Agad kong hinawakan ang pulsuhan ni Calyx dahil talagang hihilahin nito ang suot kong bathrobe. Inis na tumingin ako sa lalaki at talagang nagbabanta. “Subukan mong ituloy! Dahil titiyakin ko sa ‘yo na may paglalagyan ka, Mr. Calyx!” mariing sabi ko sa lalaki. Agad din akong nagpumiglas mula sa pagkakahawak nito. Nang mabitawan ako ay agad akong lumayo rito. Ito naman ay seryo lamang nakatingin sa akin. Pero bago tumalikod ay isang masamang pag-irap ang ibinigay ko sa lalaki. Napansin ko agad ang paper bag. Aba! Nandito na pala ito? Kanina lang nandoon ito sa kabilang kwarto. Dinala na siguro ni Calyx o baka si Sexies. Sobrang gulo ng kwarto na ‘yon kaya alam kong ipapaayos pa ‘yon ni Calyx. Basag din ang mga bubog doon at ganoon din ang mga bintana. Ano kayang nangyari roon? Pumasok l