Parang nanuyo ang aking lalamunan ng mga oras na ito. s**t naman, oh--- Bakit ba wala man lang ka-preno-preno ang aking bibig. Diyos ko po! Mapapahamak ako sa aking kabaliwan. “Ano nga ulit ang sinabi ko tungkol sa akin, Ms. Carmela?” walang kangiti-ngiti na tanong ng lalaki sa akin. Ilang beses akong napalunok at talagang nanunuyo ang aking lalamunan dahil sobrang lapit nito sa akin at kulang na lang ay halikan ako. Magkakasunod muna akong napatikhim. Hanggang sa tumingin ako sa mga mata ni Calyx. “Si-Sir, wala naman po akong binanggit na pangalan mo na ikaw ang sinasabi ko na baklang pagong. Pasensiya na po kung sa inaakala mo na ikaw ‘yon---” Sabay yuko ko ng aking ulo. Matagal bago nagsalita ang lalaki. Mukang nag-iisip pa ito. Ngunit matalino ang lalaki at alam ko na hindi ito