Relo

1278 Words
Subalit muli na naman nitong sinampal ang aking mukha kaya lalo kong naramdaman ang sakit. Kahit ano’ng pakiusap ko sa lalaki ay hindi talaga ako binitawan o pinakinggan. Napansin ko rin ang pagkuyom ng kamao nito at kung tama ang aking hinala ay balak akong suntukin nito. Hanggang sa makita kong inangat nito ang kamay niya kaya naman mariin kong ipinikit ang aking mga mata upang hindi ko makita ang pagtama ng kamao nito sa aking mukha. Ngunit ilang minuto ang nagdaan ay wala pa rin akong madamang sakit. Pero may narinig akong daing at para bang nasasaktan ito. Kaya naman dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Gulat ang nakapaskil sa aking mukha nang makita ko ang lalaking sumampal sa akin na ngayon ay tumalsik at bumangga sa gilid ng kotse. Ilang beses din akong napakurap. Dahil kahit likod pa lang ng lalaking ‘yun ay kilalang-kilala ko na walang iba kundi ang kapatid ni Hidelyn. Hindi ko alam kung ano’ng sasabihin ko dahil sa pagligtas niya sa akin. “Ayos lang ba? Kaya mo bang tumayo, Ms?” Mabilis akong lumingon sa babaeng nagsalita sa aking tabi. Isang babaeng nakasuot ng salamin sa mga mata. May baril din ito sa beywang niya. Agad akong kinabahan. Ngunit bigla itong ngumiti sa akin. “Huwag kang matakot isa ako sa mga tauhan ni Mr. De Leon.” Agad niya akong inalalayan patayo. Wala na akong nagawa nang hawakan niya ang aking kamay. Ngunit bigla akong napalingon sa kapatid ni Hidelyn. Kitang-kita kong naglabas ito ng kutsilyo. “Huwag mo na lang tingnan kung ano’ng gagawin ni Mr. De Leon sa lalaking bastos na ‘yun.” Hinawakan ng babae ang aking ulo upang ibalik sa unahan. Alanganin akong tumango sa babae ngunit narinig ko pa rin ang malakas na sigaw ng lalaking bastos at alam kong nasasaktan ito. Ayaw ko namang awatin ito dahil sa lalaking ‘yun kaya nasaktan ako at nagkaroon ng sugat ang aking labi. Agad akong pinapasok ng babae sa loob ng kotse. Nang pumasok ito sa kotse ay nakita kong may hawak na ito na medicine kit box. Balak ko sanang sabihin na kaya ko nang gamutin ang aking sarili lalo at nurse naman ang aking kurso. Ngunit tumangi ito at siya na lang daw. Sinusunod lang daw niya ang pinag-uutos ng Lord niya. Ilang saglit pa’y natapos na ring gamotin ang mga sugat ko. Tumingin ako sa labas ng kotse at nakita ko ang kapatid ni Hidelyn nakasandal ito sa kotse habang panay ang hithit at buga ng usok ng sigarilyo. Hindi ko alam kung nasaan na ang lalaking bastos at kung ano’ng ginawa roon ng lalaki. Baka pinaalis na nito. Hindi naman siguro nito pinatay dahil tiyak na makukulong ang lalaki. Mayamaya pa’y lumabas ng kotse ang babaeng gumamot sa akin. Ngunit nagbilin ito sa akin na huwag daw muna akong lumabas ng sasakyan. Kakausapin pa raw nito ang lord niya. Ilang saglit lang ay nagulat ako nang bumukas ang pinto ng kotse. Agad na nagtama ang mga mata namin ng kapatid ni Hidelyn. Ngunit mabilis akong nag-iwas ng tingin dahil nahihiya ako. Umayos din ako nang pagkakaupo. Mayamaya pa’y nagulat ako nang patakbuhin ng driver ang kotse. Kabadong tumingin ako sa lalaki. “Sir, saan po tayo pupunta?” kabadong tanong ko sa lalaki. “No worries, dahil ihahatid ka lang sa bahay mo. Saka hindi ikaw ang babae na balak kong itanan. Masyado ka pang Nene,” walang paligoy-ligoy na sabi ng lalaki sa akin. Bigla tuloy akong napatungo dahil sa labis na hiya. Kaya naman kahit sa durasyon ng biyahe ay hindi talaga akong lumingon sa lalaki. Mayamaya pa’y huminto na ang kotse. Nakita kong nasa tapat na ako ng apartment na kung saan ako ngungupahan. “Maraming salamat po,” anas ko at mas lalong nagpakayuko-yuko. Pagkatapos ay nagmamadali na akong lumabas ng kotse. Kahit lumingon ay hindi ko na ginawa pa. Malalaki talaga ang aking hakbang papasok sa apartment ko. Pagpasok sa loob ay agad kong ini-lock ang pinto. Ngunit napasandal naman ako sa dingding habang hawak-hawak ang aking dibdib. Sobrang lakas kasi ng kabog. Saka ngayon ko lang naisip, bakit kaya alam nito ang apartment na tinutuluyan ko hindi ko naman sinabi rito. Ngunit hawak niya ang cellphone niya kanina baka tinanong kay Hidelyn dahil ayaw akong makausap. Alam kong napilitan lamang ito na iligtas ako sa bastos na lalaking ‘yun dahil kaibigan ako ni Hidelyn at nadaanan nila ako kanina. Ngunit para sa akin ay sobrang laking tulong ang ginawa niya sa akin kanina. Kung hindi ito dumating ay baka bangas-bangas na ang aking mukha o baka patay na ako. Kawawa naman ang aking ate Trish dahil ipagluluksa ang aking kamatayan, lalo at isang buwan pa lang ito mula ng manganak. Marahas na lamang akong nagbuntonghininga. Hanggang sa tuloy-tuloy na akong pumasok sa aking kwarto. Isa-isa kong inalis ang lahat ng kasuotan ko. Hanggang sa walang natira. Pagkatapos ay agad akong pumasok sa loob ng banyo para maligo. Hinawakan ko ang aking labi, dahil naramdaman ko pa rin ang sakit. Pati ang dalawang tuhod ko ay masakit dahil sa sugat. Mayamaya pa’y agad kong kinuha ang tuwalya para ilagay sa buong katawan ko. Nang lumabas ako ng banyo ay bigla akong napahinto sa paghakbang. Umikot ang mga mata ko sa buong kwarto. Pakiwari ko kasi ay may nakatingin sa akin dito sa apartment ko. Ngunit wala naman akong makita na ibang tao kundi ako lamang. Napapangiti na lamang ako sa mga pumapasok sa aking utak. Saka hindi ako naniniwala sa multo. Nakakaloka. Sabay hilot sa aking noo. Nagmamadali akong kumuha ng damit. Isang maikling short at hanging blouse ang aking suot. Ako lang naman ang nandito sa bahay kaya ayos lang na ito ang aking isuot. Agad kong kinuha ang aking cellphone upang tumawag sa isang restaurant para magpa-deliver na lang ng pagkain. Gutom pa kasi ako at hindi ako nakakain ng maayos sa bahay nina Hidelyn. Ang sarap sana ng ulam doon. Nakakahiyang lumamon kapag nandiyan ang kapatid ni Hidelyn. Bigla naman akong napangiti dahil ang gwapo nito. Nakakainis naman! Bakit pakiramdam ko’y humahanga ako sa lalaking ‘yun. Dapat hindi mangyari ‘yun dahil parang kuya ko lang ito. Diyos ko po! Ngunit nagmamadali akong lumabas ng aking kwarto nang marinig ko ang katok sa pinto ng apartment ko. Baka heto na ang pagkain na inorder ko. Pagdating sa munting sala ay mabilis kong binuksan ang pinto. Nakita ko agad ang lalaking delivery boy. May suot itong makapal na facemask at salamin sa mga mata niya. May gloves na itim din itong suot. Ito ‘yung palaging nagde-delivery sa aking ng pagkain kapag nag-order ako sa restaurant na kung saan ito nagtatrabaho. Alam kong pipi ito kaya hindi nakapagsalita. “Salamat dito kuya.” Agad kong kinuha ang pinaglalagyan ng mga pagkain. Inabot ko agad dito ang bayad ko. Muli akong nag-thank you sa lalaki bago ko isara ang pinto ng apartment. Dali-dali ko namang ibinaba sa ibabaw ng lamesa ang pinaglalagyan ng pagkain. Amoy pa lang ng mga pagkain ay nakaramdam na ako ng gutom kaya naman agad akong lumapang. Ngunit napatingin ako sa pinto ng apartment dahil sa katok na tatlong beses kong narinig. Sino kaya ito? Alam kong hindi ito si ate Trish. Kasi may sariling susi ito ng apartment na ito. Talagang binigyan ko ito ng duplicate key. Nang buksan ko ang pinto ay nakita kong walang tao. Ngunit may namataan akong maliit na box sa ibaba. Nakakunot ang aking noo na kinuha ako ang box na maliit. Ngunit nang buksan ko ito ay tumambad sa aking mga mata ang isang panlalaki na relo. Teka kanino ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD