Nagising ako sa bulongan ng mga tao sa buong paligid. Kaya naman dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Ngunit puti ang nakikita ko sa buong paligid ko. Teka nasa langit na ba ako? Tumingin din ako sa dalawang nurse na nandito. Agad silang lumingon sa akin. Nang makita na gising na ako ay dali-daling lumapit sa akin ang isang nurse. Mukang alam ko na kung na saan ako ngayon. Napangiwi pa nga ako nang sumakit ang sugat ko dahil balak kong bumangon. Agad naman akong inawat ng nurse. Huwag daw muna akong maggagalaw lalo at sariwa pa ang sugat ko. "Ano’ng nangyari? Sinong nagdala sa akin dito? Teka, kilala mo ba kung sino ang nagdala sa aking dito sa hospital?” tanong ko agad sa nurse. “Pasensiya na po, Ms. Hindi po naman nakita ang mukha kung sino siya dahil may suot na maskara. N