Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin kay Calyx. Bastos kasi ang lumalabas sa bibig ng lalaking ito. Inis tuloy akong tumingin dito. Gusto ko itong sapakin, ngunit baka iba naman ang ibalik nito sa akin at ‘yon ang ayaw ko nang mangyari pa. Mabilis na lamang akong lumayo rito. Dali-dali kong kinuha ang aking maliit na bag. Balak ko na sanang buksan ang pinto nang kusang mag-lock ang pinto. “Lalabas ka nang may dugo sa pang-upo mo, Carmela?” Nanlalaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Calyx. Ilang beses din akong napalunok. Ramdam ko na sobrang pula ng aking mukha. At parang gusto ko na lang magtatakbo papunta sa cr. Alam ko na agad kung ano ang tinutukoy ng lalaki. Kahit ganoon pa man ay dahan-dahan ko pa ring tiningnan ang pang-upo at doon ko nga nakita na may dugo ako. s**t! Hi