Bad Shot- Again!

1753 Words
Takot na takot ako nang mga oras na ito. Paano kong ang bahay naman nina Jezz ang sunugin nila? Dali-dali tuloy akong lumapit sa lalaki upang magpaalam para umalis na rito. “Ayos ka lang ba, Carmela?” Sabay hawak nito sa aking kamay. Ngunit muli na naman kaming napatingin sa apoy na biglang bumagsak sa tabi ng gate. Kasunod ang malakas na pagsabog. Lalo tuloy akong nataranta. Diyos ko po! “Jezz, gusto ko nang umuwi, wala bang ibang madaanan? Ayaw kong mag-alala sa akin ang kapatid ko---” Nakikiusap na sabi ko sa aking asawa. Kitang-kita ko rin naman ang pag-aalala nito sa akin. Hanggang sa muli nitong hawakan ang aking kamay at agad na dinala sa loob ng bahay nila. Ngunit lalo akong natakot dahil sa sunod-sunod na naman na pagsabog. Pati ang mga kaibigan ni Jezz ay natatakot na rin kaya sinabi nitong sumunod sila sa amin. Sa kusina kami dumaan. Hanggang sa makarating sa likod bahay. Napansin ko agad ang maliit na gate. Dali-dali nitong binuksan at pagkatapos ay tumingin sa akin. “Carmela, patawarin mo ako. Kahit ako ay naguguluhan sa mga nangyayari. Sa aking pagkakaalam ay wala namang kaaway sina mama at papa. Ngunit hindi ko alam kung bakit may nagpapasabog sa loob ng bakuran namin.” Mariin kong hinawakan ang kamay nito. Pagkatapos ay ngumiti na lamang ako ng matamis. Kitang-kita ko sa mukha nito ang panghihinayang na hindi ko alam kung bakit. “Mag-iingat kayo, pagpabas ninyo may makikita kayong masasakyan. Doon kayo sumakay---” anas sa amin ni Jezz. “Mag-iingat din kayo rito. Kung puwede ay umalis na kayo rito, Jezz,” anas ko sa lalaki. Ngunit magkakasunod itong umiling sa akin. “Hindi namin puwedeng iwan ang bahay na ito. Huwag kang mag-alala, Carmela, ayos lang kami. Magkita na lang tayo bukas sa school---” marahan akong tumango sa lalaki. Pagkatapos ay tuloy-tuloy na akong humakbang kasama ng mga kaibigan nito. Paglabas namin ng maliit na gate ay natanaw ka agad namin ang paradahan ng mga sasakyan. Agad akong sumakay ng taxi at nagpahatid sa apartment ko. Pagdating sa apartment ko ay dali-dali akong nagtext kay Hidelyn at baka pumunta pa ito sa bahay ni Jezz. Ayaw kong mapahamak ito. Ngunit nakahinga lamang ako ng maluwag ng magreply ito sinabi nito na hindi raw siya natuloy dahil pinauwi na ito ng kapatid na si Calyx. Pabagsak na lamang akong naupo sa kama. Matalino talaga ang kapatid ni Hidelyn. Alam na alam nito na may masamang mangyayari kaya pinigilan ka agad ang kapatid. Muntik na akong mamatay dahil masyado akong pasaway. Dapat pala ay nakinig na ka agad ako noong makita kong binabalaan ni Calyx si Hidelyn. Muli kong hinawakan ang aking dibdib, ramdam kong lalong lumakas ang kabog. Diyos ko po! Iiling-iling na lamang ako. Kahit kailan talaga ay hindi ako nag-iingat. Tiyak na katakot-takot na sermon ang aking aabutin oras na malaman ni ate Trish ang nangyari sa akin. Hindi ko na lang siguro sasabihin sa kapatid ko. Isa-isa ko na lang inalis ang lahat ng kasuotan ko sa aking katawan. Tanging panty at bra na lang ang naiwan. Muli akong bumagsak sa kama. Kinuha ko ang kumot at agad na binalot sa buong katawan ko. Ngunit kinuha ko rin ang cellphone ko para magtext kay Jezz upang ipagbigay alam na nandito na ako sa apartment ko. Alam kong hindi ka agad ‘yon magrereply dahil busy sa pagpatay ng apoy. Isabay pa na kailangan din nilang malaman kung sino ang may kagagawan nang pagbato ng apoy sa kanilang bakuran. Kinuha ko na lang ang remote ng tv upang manood ng balita. Ngunit biglang nagsalubong ang kilay ko nang makita ko ang mukha ni Calyx. Nasa balita ito ngayon. At ayon sa balita ay namataan ito na may kasamang babae sa loob ng restaurant. Nakatalikod ang babae kaya hindi nakikita ang mukha. Ngunit base sa kilos nito ay maganda at mukhang mayaman. Wala namang nakapagsabi kung nobya ba ito ng kapatid ni Hidelyn. Baka nga nobya? Hindi na ako magtataka roon dahil gwapo ang kapatid ni Hidelyn. Kahit sinong babae ay mapapalingon dito. Sa aking pagkakatanda ay nasa 35 years na ito. Ngunit sa itsura nito ay hindi naman halata na 35 years old na ang lalaki. Katulad lang din ito ng asawa ni ate Trish. Hindi halatang matanda na. Matapos balita si Calyx De Leon ay ang binalita naman ang nangyari sa bahay ni Jezz. May mga reporter ang pumunta roon. Oo nga pala, dahil hindi rin naman basta-basta ang pamilya ni Jezz. May mga negosyo rin ang mga magulang nito. Ayon sa balita ay walang makapagturo kung sino ang nagpasabog sa tapat ng bahay nila Jezz. Kaya ayaw kong maging mayaman dahil maraming kaaway lalo na pagdating sa negosyo. Ini-off ko na lang ang tv. Pagkatapos ay agad kong kinuha ang unan upang yapusin ko ito. Hindi pa naman ako nagugutom kaya matutulog muna ako. Dahil napasarap ang tulog ko kaya ang nangyari ay kinabukasan na ako nagising. Nagmamadali ang mg kilos ko dahil may pasok pala ako ngayon. Ilang saglit pa’y nagtatakbo na ako papalabas ang bahay. Nang may dumaang tricycle ay agad akong nagpahatid sa Calyx University. Pagbaba ko pa lang ng tricycle ay natanaw ko na agad si Jezz. Kumaway pa nga ito sa akin nang makita ako. Hanggang sa nagmamadali na itong lumapit sa akin. May ngiti sa aking labi na pumasok kami sa loob ng gate ng university. Agad ko ring kinamusta ang lalaki. Sinabi naman nito na walang nasaktan sa pamilya nito. Ang nakakalungkot lang daw ay hindi nahuli ang salarin. Ngunit patuloy pa rin sa paghahanap ang mga pulis sa mga lalaking nakausot ng maskara. May cctv camera pala sa harap ng gate nila. Ngunit wala ring nangyari dahil may takip ang mukha. “Hayaan mo’t ipagdadasal ko na mahuli na sila…” bulong ko kay Jezz. Ngunit naman sa akin ng matamis ang lalaki. Hanggang sa makapasok na kami sa loob ng classroom. Agad akong pumunta sa aking pwesto na upuan. Ngunit dinig na dinig ko ang usapan nila, simpre, simpleng chismosa rin ako kaya nakinig ako sa kanila. “Talaga ba? Nandito ang may-ari ng university na ito?” “Oo, kitang-kita ng dalawang mga mata ko na bumaba siya ng kotse kanina kasama ang mga tauhan niya. Sobrang gwapo niya at parang malalaglag ang panty ko. Kahit sobrang layo niya ay amoy na amoy ko ang pabango niyang nakakaakit---” “Gusto ko siyang makita roon tayo sa labas. Saka, ang usapan-usapan ay mamayang alas-otso ng umaga at dapat nasa harap tayo ng stage dahil magsasalita ang may-ari ng university---” Kilig na kilig na turan ng dalawang babae. Nasundan ko na lang ng tingin ang dalawang babae na ngayon ay papalabas ng room. Mayamaya pa’y agad na rin akong tumayo dahil kailangan naming lumabas upang pakinggan ang mga sasabihin ng may-ari ng university na ito. Habang naglalakad papunta sa harap ng stage ay bigla akong napatingin sa pinakang opisina ng may-ari ng university na ito. Hindi naman nakikita ang tao sa loob dahil sa window glass na tinted. Ngunit bigla akong napatingin sa aking braso dahil parang nagtayuan ang mga balahibo ko sa aking balat. Para bang may nagmamasid sa akin. Mabilis tuloy umikot ang mga mata ko sa buong paligid ngunit wala naman akong makita na tao na nakatitig sa akin. Iiling-iling na pinagpatuloy ko ang paglalakas ko. Hanggang sa matanaw ko si Jezz. Tinawag ako nito para maupo sa kanyang tabi. Talagang pinaglaanan niya ako nang mauupuan ko. Saktong upo ko ay siyang dating ng may-ari ng university na ito. Ilang beses akong napalunok nang mapatingin ako sa mukha nito. Wala man lang akong nakikita sa labi ito na magandang ngiti. Hindi ko rin sure kung nakatingin ba sa akin o baka sa likuran namin ni Jezz. Nagyuko lang ako ng ulo habang nagsasalita ang kapatid ni Hidelyn. Sa totoo lang hindi ko maintindihan ang sinasabi nito. Kasi kung ano-ano lang ang pumapasok sa utak ko. Pero mabilis akong napalayo kay Jezz nang inayos niya ang buhok ko na ngayon ay nakatakip sa mukha ko. Natawa na lang ako sa ginawa lalaki. Ngunit lumayo rin ako dahil nahihiya ako rito. Lalo na sa mga makakakita sa amin. Aayusin na naman sana ulit ni Jezz ang buhok ko nang mabilis akong lumayo sa lalaki. Pero hinampas ko rin ang kamay niya para pigilan siya sa paghawak sa akin buhok. Pinanlakin ko rin ng mga mata ang lalaki. Ngunit ngumisi lamang ito sabay hawak sa dalawang pisngi ko at mariin nitong pinisil. Muli ko itong hinampas. Ngunit tatawa-tawa lamang ang lalaki. “Get out of my face, hindi hotel ang university ko!” Sabay kaming napatingin ni Jezz kay Mr. De Leon dahil sa sinabi nito. Kitang-kita kong nakatingin ito sa amin ni Jezz. Paktay na naman ako! Tiyak na bad shot na naman ako sa kapatid ni Hidelyn. Mabilis tuloy akong napayuko ng ulo. Hiyang-hiya ako ng mga oras na ito. Parang pakiramdam ko’y pinagtitinginan ako ng mga studyante. Gosh! Hanggang sa marinig kong nagsalita ang lalaki. “Hindi ko kailangan ng mga studyante sa university na ito na haliparot. Ngayon pa lang ay umalis na kayo!” Muling patama sa akin ni Mr. De Leon. Parang gusto ko na lang maghukay ng sariling libingan at doon nagtago. Unang beses kong mapahiya sa harap ng mga studyante. Kahit wala akong narinig na salita sa mga studyante ay alam kong tinatawanan nila ako. Kaya naman nang matapos magsalita si Mr. De Leon ay dali-dali akong umalis sa aking kinauupuan at nagtatakbo papunta sa loob ng classroom. “Carmela, I’m really sorry, it’s my fault. Dahil sa akin kaya nadamay ka sa galit ni Mr. De Leon,” narinig kong anas ni Jezz. Nakasunod na pala ito sa akin. Hindi ako nagsalita, saka hindi ko naman ito sinisisi, dahil parihas naming may kasalanan ni Jezz. “Mr. Jezz Roye at Ms. Carmela Vee, sumunod kayo sa akin,” bigla anas ng Professor namin. Isang buntonghininga ang aking ginawa. Hanggang sa tumayo ako. “Ms. Carmela, pumunta ka sa opisina ni Mr. De Leon at nais kang makausap. At ikaw naman Mr. Jezz. Sumunod ka sa akin!” mariin sabi ng Professor namin. “I’m sorry, Carmela…” bulong ni Jezz sa akin bago ako umalis sa harap nito. Malungkot akong ngumiti sa lalaki. Hanggang sa tuloy-tuloy na akong humakbang para pumunta sa opisina ni Mr. De Leon. Habang papalapit ako ay lalong lumalakas ang kabog ng aking dibdib.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD