Final Chapter

1071 Words
Lennox Residence “Sir Zeno, good morning po. May naghahanap po sa inyong bisita. Importante daw po!” Kasalukuyang nagkakape si Zeno sa may poolside ng pinuntahan siya ng kanilang security guard at sinabing may bisita siya. “I’m not expecting anyone. Tell them to leave dahil ayokong tumanggap ng bisita.” Matigas na utos ni Zeno sa security kaya dali-dali itong bumalik sa guardhouse. Akmang tatayo n asana si Zeno para pumasok sa kanilang mansiyon ng marinig na nagsisigaw ang tao sa labas. “Zenooooo…. P-please, kung nariyan ka sa loob..p-pasukin mo ako. I want to talk to you…” Parang may naririnig na boses si Zeno at tinawag ang kanyang pangalan. “Zenooo… “ Unti-unti ay naging mahina ang boses sa pandinig ni Zeno. Naglakad na papasok si Zeno nang bigla ay pumihit ito papunta din sa kanilang gate. Parang may nag-uudyok sa kanya na tingnan kung sino ang nagmamay-ari ng boses na tumawag sa pangalan niya. Pagdating sa kanilang gate ay sarado na ito. Lumapit siya sa guardhouse at tinanong ang security na nagtanong sa kanya kanina, “Nasaan na ang naghahanap sa akin?” Ngayon ay medyo matatas ng magtagalog si Zeno. “Ay, Sir, kayo pala. Sumakay na po sa kanyang sasakyan. Sinabihan ko pong wala kayo dito at nasa Amerika.” Mabilis na sagot ng security guard. Ito naman kasi ang bilin nila sa guard kapag may nagtanong o naghanap kay Zeno. Wala kasing may nakakaalam na magaling na ito at nakabalik na ng Pilipinas. Gusto kasi ni Zeno na talagang magaling na siya para matuloy na niya ang paghahanap kay Anne. “Good.” Iyon lamang at naglakad na si Zeno pero imbis na papasok sa loob ay parang may sariling isip ang kanyang kamay at paa na lumabas ng kanilang gate. Lumabas siya sa kanilang gate at tiningnan kung mayroong sasakyan doon pero wala naman kaya lumabas pa siya ng kalsada at nakita ang isang mamahaling sasakyan na palayo. Hindi maintindihan ni Zeno kung bakit pero bigla ay parang gusto niyang habulin ang putting sasakyan. Tiningnan na lamang niya ito habang palayo ng palayo sa kanyang paningin hanggang sa napansin niyang tumigil ang sasakyan. Mula sa malayo ay bumaba ang driver ng sasakyan. Tingin niya ay babae ang nagmamaneho. Tumingin ito sa kanyang direksiyon at sa hindi malamang dahilan ay tumakbo ito papunta sa kanya. Habang tumatakbo pabalik ang babae ay nag-umpisa na ring maglakad si Zeno pasalubong sa babae. Kinakabahan siya na hindi niya mawari. Basta sinusunod lamang niya ang dikta ng kanyang katawan. Nang ilang metro na lamang ang nila sa isa;t isa ay kusa nang tumulo ang luha ni Zeno. Mas bumilis ang pagtakbo nito at sa isang iglap lamang ay magkayakap na silang dalawa ng babaeng tumatakbo kanina. “Zeno!” “Anne!” Sabay na wika ng dalawa at naglapat ang kanilang labi. Kahit na nasa gitna sila ng kalsada at mayroong makakita sa kanila ay wala silang pakialam. Tanging yakap, iyak at halik ang kanilang ginawa. “Oh my god. It’s really you, hon! I missed you so much, hon. I love you so much! Bakit ngayon ka lang nagpakita—I looked for you everywhere…” Mahigpit na niyakap ni Zeno si Anne. “I’m sorry kung iniwanan kita ng walang pasabi. Kinausap ako ni Ma’am Andrea at kung ano-anong picture ang pinakita sa akin. Ang tanga-tanga ko kasi naniwala ako sa mommy mo. I’m sorry!” Umiiyak na humihingi ng tawad si Anne kay Zeno. “Nope. Wala kang kasalanan. It’s all mommy’s fault. Nalaman ko pang naaksidente ka at wala man lang akong nagawa. I’m really sorry for what happened before.. for what mommy had said to you. It’s all a lie. Sana ay mapatawad mo si mommy. She learned her lesson and nagsisisi na siya sa ginawa niya sa ating dalawa. Please…” sinapo ni Zeno ang mukha ni Anne at tiningnan ito ng matiim. Ngumiti naman si Anne at saka tumango. “Para sa’yo, patatawarin ko ang mommy mo. Ang mahalaga nalaman ko ang totoo. Mahal na mahal kita pa rin kita, hon. Kahit na pinaghiwalay tayo ng mommy, hindi ka nawala sa isip ko. I love you, Mr. Zeno Lennox.” Si Anne na ang kusang humalik kay Zeno. Matapos ang marubdob na halikan ay lumuhod si Zeno sa harapan ni Anne. Hinawakan nito ang kamay ng dalaga atsaka buong pusong nagsalita, “This is long overdue but I want to you, hon, will you marry me, Miss Anne Masungsong?” “Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, Zeno,” nakangising sabi ni Anne kay Zeno kaya napakuno’t noo ito. “Hindi ako nakakaintindi ng English ‘di ba…” Tumayo naman si Zeno at nagtype sa kanyang cellphone at ipinakita kay Anne. Sabay nilang binasa iyon, “Mahal na mahal na mahal kita, hon. Gusto kitang pakasalan kahit saan mang simbahan. Ano ang sagot mo, Miss Anne Masungsong, oo o oo?” Nakangisi din si Zeno habang binabasa nila ang tinype niya. “Yes! Yes! Oo…! Pumapayag na akong pakasal sa’yo!” At naghalikan ulit ang dalawa. Saka lamang sila naghiwalay ng may mga tao nang pumapalakpak sa kanilang dalawa. Kahit na nagdulo’t sila ng kaunting traffic ay hindi naman nagalit ang mga kapitbahay nina Zeno dahil naaliw din sila sa eksena sa kalsada. Natuwa pa nga sila dahil ngayon lang sila nakakita ng nagpropose na trinanslate pa sa cellphone. Ang mga tao ay isa-isang nagsilapitan at nakipagkamay sa dalawa hanggang sa sila na lamang ang natira. Makalipas ang isang linggo ay ikinasal na rin sa wakas ang sina Zeno at Anne. Bago ang kanilang kasal ay humingi ng tawad si Ma’am Andrea kay Anne sa pinagsasabi nito noon pati na ang pagsira sa kanilang relasyon. Pinatawad na ito ni Anne alang-alang na rin kay Zeno. Alam niyang nagbago na si Ma’am Andrea kaya bukal din sa loob ni Anne ang pagpapatawad dito. “Ikaw lalaki, tinatanggap mo ba si Anne Magsungsong bilang iyong kabiyak sang-ayon sa batas na iniaatas ng ating simbahan?” “Yes, Father!” “Ikaw babae, tinatanggap mo ba si Zeno Lennox bilang iyong kabiyak sang-ayon sa batas na iniaatas ng ating simbahan?” “Opo, Father!” “Nawa’y saksihan ang kapangyarihan ng simbahan, ay pinagtitibay at binabasbasan ang pag-iisang dibdib na ito. Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.” “You may now kiss the bride.” Wakas.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD