Ilang beses akong napalunok nang tuluyan makarating sa pinto ng opisina ni Mr. De Leon. Parang ayaw sumunod ng aking kamay para kumatok sa pinto. Yes, aaminin kong nanginginig ang kamay ko dahil sa takot sa lalaki.
Saka mali naman ang aking ginawa na nakikipag harutan kay Jezz habang nagsasalita ito. Lalo at ito ang may-ari ng university na ito. Talagang iisipin nito na wala akong galang sa kanya. Pero sobra rin naman akong napahiya kanina dahil sa mga sinabi nito. Magkakasunod ko tuloy nahilot ang aking noo dahil stress na stress ako.
Mariin ko munang ipinikit ang mga mata ko. Hanggang sa inangat ko ang aking kamay upang kumatok sa pinto ng opisina ni Mr. De Leon. Mayamaya pa’y tuloy-tuloy nang bumukas ang pinto ng opisina nito. Lalong kumabog ang aking dibdib nang makita kong madilim sa loob ng opisina.
Kung hindi naman ako hahakbang ay baka singhalan lamang ako ni Mr. De Leon. Bahala na nga, siguro ay hiningi na lamang ako ng sorry sa lalaki dahil sa ginawa ko rito habang nagsasalita ito. Kaya naman dahan-dahan akong humakbang papasok sa loob ng opisina.
Subalit bigla akong kinabahan nang kusang sumara ang pinto ng opisina. Isabay pa na sobrang dilim ng buong paligid. Hindi ko tuloy alam kong tatakbo ba ako papunta sa pinto para umalis dito. Ngunit malabo yatang makalaabas ako lalo at narinig kong kusang nag-lock ang pinto.
“Carmela, Carmela!” Galit na sabi ng lalaking kilala ko ang boses. Hanggang sa kumalat ang ilaw sa buong paligid. Mabilis akong lumingon sa likuran ko at kitang-kita ko ang madilim na mukha ni Mr. De Leon. Habang ang kabilang kamay nito ay may hawak na sigarilyo. Mabilis naman akong napayuko.
“Sir, pasensya na po sa nagawa ko. Patawarin ninyo po ako---” Halos maiyak na sabi ko sa lalaki. Wala akong narinig na salita mula rito. Ngunit narinig kong humakbang ito papalapit sa akin. Lalo naman akong takot sa lalaki nang tuluyan itong tumapat sa aking harapan.
Nakayuko pa rin ako dahil natatakot akong tumingin sa mukha ng lalaki. Ngunit nagulat ako nang hawak nito ang kamay ko. Pagkatapos at basta na lang binuhusan ng alcohol. Hanggang sa kuhanin nito ang panyo na kulay asul para ipunasa sa aking kamay. Sobrang init ng kamay ng lalaki at para bang napapaso ako.
Nawalan din ako ng boses. Litong-lito ako sa ginagawa ng kapatid ni Hidelyn sa akin. Mayamaya pa’y hinawakan nito ang aking mukha para iangat hanggang sa tuluyang magpantay ang mga mata namin. Seryoso itong tumingin sa akin. Ngunit may inabot itong panyo na kulay puti.
Mas lalo akong na-shock nang idampi nito ang basang panyo na hawak nito sa aking mukha. Nanlalaki tuloy ang mga mata ko habang nakatingin sa lalaki.
“Hindi magandang tingnan na may lalaking humahawak sa mukha mo Carmela. Ayaw ko na itong maulit, nagkakaintindihan ba tayo, huh?!” Galit na tanong sa akin ng lalaki. Hindi ka agad ako nakasagot dito. Sobra akong naguguluhan sa mga tinuran ni Mr. De Leon.
“Carmela!” Gulat ako sa lakas na sigaw ng lalaki sa akin. Balak ko sanang umurong nang bigla akong hawakan sa aking beywang nang mahigpit. Nanlilisik din ang mga mata nito habang nakatingin sa akin.
“S-Sir---” Nauutal na anas ko sa lalaki.
“Huling babala ko na ito sa ‘yo, Carmela. Oras na makita pa kitang nagpapahawak sa lalaking ‘yon. Lahat ng mga kagaguhan mong ginawa ay makakarating sa kapatid mo!” pagbabanta nito sa akin.
Balak ko sanang lumayo rito nang muli nitong hawak ang aking mukha. Kitang-kita kong nakatitig ito sa aking mukha at para bang takam na takam sa akin. Hanggang sa may kinuha ito sa busla ng suot nitong pants. Nakita ko ang maliit ng botelya. Pagkatapos ay basta na lang iwinisik sa aking magkabila kong mukha.
Nang lumapat sa mukha ko ang laman ng botelya ay ramdam ko ang lamig noon ngunit mabungo rin ito at hindi masakit sa ilong.
Hanggang sa tumalikod ang lalaki at bumalik sa pwesto niya. Pagkatapos ay muli itong tumingin sa akin ng seryoso.
“Lumabas ka na Carmela, tandaan mo ang bilin ko sa ‘yo. Oras na hindi mo ako sinunod alam mo ang mangyayri. Sige na umalis ka na. Ipapatawag na lang kita kapag may ipag-uutos ako sa ‘yo!” Masungit na pagtataboy nito sa akin.
Kahit kabado ay dali-dali akong lumabas ng opisina. Mabuti na lang at binuksan na nito pinto. Nang tuluyan akong makalabas ng opisina ay halos takbuhin ko ang daan para lang makarating sa loob ng classroom. Agad akong na upo aking upuan at agad na umubob sa harap ng table. Sa totoo lang ay parang wala na akong mukha na maihaharap sa mga studyante sa school na ito.
Ngunit pinilit kong hindi maiyak. Hiyang-hiya talaga ako sa mga nangyari sa akin. Hanggang sa nagdaan ang buong maghapon, halos ayaw kong tumingin sa mga studyante. Lalo at pakiramdam ko ay ako ang pinag-uusapan nila. Malalaki tuloy ang hakbang ko para lang makalabas ng gate. Hindi ko na nga pinansin si Jezz na tinatawag ako. Paglabas ng gate ay muli akong naglakad. Ngunit nagulat ako nang harangan ako ng limang babae na nag-aaral din sa Calyx University. Mukhang ayaw nila akong padaanin. Nakakikita ko rin na nakangisi sila sa akin at para bang minamaliit ako.
“Isang babaeng haliparot, hmmm! Ilang beses na kayong nagpunta ng hotel ni Jezz? Ewww! Tama nga ang hula ko na isa kang makating babae. Feeling inosente, ngunit may tinatago rin naman pala na kati sa katawan---” Biglang sabi ng babaeng kaharap ko.
Hindi ako nagsalita at nakatingin lamang sa mga babaeng kaharap ko. Kilala ko ang grupong ito. Mga mayayabang ito. At yes, mayaman ang pamilya nila, kaya nga kapag alam nilang mahirap lang ang isang studyante ay ginagawa nilang utusan.
“Wala akong pakialam sa mga panghuhusga ninyo sa akin. Ang gusto ay tumabi kayo sa daraanan ko!” Sabay tulak ko sa kanila para makadaan ako. Muntik na ngang matumba ang isang babae ngunit wala akong pakialam sa kanila. Tuloy-tuloy na akong naglakad. Nang may dumaang sasakyan ay agad akong sumakay at nagpahatid sa apartment ko.
Ilang minuto pa ay tuluyan na akong nakarating sa apartment ko. Ngunit hindi pa ako nakakapasok sa loob ng apartment ay narinig kong nag-ingay ang cellphone ko. Nakita kong si Hidelyn ang caller ko. Ngunit biglang kumunot ang aking noo nang marinig kong umiiyak ito sa kabilang linya.
“Hidelyn,may problema ba? Bakit ka umiiyak?” sunod-sunod na tanong ko sa aking kaibigan.
“Nagtanan ako, Carmela!” Nanlalaki ang mga mata ko dahil sa aking narinig. Ilang beses din akong napakurap. Napahinto rin ako sa pagbukas ng pinto ng apartment ko.
“Hidelyn, seryoso? Teka sinong lalaki? Wala akong alam na may boyfriend ka, na saan ka ba ngayon?” sunod-sunod na tanong ko sa aking kaibigan.
“Magkita tayo, ngunit mag-iingat ka dahil baka masundan ka ng kapatid mo. Please! Marami akong gustong sabihin sa ‘yo!” Umiiyak pa ito bago magpaalam sa kabilang linya. Agad kong tinago ang aking cellphone. Dali-dali akong pumasok sa loob ng apartment ko.
Agad akong nagpalit ng damit. Kinuha ko rin ang sombrero ko. Pagkatapos muli akong lumabas ng apartment ko. Ngunit panay ang tingin ko sa buong paligidat baka nandiyan lamang ang kapatid ni Hidelyn. Sa isang Mall kami magkikita at sa loob pa ng banyo upang hindi halata. Gosh!
Agad naman akong sumakay ng taxi ang nagpahatid sa Mall na kung saan kami magkikita ng kaibigan ko. Paglabas ng taxi ay agad akong pumasok sa loob ng Mall. Ngunit nag-ikot-ikot muna ako dahil wala pa si Hidelyn sa lugar na usapan namin.
Mayamaya pa’y may nagpadala ng minsahe sa akin at nang basahin ko ay nalaman kong nasa loob na raw ito ng banyo. Agad akong umikot sa gilid na mga ng dress. Pagkatapos ay tuloy-tuloy na akong pumasok sa loob ng banyo. Nakita ko agad ang aking kaibigan na may suot na facemask at salamin sa mga mata.
Mahigpit ko itong niyakap. Ngunit ramdam ko ang lungkot at kabado rin ito. May dala-dala itong bag. Dali-dali nitong binuksan ang bag at inabot sa akin ang kulay itim na t-shirt. Ganoon din ang facemask.
Agad ko namang sinunod ang gusto nito na suotin ko ang damit at facemask dahil sa ibang lugar raw kami mag-uusap. Nauna itong lumabas upang maghanap ng taxi na masasakyan namin. Basta mag-abang lang daw ako sa isang waiting shed. Mayamaya pa’y lumabas na rin ako ng Mall. Pagkatapos ay pumunta ako sa waiting shed na sinasabi ni Hidelyn.
Hindi naman nagtagal ay may humintong taxi sa harap ko. Medyo bumukas ang bintana at nakita ko agad ang kaibigan ko. Dali-dali akong pumasok sa loob ng taxi. Habang nasa biyahe aty wala kaming imikan ni Hidelyn. Nakikiramdam lang din ako sa aking kaibigan na alam kong nag-aalala dahil baka nakasunod sa amin ang kapatid nito.
Kung titingnan ay mukang matalas ang pang-amoy ng Calyx na ‘yon kaya kailangan naming mag-ingat. Tumingin ako sa labas ng bintana at napansin kong papasok kami sa squatter. Mayamaya pa’y huminto ang taxi. Agad namang nagbayad ang kaibigan ko. Pagkatapos ay dali-dali na kaming pumasok sa loob ng iskinitang daan. Makipot ang daan, isabay pa ang taong nasa daan din at doon nag-uusap.
Nang lumiko kami sa kabilang daan ay huminto kami sa isang pinto. Agad namang binuksan ni Hidelyn ang pinto at tumambad sa akin ang maliit na bahay. Dali-daling inalis ni Hidelyn ang suot na facemask at umiiyak na yumakap sa akin.
“Carmela, I’m really sorry kung pati ikaw ay madadamay. Alam kong ikaw ang unang pupuntahan ni kuya Calyx oras na laman niya na wala ako sa bahay. Ngunit nag-iwan ako ng sulat sa kanya na huwag na niya akong nahapin---” umiiyak na sabi ng kaibigan ko. Agad naman itong kumalas mula sa pagkakayapos sa akin.
Niyaya rin niya akong maupo sa bakanteng silya na gawa sa kahoy upang makapag-usap kami ng maayos ni Hidelyn. Marami kong ring gustong itanong dito lalo na sa lalaking napangasawa nito. Dahil sa aking pagkakaalam ay wala itong nobyo. Kaya shock ako sa aking nalaman. Muli kong hinawakan ang kamay ng aking kaibigan at seryoso akong tumingin sa akin.
“Hidelyn, bakit ganoon, kaibigan kita ngunit hindi ko man lang alam na may nobyo ka na pala? Why naman ganoon?” malungkot na sabi ko sa aking kaibigan.
Mahigpit nitong hinawakan ang aking kamay. Malungkot din itong tumingin sa akin. Nakikita ako sa mga mata nito ang pangamba.
“Patawarin mo ako Carmela, kung hindi ko agad sinabi sa ‘yo. Natatakot ako na madamay ka. Lalo at ayaw na ayaw ni kuya Calyx sa aking nobyo. Ilabg beses siyang nagbanta na ipapapatay ang lalaki at idadamay ka oras na hindi ko iwan ang nobyo ko. Kahit sina mommy at daddy ay ayaw sa kanya. Ayaw kitang madamay kaya hindi ko sinabi sa ‘yo. Ilang beses kong hiniwalayan si Agonel, ngunit hindi ko kaya. Kung pumayag lang sana sila sa relasyon namin hindi sana ako magtatanan. Ayaw nila kay Agonel dahil mahirap lamang---” At muling umiyak ang kaibigan ko.
Biglang nawala ang pagtatampo ko rito. Sobrang hirap ng lagay nito. Ang hira pala na maging mayaman ang kinagisnang pamilya. Mukang ang gusto nilang maging nobyo ni Hidelyn ay mga ka-uri rin nilang mayaman. Sabi nga pala ng iba. Ang mayaman ay para lang sa mayaman. At ang mahirap ay para lang din sa mahirap. Marahas tuloy akong napahinga.
“Nauunawaan kita, Hidelyn. Ang tanging dasal ko lang sa ngayon, sana ay matanggap na nila ang lalaking gusto mo upang hindi ka na nagtatago…” bulong ko sa aking kaibigan.
“Malabong mangyari ‘yon, Carmela. Iba ang magulang ko lalo na ang aking kapatid. Alam kong ikaw ang pupuntahan ni kuya Calyx. Please! Huwag mo sanang ituro kung na saan ako. Saka ikaw lang ang taong malalapitan ko sa ngayon. Tumawag din ako sa ‘yo dahil ayaw kong mag-alala ka sa akin kung bakit wala ako…” bulong ng aking kaibigan.
“Basta palagi kang mag-iingat dito, Hidelyn. Kung may problema ka ay tawagan mo lang ako…” Sabay yakap ko sa aking kaibigan. Ilang saglit pa’y nakita ko na rin ang lalaking naging dahilan kaya sumuway ito sa pamilya niya.
Nanlalaki ang mga mata ko nang matandaan ko ito. Isa lang naman ito sa waiter sa isang restaurant na kung saan kami kumakain palagi ni Hidelyn. Nagpalit-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Biglang napayuko si Hidelyn. Shock! Hindi ko man lang namalayan na may something na pala sa dalawang ito. Kaya pala panay ang ngiti nila sa isa't isa kapag doon kami kakainin sa restaurant. Muka namang mabait ang lalaki. Sana lang ay tama ang kutob ko at huwag nitong sasakyan ang kaibigan ko.
“Ikaw, huwag na huwag mong sasaktan ang kaibigan ko dahil papatayin kita---” Pagbabanta ko sa lalaki. Kakamot-kamot naman sa ulo ang lalaki at mukang nahihiya pa ito.
“Pangako, hindi ko siya sasaktan, handa kong ipapaputol ang mga daliri ko sa kamay at paa,” anas ng lalaki.
“Aba! Dapat lang na hindi mo siya saktan---! Malalagot ka talaga sa akin!” Tatawang niyakap ko naman ang aking kaibigan. Hanggang sa magpaalam na rin ako sa kanila. Hindi na ako nagpahatid sa kanila. Dahil natandaan ko naman ang dinaanan namin kanina. Saka, sana’y akong maglakad sa mga ganitong lugar dahil tumira rin kami ni ate Trish sa squatter.
Ilang saglit pa’y tuluyan na akong nakarating sa aking apartment. Balak ko na sanang buksan ang pinto ng apartment ko nang makita kong hindi ito naka-lock. Bigla tuloy kumunot ang noo ko. Sa aking pagkakaalam ay ini-lock ko pa rin ito.
Ngunit lakas loob pa rin akong pumasok sa loob. Saka kahit papaano ay kaya kong ipagtanggol ang aking sarili dahil tinuruan ako ni ate Trish ng self defense.
“Nagkita ba kayo ng magaling kong kapatid?” Mabilis akong lumingon sa nagsalita. Nakita ko agad si Mr. De Leon. Nakaupo sa sofa habang may sigarilyo sa bibig nito.
Kahit patayin ako nito hindi ako aaminin sa lalaking ito kung na saan si Hidelyn.
“Paano kami magkikita? Eh, hindi nga siya pumasok sa school kanina, Mr. De Leon. Saka, sinong nagbigay sa ‘yo nang pahintulot na basta na lang pumasok sa aking apartment, huh?”
HINDI nagsalita ang lalaki. Ngunit dahan-dahan itong tumayo at napansin kong balak na lumapit sa akin. Kaya naman dali-dali akong tumalikod para sana pumasok sa loob ng kwarto ko. Ngunit bigla nitong hinawakan ang batok ko nang mahigpit.
“Carmela, Carmela! Kung gusto mong magkasundo tayong dalawa, sabihin mo na kung na saan si Hidelyn at ang lalaking tumangay sa kanya!”
“Hindi ko alam! Kahit patayin mo ako, Mr. De Leon, ay wala kang makukuhang sagot sa akin dahil wala akong alam, kanina ko pa rin siya tinatawagan!”
“Talaga, Carmela…?” bulong ng lalaki sa aking punong tainga. Damang-dama ko rin ang mainit na hininga nito.