Isang buntonghininga ang aking pinakawalan habang nakaharap sa malaking salamin dito sa kwarto ko. Gusto kong alamin kung maganda na ba ako o pangit. Isang simpleng dress na kulay black ang aking suot. Hanggang hita ko lang ang haba nito kaya litaw na litaw ang maputi kong balat.
Ngumiti pa ako ng matamis habang nakatingin sa malaking salamin. Maganda rin pala ako kulad ng aking ate Trish. Tumingin ako sa aking labi na nilagyan ko ng lispstick na pink. Nakalugay lang ang aking buhok dahil mas gusto ko ang ganitong ayos. Medyo excited din ako dahil makikita ko aking crush.
Ang sabi ng kaibigan kong si Hidelyn ay imbitado raw ito, kaya heto ako ngayon at nagpapaganda talaga upang mapansin ako. Umikot pa ako sa harap ng salamin at nang alam kong maganda at sexy na ako ay tuloy-tuloy na akong lumabas ng aking kwarto.
Kasalukuyan akong nakatira sa isang apartment na malapit lang sa university na kung saan ako nag-aaral. Mabuti nga at pumayag si ate Trish na bumukod muna ako sa kanila. Nahihiya na rin kasi ako sa asawa ni ate Trish na si kuya Elron. Kaya naisip kong bumugod muna. May pera namang ibinigay sa akin si ate Trish at sobra pa ‘yun hanggang sa makapagtapos ako ng college. Ang gusto rin ng kapatid ko siya ang magpaaral sa akin. Kahit na gustong tumulong ni kuya Elron pero matigas si ate at siya lang daw ang magpapaaral sa akin. Wala na ring magawa ang asawa nito kundi hayaan ang ate ko sa gusto niya.
Napinto naman ako sa paglalakad ng mag-ingay ang cellphone ko. Nakita kong si Hidelyn at ito ang caller ko. Agad ko namang sinagot.
“Nasaan ka na ba? Ang tagal mo, Carmela!” tili ng kaibigan ko sa kabilang linya. Medyo nailayo ko ang cellphone sa aking tainga dahil halos mabingi ako sa sigaw ng babae.
“Papunta na ako riyan!” natatawa kong sabi sa babae. Agad kong ibinaba ang cellphone ko matapos naming mag-usap. Bago umalis ng apartment ay tiniyak ko munang nakalock ang pinto. Hanggang sa tuloy-tuloy na akong naglakad.
May nakita akong sasakyan at nagpahatid sa bahay ng kaibigan ko. 18th birthday nito ngayon. Kaya may party sa kanila. Alam kong paghahandaan siya ng mga magulang dahil mayaman ang pamilya nito.
Noong nag- 18th ako ay simple lang na salo-salo ang gusto ko. Pero ang gusto talaga ni ate Trish ay mag-debu ako, ngunit ako lang ang umayaw. Masaya na kasi ako na kasama ko si ate Trish sa aking kaarawan, hindi ko na kailangang ng bonggang birthday.
Isang malalim na buntonghininga ang aking pinakawalan, hanggang sa makarating ako sa tapat ng gate ng bahay ni Hidelyn. Nang makapagbayad sa driver ng tricycle ay agad akong bumaba. Tuloy-tuloy akong humakbang papalapit sa gate agad kong kinuha ang invitation card at pinakita ko sa dalawang security guard sa labas ng gate.
Tuloy-tuloy na akong pumasok sa loob at nakita ko ka agad ang mga classmate namin na imbitado. Dali-dali namang lumapit sa akin si Hidelyn, tuwang-tuwa ito na makita ako. Agad kong inabot sa babae ang aking munting regalo.
“Halika, ipapakilala kita sa aking kuya. Dumating siya. Akala ko nga hindi siya uuwi.” Agad niyang hinawakan ang aking kamay.
“Teka lang, Hidelyn. Parang nakakahiya naman, huwag na lang kaya---” Angal ko sa aking kaibigan.
“Ano ka ba? Ayos lang ‘yun. Saka mabait naman si kuya, hindi lang siya pala ngiti. Tinatanong din pala nina mom at dad kung dumating ka na. Alam mo naman na tuwang-tuwa si Mommy kapag nakikita ka.” Bigla akong napangiti sa aking kaibigan.
Mabait ang mga magulang ni Hidelyn, ngunit hindi ko sure kung pati ang kapatid nito ay mabait din. Lalo at ngayon ko pa lang makikilala. Sa aking pagkakaalam ay pagmamay-ari ng kapatid ni Hidelyn ang university na kung saan kami nag-aaral. Ngunit simula nang pumasok ako sa school na ‘yun ay hindi ko pa nakikita ang kapatid nito. Napahinga na lamang ako ng malaman.
Hanggang sa makarating kami sa loob ng mansiyon ng kaibigan ko. Nakita ko agad ang mga magulang ng kaibigan ko. Nakaharap sila sa amin, ngunit may isang lalaking kausap sila. Hindi ko pa nakikita ang mukha ng lalaking nakatalikod ito sa amin.
“Carmela hija, mabuti naman at nakarating ka---” Agad na yumakap sa akin ang ina ni Hidelyn. Ngumiti naman ako sa Ama ng kaibigan ko bilang paggalang.
“Kuya Calyx, I would like to introduce you to my best friend Carmela.” Agad akong lumingon sa kapatid ni Hidelyn.
“Good Evening po,” anas ko at medyo yumuko ako. Hindi ko tiningnan ang mukha nito dahil agad akong yumuko. Bigla kasi akong tinubuan ng hiya sa aking katawan. Ngunit wala akong narinig na salita sa lalaki.
“Ang sungit mo talaga, kuya. Nakakainis ka. Diyan ka na nga! Let’s go, Carmela. Dahil ipapakilalala na kita sa crush mo. Alam ko dumating na siya…” bulong sa ni Hidelyn. Ngunit alam kong pakinig ‘yun ng kapatid nito lalo at nasa malapit lang kami rito.
“Ang ingay mo…” Sabay pisil sa ilong ni Hidelyn. Tumawa lamang ito. Hanggang sa lumabas kami ng bahay nila. Alam kong mamaya lang ay magsisimula na ang kasiyahan. Lumapit kami sa isang table at nakita ko agad si Jezz. Ang gwapo talaga nito, ngunit hanggang tingin lamang ako rito.
Agad kaming pinakilala sa isa’t isa. Nagulat pa nga ako ng makipagkamay ito sa akin. Pinaupo rin ako ni Hidelyn sa tabi ni Jezz. Kumindat ito sa akin at talagang tinusukso ako. Nagpaalam ito sa akin, dahil tatawagin na ito ng host.
Naiilang naman akong tumingin kay Jezz. Ngunit napansin kong nakatingin siya sa akin.
Nagdaan ang mahabang oras at natapos na rin ang mga kaganapan para sa aking kaibigan. Maraming bumati rito at isa na ako roon. Ang gusto ng mga magulang ni Hidelyn ay mag debu talaga ito na may 18 candles at 18 roses ngunit ayaw ng kaibigan ko. Sapat na raw rito ang mga message na galing sa mga malalapit na tao at nagmamahal sa kanya. Ang hindi lang nag-message rito ay ang kapatid nito. Siguro ay sana’y na si Hidelyn sa kuya niya.
“Hi, can I dance with you?”
Bigla akong napatingin kay Jezz na katabi ko. Nakalahad ang kamay niya sa akin. Gosh! Isasayaw ako ng aking crush.
“Sure,” anas ko. Mabuti na lang at hindi ako sumabit na magsalita. Agad kaming tumayo ay pumunta sa bulwagan. Naramdaman kong hinawakan ni Jezz ang aking beywang.
Ngunit hindi pa kami nagsisimulang sumayaw nang biglang bumagsak si Jezz. Shock ako sa nangyari rito. Dali-dali namang lumapit sa akin si Hidelyn.
“Hindi ko alam kung ano’ng nangyari, bigla na lang siyang bumagsak,” anas ko sa aking kaibigan.
“Shhhh! Relax. Baka nawalan lang siya ng malay. Ang mga tauhan ni kuya Calyx ang bahala kay Jezz, sila na raw ang magdadala sa hospital. Let’s go, magpahinga ka muna. Mukhang na-shock sa nangyari sa kanya.”
Agad niya akong dila sa isang kwarto. May nag-abot din nang tubig kay Hidelyn na isang lalaki. Baka taga silbi sa bahay na ito.
“Magpahinga ka muna rito. Huwag mong alalahanin si Jezz, ayos lang ‘ yun.” Mahigpit pang hinawakan ni Hidelyn ang aking kamay. Hanggang sa tuloy-tuloy na itong lumabas ng kwarto na ito.
Ako naman ay nakaramdam ng antok. Kaya dahan-dahan kong ipinikit ang aking mga mata. Ngunit nagising ang diwa ko nang may pumasok dito sa kwarto. Pero hindi ko pa rin maimulat ang aking mga mata at hindi ko alam kung ano’ng nangyari.
“My Angel…” narinig kong bulong sa akin ng isang lalaki. Naramdaman ko ring hinaplos niya ang aking labi. Pinilit ko ulit imulat ang mga mata ko ngunit ayaw sumunod ng talukap.
“You are so beautiful My Angel. I want to taste you---”