Limang taon ang makalipas….
Isang magarang sasakyan ang tumigil sa harap ng Lennox Tower. Mula sa sasakyan ay bumaba ang isang napakagandang babae. Kagalang-galang itong tingnan sa suot na business suit.
Pumasok ito sa loob ng building at kaagad na nagtanong sa reception.
“Good morning, Ma’am!” Nakangiting bati sa kanya ng receptionist.
“Good morning too. I have a meeting with Mr. Lennox at 9am. By the way, I’m Miss Bianca Delamar,” pakilala ng magandang babae.
“Just a sec, Miss Bianca,” tumawag sa extension ang babae at may kinausap. Nang ma-confirm ang meeting ay saka pinayagan ang babae na umakyat sa top floor. “You can go to 10th floor, Miss Bianca. Just look for Ms. Tania and she will assist you.”
“Thank you.” Matamis na nginitian ng babae ang receptionist at naglakad na papunta sa elevator na itinuro nito.
“A-nne… Anne!” Naputol ang paglalakad ng babae ng biglang may tumawag sa pangalan niya. Napalingon siya dito at nanlaki ang mata ng makita and babaeng papalapit sa kanya. “Anne? Ikaw na ba talaga ‘yan?”
Kaagad naman niyang hinila sa gilid ang babae, “Please, Danica, huwag mo’kong tawagin sa ganyang pangalan. Eto ang bago kong number, tawagan mo’ko at magkita tayo mamaya.” May binigay na calling card ang babae atsaka dali-daling sumakay na sa elevator.
Nagtataka man ay kinuha na lamang ni Danica ang calling card na binigay sa kanya ni Anne. Tiningnan niya ang nakalagay doon. Bianca Delamar. Nagtaka pa si Danica kung bakit nag-iba na ang pananamit ni Anne. Hindi na ito ang dating Anne na kaibigan niya. Nagulat nga siya ng bigla na lamang itong parang bulang Nawala. Isang araw ay hindi na ito nagpakita at hindi na rin niya makontak. Sa pag-aalala ay pinuntahan niya rin ito sa kanilang bahay pero nalaman niyang buong pamilya nito ay wala na din doon sa kanilang tinitirhan. Nagtaka nga sila dahil bigla na lamang nawala ang mga ito at walang may nakakita kung paano sila nakaalis sa kanilang lugar na walang may nakapansin.
Ngayon ay limang taon na ang nakakaraan at hindi siya maaaring magkamali, si Anne ang nakita niya. Kahit magbago pa ito ng pananamit at magmukhang mayaman ay kilala niya pa rin ito. Tatawagan niya mamaya ang kaibigan kung bakit bigla na lamang silang nawala sa kanilang lugar.
Samantala ay kinabahan naman si Anne ng makilala siya ng kaibigan. Akala niya ay wala nang may makakilala sa kanya dahil ibang-iba na siya dating siya. Hindi na siya ang dating Anne na slow, shunga at uto-uto.
Nagbalik siya bilang si Bianca Delamar. Nagbalik siya upang gumanti sa lalaking nanloko sa kanya- si Zeno Lennox. Ang plano niya ay makikipag-sosyo sa kompanya ng mga ito. Paiibigin ang lalaki at sisirain ang pamilya nito kagaya ng nangyari sa kanya na naaksidente dahil sa panloloko nito. Napangisi na lamang ang dalaga dahil sa wakas, pagkatapos ng limang taon ay magkakaroon na rin ng katuparan ang matagal na niyang plano.
Pagdating sa top floor ay pinuntahan na niya si Ms. Tania bago kausapin si Zeno.
“Hello, good morning! I’m Miss Bianca, I have a meeting with Mr. Lennox at 9am,” nakangiting bati ni Bianca sa dating kasamahan.
Natulala naman sa dalaga ang matandang sekretarya kaya binati ulit ito ni Anne.
“S-sorry, Miss Bianca. A-ang g-ganda niyo kasi.. tapos, parang may kahawig kayo na katrabaho namin dati.” Napangiti na lamang si Bianca sa sinabi nito. In-assist naman siya ni Ms. Tania at pinapasok sa opisina ng CEO dahil on- the-way pa lamang si Mr. Lennox na siyang pinagtakhan ni Anne. Kilala niya si Zeno at hindi pa ito na-late sa mga meeting sa pagkaalala niya. Sabagay, baka nga nagbago na ito dahil may pamilya na.
Nang mapag-isa sa loob ng opisina ay hindi niya maiwasang mapatingin sa paligid. Ibang-iba na ang pagkakaayos ng mga gamit at medyo magulo. Hindi na rin masyadong malinis ang opisina at pansin niya ang alikabok sa mga shelves. Tatayo na sana siya ng biglang bumukas ang pintuan ng opisina.
“Hi, Miss Bianca. Glad to meet you sa wakas. Pasensiya ka kung na-late ako dahil sobrang traffic. By the way, I’m James Lennox, the CEO of Lennox Holdings.” Lumapit ang lalaki at nakipagkamay kay Anne.
“A-ah.. y-you’re Mr. Lennox?” medyong nakangiwing tanong ni Bianca. Bakit si Sir James na ang CEO. Nasaan si Zeno?
“Why?” takang tanong naman ni James.
“A-ah.. kasi akala ko matanda na si Mr. Lennox. I’m sorry.”
“That was my Dad. He retired a long time ago. Have a seat Miss Bianca.” Nakangiting alok ni James kaya naman umupo na din si Anne. Nagtataka siya kung bakit hindi na si Zeno ang CEO ng dating kompanya. Kailangan niyang kausapin si Danica dahil alam niyang mas marami itong alam sa nangyayari sa kompanya.
Ilang oras ding nag-usap ang dalawa tungkol negosyo at nagpaalam na si Anne na magkakaroon pa sila ng final meeting kung tuluyan na siyang makikipagsosyo sa pamilya nina Zeno.
Inihatid ni James ang dalaga sa labas kaya naman hindi niya nakausap si Danica.
Ang ginawa ni Anne ay inantay na lamang niya na matapos ang duty ni Danica at saka ito binantayan sa labas ng building.
Nang matapos nga ang duty ay kaagad na nakita ni Anne ang kaibigan at kaagad na hinintuan ng sasakyan.
“Dan, sumakay ka na sa akin at ihahatid na kita.” Alok ni Anne at hindi na nga nagdalawang-isip pa si Danica na sumakay sa sasakyan.
Nang makarating sa isang kainan ang dalawa ay kaagad na silang um-order at nagkamustahan. Hindi mapigilan ng dalawa ang maiyak dahil nagkita silang muli matapos ang ilang taon.
“Sinasabi ko na at ikaw si Anne eh. Pero bakit parang ibang-iba ka na ngayon? Anong nangyari at bigla kang nawala?” usisa ni Danica upang alamin ang dahilan ng pag-alis nito sa kanilang lugar.
Huminga muna ng malalim si Anne.
“Mahabang kwento pero gusto ko munang malaman kung bakit si Sir James na ang CEO. ‘Di ba dati ay si Zeno?” takang tanong ni nito.
“Hindi mo alam. Sabagay, nawala ka pala bigla. Ganito kasi ‘yon. Pagkatapos mong mawala ay biglang nagbago si Sir Zeno. Lagi na itong galit at laging naglalasing. Pinabayaan na ang kompanya at muntik nang malugi kaya inaway ito ni Ma’am Andrea. Pero mas nagulantang pa kami ng marinig namin na kasalanan daw ni Ma’am kung bakit ka nawala. Kapag daw hindi ka bumalik sa kanya ay hinding-hindi niya mapapatawad si Ma’am Andrea.”Pagkukwento ni Danica.
“Sinabi ‘yon ni Zeno? Eh paano naman ang babaeng nabuntis ni Zeno?” kinakabahang tanong ni Bianca.
“Sinong buntis? Si Ma’am Elisha? ‘Yong ex-girlfriend ni Sir Zeno na galing Amerika. Ayon kasal na sa kaibigan nila at ninong si Sir Zeno sa kanilang anak.”
“W-walang asawa’t anak si Zeno sa ibang babae?” ngayon ay unti-unti nang nagliliwanag kay Anne ang lahat. Nagsinungaling sa kanya si Ma’am Andrea at naniwala naman siya. Napakalaki niyang tanga. Akala niya ay nagbago na siya pero uto-uto pa rin pala siya dahil naniwala siyang niloko siya ni Zeno. Bigla ay napahagulgol na lamang si Anne. May kasalanan din siya kung bakit naghiwalay sila ni Zeno, kaagad siyang naniwala sa mommy nito.
“Hoy! Bakit ka umiiyak diyan?”
“Ang laki kong tanga, Danica. Kasalanan ko kung bakit naging gano’n si Zeno. Naniwala ako kay Ma’am Andrea na niloko ako ni Zeno.” Umiiyak na kwento ni Anne.
“Ha? Bakit anong sinabi sa’yo ni Ma’am Andrea?” takang tanong ni Danica.
“Kaya ako umalis noon ay dahil kinausap ako ni Ma’am Andrea na layuan ko daw si Zeno dahil ayaw niya sa akin. Noong hindi ako pumayag ay pinakita niya sa akin ang mga picture ni Zeno kasama ang girlfriend daw nito. May mga kuha sila na masayang nag-uusap at naghahalikan sa pisngi. Meron ding kuha na hinahalikan niya ang tiyan ng babae kaya naman nagalit ako. Dali-dali akong umalis sa restaurant at nabangga ako ng isang sasakyan. Mayaman ang nakabangga sa akin at dinala ako sa ospital. Nagtagal din ako ng ilang buwan sa ospital dahil nagkaroon ako ng fracture. Dahil walang anak ang mga ito ay inalok nila akong maging anak nila. Sinabi ko naman sa kanila na may pamilya ako at naghihintay sa akin kaya ang ginawa nila ay kinuha din nila sina nanay at ang aking mga kapatid kaya bigla kaming nawala sa ating lugar. Sa sobrang galit ko din kay Zeno dahil ang pagkakaalam ko ay niloko niya ako ay siya ang sinisi ko sa nangyaring aksidente sa. Kasabay ng pagtira naming sa mag-asawang kumupkop sa amin ay nag-iba na rin ako ng pangalan para sa gagawin kong paghihiganti sana kay Zeno dahil ang akala ko talaga ay niloko lang niya ako. Pero sa nalaman ko ngayon ay parang balewala lang din pala lahat ng ginawa kong hirap. Sana kung hindi ako naniwala kay Ma’am Aurora no’n, siguro ay hindi nagbago si Zeno.” Umiiyak pa ring wika ni Anne.
“Ha?! Talagang kinausap ka pala ni Ma’am Andrea na hindi ka niya gusto at siniraan pa talaga ang sariling anak para magkahiwalay kayo! Grabe din pala si Ma’am Andrea, ang sama pala talaga ng ugali niya. Kaya pala bigla kang nawala tapos naaksidente ka pa. Kaya naman pala galit na galit si Sir Zeno sa kanya.” Huminga ng malalim si Danica at nagpatuloy muli sa pagsasalita. “Alam mo bang naaksidente din si Sir Zeno. Lagi kasi itong lasing at bumangga ang minamaneho nitong sasakyan sa isang poste at nacomatose siya ng halos lampas isang taon. Wala na siya sa dito sa Pinas dahil dinala sila ni Ma’am Andrea sa Amerika para sa kanilang therapy. Pati si Sir Zander ay nasa Amerika na din. Tanging si Sir James lang ang narito kaya siya na ang CEO simula ng maaksidente si Sir Zeno.”
“Ano?! Naaksidente din si Zeno? May balita ka na kung nasaan na siya ngayon? Nasa Amerika pa ba? Kamusta na siya? I really missed him. After all these years, mahal ko pa rin siya.”
Bigla ay napatingin si Danica kay Anne. Hindi ito makapaniwala sa narinig kay Anne.
“You miss Sir Zeno?”
“Oo, Danica.I love him so much!” madamdaming wika ni Anne.
“Wow ha! Nag-eenglish ka na pala ngayon ha!” Bigla ay natawa si Anne dahil tinitesting lang pala siya ng kaibigan.
“Actually, noong nabangga ako ng sasakyan ng kumupkop sa amin, ang sabi ng doctor ay nabagok ang ulo ko pero wala silang may nakitang namuong dugo sa ulo ko or any internal bleeding fracture at ilang gasgas lamang. After nang nangyari sa akin ay kusa na lamang akong nakaintindi ng mga English words. Atsaka ‘di ba, pinaturuan ako ni Zeno sa isang english teacher noon kahit alam niyang hindi ko maalala. Lahat ng mga itinuro sa akin ay basta ko na lamang naalala noong matapos akong maaksidente.”
“So, parang nakabuti din pala ang pagkakabangga sa’yo dahil nabagok ang ulo, tapos dahil naalog ang iyong utak, ngayon ay nakakaintindi at magaling ka nang mag-english. Dapat pala magpasalamat ka din kay Ma’am Andrea pinaghiwalay kayo ni Sir Zeno,” natatawang biro ni Danica.
“Sira! So, gusto mo talagang maaksidente ako. Ang sama mo talagang kaibigan kahit kelan.”
“Oh siya, may isa pa akong tsismis sa’yo. Narinig ko lang ‘to kay Tita noong nakaraan. Narito na daw sa Pinas si Sir Zeno at Sir Zander. Matagal na palang nakauwi at nagpapahinga lamang sa kanilang bahay.” Masayang wika ni Danica.
“Sigurado ka?” bigla ay nabuhayan ng loob si Anne. Kailangan niyang makuha ang address nina Zeno para makausap niya ito.
“Hindi ako sure. Pero kung gusto mong makasiguro ay itetext ko sa’yo ang address nina Sir Zeno mamaya. Hihingin ko kay Tita ang kanilang address para mapuntahan mo na para matuloy na ang naudlot ninyong pag-iibigan.” Nakangiting wika ni Danica.
“Thank you talaga Danica. You’re an angel.”
“Oh, ang galing galing mo na mag-english, Anne. Tapos ang ganda ng iyong accent, parang amerikana ka na rin. Ngayon ay hindi ka na hahamakin pa ni Ma’am Andrea dahil magkalevel na kayo sa yaman at sa pa-inglesan ni Sir Zeno.”
“Hahahah.. pinag-aralan ko ‘tong mabuti dahil pinaaral ulit ako ng kumupkop sa akin sa ibang bansa kaya medyo magaling na ako sa englisan. Hindi na ako ang dating Anne na slow, according sa’yo!”
“Tama…”
“Hahhahaha…”