Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Dahil pakiramdam ko ay biglang nagtaasan ang mga balahibo ko sa aking katawan. Ano’ng bang nangyayari sa akin at para bang nahihibang na ako, My Gosh? Kaya naman mariin kong ikinuyom ang aking mga kamao. At pilit ko ring kumawala mula sa pagkakahawak nito sa aking batok. Ngunit ayaw talaga akong bitawan nito. Mas lalo akong nataranta nang bigla nitong hawakan ang aking beywang at agad inilapit sa katawan niya. Magkakasunod akong napalunok. Lalo na nang dumikit ang aking likod sa katawan nito. “Huwag mo akong sagarin, Carmela. Now, sabihin mo sa akin kung na saan si Hidelyn!” mariin bulong nito. Sabay kagat sa aking punong tainga. Ramdam ko ang ngipin nito. Ngunit wala naman akong naramdaman na sakit. Dahil ibang pakiramdam ang aking nadama. Parang