TAKOT NI CARMELA

1551 Words
Parang nangilabot ang buong katawan ko dahil sa boses na ‘yun ng isang lalaki. Subalit ayaw namang gumalaw ng aking katawan at hindi ko alam kung ano’ng nangyayari sa akin. Gusto kong lumayo sa lalaki ngunit paano. Lalo akong natakot nang sabihin nito ang mga salitang ‘I want to taste you’ Parang gusto ko na lang maiyak lalo at wala akong laban dito. Kahit na sabihin pa na parang panaginip lamang ito. Ngunit lalong kumabog ang aking dibdib nang hawakan niya ang aking hita. Ramdam na ramdam ko ang paghalik nito sa hita ko. Ang init ng labi nito. Mas lalo akong nagulat nang gumapang ang labi nito papunta sa itaas ng hita ko. Ngunit bigla naman itong huminto. Hanggang sa marinig kong humakbang ito paalis. Dinig ko rin ang pagsara nito ng pinto ng kwarto na kung saan ako naroon ngayon. Nakahinga ako ng maluwag. At sana lang ay hindi na ito bumalik pa. Hanggang sa lamunin na naman ako ng karimlan. Mabilis akong napabalikwas ng bangon nang maramdaman mong may lumapat sa aking labi. Agad na umikot ang mga mata ko sa buong paligid. Hanggang sa napagtanto ko na nandito pa pala ako sa bahay nina Hidelyn. Diyos ko po! Ano’ng oras na ba? Mabilis tuloy akong tumingin sa aking relong pambisig. Ngunit halos lumuwa ang aking mga mata nang makita kong alas-otso na pala ng umaga. Nagkukumahog tuloy ako na bumaba sa kama. Ngunit bigla ko ring hinawakan ang aking labi. Dahil pakiwari ko’y may humahalik talaga rito. Baka isang panaginip lamang ang lahat. Magkakasunod ko tuloy nahila ang aking buhok. Mabuti na lang at walang pasok ngayon. Ngunit bigla akong nakadama ng hiya dahil tinanghali ako ng gising, nakakahiya tuloy kay Hidelyn at sa mga magulang niya. Nakangiwi tuloy ako nang lumabas ng kwarto. Ngunit nakakailang hakbang palang ako nang bigla akong napahinto, dahil natanaw ko ang kapatid ni Hidelyn at masasalubong ko pa ito. Mabilis tuloy akong napatungo ng aking ulo. Dahil nakaramdam ako ng hiya. “Good morning po, kuya Calyx,” mahinang sabi ko nang dumaan ito sa aking harapan. Ngunit lalo akong kinabahan nang bigla itong huminto sa aking harapan. "You are not my sister, so don't call me kuya!" Tuloy-tuloy na itong umalis sa aking harapan, ngunit ramdam ko ang kasungitan nito. Diyos ko po! Bigla kong na hawakan ang aking dibdib. Ang lakas-lakas din ng kabog ng dibdib ko. Nakakatakot naman ang kapatid ni Hidelyn. Saka bilang paggalang lang naman kaya tinawag ko siyang kuya Calyx. Kailangan ko nang makaalis dito. Kaya dapat kong makita si Hidelyn upang makapagpaalam na ako. Dali-dali tuloy akong bumaba ng hagdan. Ngunit hindi ko naisip na nakausot pala ako ng heels. Nanlalaki tuloy ang aking mga mata dahil tuloy-tuloy ang paa ko na bumaba ng hagdan at para bang walang control. Oh! God! Tiyak na kapag tumama ang aking mukha sa malamig na tiles at magkakaroon ako ng sugat. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata dahil wala na akong pag-asang nakaligtas. Ngunit ilang minuto ang nagdaan ngunit hindi pa rin bumabagsak ang aking mukha sa matigas na sahig. Teka patay na ba ako kaya hindi ko na naramdaman ang sakit? Kaya naman dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata ngunit nakita ko ang kapatid ni Hidelyn. Hawak-hawak niya ako sa beywang ko upang hindi ako tuluyang bumagsak. “Stupid girl---!” mariing sabi nito sa akin. Agad din akong binitawan at walang paalam na umalis sa aking harapan. Ilang beses akong napakurap dahil sa sinabi nitong stupid daw ako. Kahit naiinis ay pinagsawalang bahala ko na lamang ‘yun dahil iniligtas naman nito ang aking buhay. Bangas-bangas sana ang aking mukha kung hindi ako nahawakan nito. “Carmela, mabuti gising ka na. Pupuntahan na sana kita sa kwarto. Kumain ka muna bago ka umuwi.” Hindi na ako nakapalag nang hawakan ni Hidelyn ang aking kamay nang mahigpit. Ang lakas-lakas tuloy ng kaba ng aking dibdib. “Relax ka lang, Carmela. Kung inaalala mo ay si kuya Calyx ay wala naman ‘yung pakialam sa paligid niya. Kahit nandiyan ka ay hindi ka noon papansinin.” Tinapik-tapik din ni Hidelyn ang aking balikat upang mawala ang kaba ng aking dibdib. Mahina na lamang akong napahinga. Nang dumating kami hapagkainan ay agad niya akong pinaupo sa bakanteng silya. Magalang din akong bumati sa mga magulang ni Hidelyn. Medyo nakahinga rin ako dahil wala rito ang kapatid ng aking kaibigan. Sana ay hindi na muna pumunta ang lalaki rito. Mabait naman ang mga magulang ni Hidelyn kaya hindi ako masyadong naiilang sa kanila. Ngunit nakakailang subo pa lang ako nang biglang sumulpot dito sa hapagkainan ang kapatid ni Hidelyn. Parang hindi ko tuloy malunok ang nasa bibig ko na pagkain at tila ba may nakabara sa lalamunan ko. “Anak, tamang-tama ang dating mo, halika na para sabay-sabay na tayong kumain,” narinig kong anas ni Mommy ni Hidelyn sa kuya nito. Medyo yumuko ako. Saka bigla ko na namang naalala ang sinabi nitong stupid daw ako. Pasimple ko tuloy kinagat ang ibabang labi ko. Hindi na lamang ako lumingon sa lalaki. Kailangan ko ring magmadaling kumain. Ngunit bigla akong napaunat ng likod nang maramdaman kong naupo ito sa bakanteng silya rito sa aking tabi. Pasimple tuloy akong tumingin sa lalaki. Ngunit parang biglang namula ang aking mukha nang makita kong nakatingin ito sa akin ng seryoso. Mabilis tuloy akong umiwas ng tingin sa lalaki. Walang salita na kumain na lamang ako. Narinig ko rin na nag-uusap sa negosyo ang pamilya. Malibang kay Hidelyn at sa akin na hindi na nagsasalita. Ilang sandali ang nagdaan nang tuluyang umalis ang lalaki dahil nagmamadali raw ito. Ngunit medyo nagulat ako nang sumayad ang hita niya sa aking legs. Ramdam ko ang init noon lalo at nakasuot lang ng short ang lalaki na hanggang tuhod ang haba. Parang biglang nangilabot ang buong katawan ko sa nangyari. Diyos ko po! Ano bang nangyayari sa akin? Saka hindi ako puwedeng magka-crush sa kapatid ni Hidelyn lalo at parang kuya ko lang ito. Magkakasunod ko tuloy ipinilig ang aking ulo. Nagmamadali na rin akong kumain para makaalis na rito. Hanggang sa tuluyan na akong nakatapos kumain. Magalang din akong nagpaalam sa mag-asawa at kay Hidelyn. Ayaw pa nga nila akong payagan na umalis lalo at wala raw namang pasok ngayon sa school. Ngunit sinabi ko lang na pupunta ako sa bahay ng kapatid ko. Saka baka biglang bumalik ang lalaking ‘yun. Ayaw ko nang makita ito. Iiwas na lamang ako sa kapatid ni Hidelyn na nakakatakot. Nakahinga lamang ako ng maluwag nang tuluyan akong makalabas ng bahay ng kaibigan ko. Ngunit habang naglalakad ay lutang pa rin ako. Hindi ko alam kung ano’ng nangyari sa akin. Kapag pipikit ako ng mga mata ang matapang na mukha ng kapatid ni Hidelyn ang aking nakikita. My Gosh! Huminto muna ako sa paglalakad. Balak ko kasing tumawid sa kabilang kalsada. Hinintay kong mawala ang mga sasakyan na dumadaan. Ngunit panay ang nagbuntonghininga ko ng malamin. Mayamaya pa’y malalaki na ang aking hakbang para makatawid sa kabilang kalsada. Ngunit nasa kalagitnaan na ako ng kasal nang bigla akong napalingon sa kanan ko at napahinto rin ako sa paglalakad. Biglang nanlalaki ang aking mga mata nang makita ko ang kulay itim na kotse. Sobrang bilis ng takbo nito. Malakas din ang pagbusina ng kotse. Hindi ko alam kung hahakbang ba ako o huwag na lang umalis sa aking pwesto. Saka ang aking mga paa ay parang ayaw kumilos. Parang biglang dumikit sa lupa. Ngunit kailangan kong iligtas ang aking sarili, masyado pa akong bata para mamatay. Kaya naman pinilit kong igalaw ang aking mga paa. Kaya lang bigla akong nataranta nang makita kong malapit na siya sa akin kaya lalo kong na dinig ang lakas ng busina ng kotse. Subalit ayaw talagang makisama ng aking paa. Kaya imbes na umalis ako sa aking pwesto ay tuloy-tuloy akong bumagsak at nauna ang aking mga tuhod. Bigla kasing nanlambot ang mga tuhod ko dahil sa takot. Ramdam ko rin ang sakit nito. “Bobo ka ba o tanga babae? Alin ka sa dalawa!” Mabilis akong nag-angat ng tingin at tumambad sa aking harapan ang isang lalaki. Inalis nito ang suot na salamin at kitang-kita ko ang bangis ng mukha nito. Magkakasunod tuloy akong napalunok at abot-abot din ang kaba ng aking dibdib. “Pasensya na po---” “Hindi mo ako madadaan sa paawa mo babae. Dahil ang mga ganiyang style ay alam na alam ko na. Dahil iyan ang mga modus ninyo para makakuha kayo ng pera sa akin. Tingnan nga natin kung hanggang saan ang tapang mo!” Sabay hawak sa aking buhok nang mahigpit. “Sir, hindi ko po alam kung ano’ng pinagsasabi mo. Alam ko pong may mali ako dahil hindi ka agad ako umalis sa aking pwesto, sobrang kinabahan po talaga ako. Maawa po kayo, bitiwan ninyo na po ang aking buhok!” umiiyak na sabi ko. Lalo at sobrang higpit nang pagkakahawak niya sa aking buhok. Nakita kong ngumisi ito sa akin. Ngunit mas nagulat ako sa sunod niyang ginawa dahil buong lakas niya akong sinampal sa aking mukha. Ramdam na ramdam ko ang pag-agos ng dugo sa aking gilid ng labi. “Hindi mo ako maloloko babae!” At agad nalipat ang kamay nito sa aking leeg. Sublit---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD