Salubong ang kilay ko nang tumingin sa lalaki. Baliw ba siya? O, sadyang madumi lang ang utak nito lalo na pagdating sa akin. “Hindi ko kailangang makipag-usap sa ‘yo, Mr. Calyx. Dahil may iba pa akong pupuntahan ngayon!” Balak ko na sanang umalis sa harap nito nang hawakan ang aking beywang ng mahigpit. Muli akong bumaling sa lalaki habang may inis sa aking mukha. “Saan mo balak pumunta, Carmela?” Halos pasigaw na tanong ni Calyx. Mariin kong ikinuyom ang aking mga kamao. Punong-puno na talaga ako sa lalaking ito. Tadyakan ko kaya ang matandang ito upang matauhan man lang. “Pupuntahan ko si Hidelyn, dahil may dumukot sa kanya!” Asar na sabi ko kay Calyx. Hindi ko na talaga mapigilan ang aking bibig dahil inis na inis na talaga ako. Kaya nasabi ko na rito ang totoong rason ko. “What?