiga sa kama. Balak ko na sanang pumikit ng mga mata nang mag-ingay ang aking cellphone. Nakita ko ang number ni Hidelyn. “Pupunta tayo sa bar mamayang gabi. Hihintayin kita at sa dating bar na kung saan tayo pumupunta palagi.” Bigla ring nawala sa kabilang linya ang babae. Hindi pa nga ako nakakasagot ng ‘oo’ nahilot ko tuloy ang aking noo. Napatingin na lamang ako sa labas ng bintana ng kwarto ko. Maaga pa naman para pumunta sa bar na sinasabi ni Hidelyn. Matutulog muna ako. Kaya naman dahan-dahan kong ipinikit ang aking mga mata hanggang sa lamunin ako ng antok. Nagising ako dahil sa aking cellphone na nag-iingay. Nang sagutin ko ang call ay ang boses ka agad ni Hidelyn ang aking narinig. “Hindi tayo matutuloy dahil hindi ako pinayagan ni kuya Calyx. Nakakainis!” palatak ni Hidelyn mula sa kabilang linya. “Hayaan mo na. Sasusunod na lang,” natatawang sagot ko sa aking kaibigan. “Nakakainis kasi si kuya Calyx. Imbes na nagsasaya tayo habang wala pang pasok dahil nextweek ay may pasok na naman, ngunit kontrabida ang aking kapatid” muling palatak ni Hidelyn. “Hayaan mo na Hidelyn. Pinag-iingatan ka lang ng kapatid mo kaya ayaw kang palabas niya ng gabi,” anas ko sa aking kaibigan. “May mga kasama naman tayong mga bodyguard. Saka nagpaalam na ako kina daddy at mommy. Ngunit epal talaga si kuya Calyx. Ayaw talaga niyang pumayag,” muling sumbong sa akin ng babae. “Alam ba ng kuya Calyx mo na ako ang kasama mo, Hidelyn?” nag-aalalang tanong ko sa aking kaibigan. “Oo, nagtanong kasi siya. Pero ang sabi ko may mga bodyguard tayong kasama. Ngunit ayaw talaga niya. Siya pa rin daw ang masusunod. Saka nagbanta siya na oras na suwayin ko siya, eh, ikaw raw ang pagbabalingan ng galit niya. Nakakainis talaga si kuya Calyx. Sana umalis na ulit siya para mag-enjoy ulit tayo!” himutok ni Hidelyn. Ramdam ko ang inis nito para sa kapatid. Hindi muna ako nagsalita. Tama lang ang aking ginawa na hindi ko sabihin kay Hidelyn na pinagbibintangan ako na isang magnanakaw ng kapatid nito. Tiyak na komprontahin ni Hidelyn ang kuya Calyx niya. Ayaw kong mag-away ang magkapatid dahil sa akin. “Hayaan mo na Hidelyn. Sasusunod na tayo mag-enjoy. Unawaan mo na lang ang kuya Calyx mo. Ganoon talaga kapag tumatanda na---” “What do you say, little girl?” Nanlalaki ang mga mata ko nang marinig ko ang boses ng kapatid ni Hidelyn. Hindi ko tuloy natapos ang aking sasabihin. Nahawakan ko rin ang aking dibdib dahil sobrang lakas ng kabog. Teka bakit hawak na nito ang cellphone ni Hidelyn. “Kuya Calyx, give me back my cellphone! Masyado kang pakialamero!” sigaw ni Hidelyn mula sa kabilang linya. “Umayos ka Hidelyn! Sinabihan na kitang huwag kang sasama sa kaibigan mo! Dahil kung anu-ano lang ang tinuturo sa ‘yong kalokohan!” galit na sabi ni Calyx. Mariin kong kinagat ang ibabang labi ko. “At ikaw Carmela, huwag na huwag kang magpapakita sa akin at baka kung anong magawa ko sa 'yo!” Hanggang sa nawala ito sa kabilang linya. Bigla ko ring nailayo ang aking cellphone sa tapat ng tainga ko dahil ang lakas ng sigaw ng lalaki bago nito binaba ang cellphone. Marahas na lamang akong napahinga. Mukang hindi ako gusto ni Mr. De Leon para maging kaibigan ng kapatid nito. Iinat-inat na lamang ako na bumangon mula sa pagkakahiga ko sa kama. Tuloy-tuloy akong lumabas ng kwarto ko. Ngunit napatingin ako sa pinto ng apartment ko dahil may kumakatok doon. Wala sa sarili na binuksan ko ang pinto. Ngunit mabilis akong napaurong nang makita ko ang mukha ni Mr. De Leon. “Sir---“ tanging nasabi ko. Ngunit tuloy-tuloy lamang itong pumasok sa loob ng apartment ko. Hanggang sa naupo sa bakanteng silya. “Maupo ka rito Nene. May sasabihin ako sa ‘yo!” Inalis din ng lalaki ang suot na shades nito. Halos magpakatungo-tungo ako dahil sa sobrang takot. Ngunit kahit kabado ay agad akong humakbang papalapit sa isang upuan. “Sign it, little girl!” Sabay baba nito sa isang papel na kulay puti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD