Chapter 7

1550 Words
“Anne, may bisita ka sa labas. Labasin mo muna,” sumungaw ang ulo ng nanay ni Anne sa kanilang kwarto. “Magbihis ka ng disente at butas na ‘yang mga damit mo.” Bilin ng nanay niya bago lumabas. Nagtaka naman si Anne kung sino ang bisita niya at pinagbibihis pa siya ng kanyang nanay. Kung si Danica iyon, kanina pa iyon pumasok sa kanilang kwarto. Nagbihis na lamang si Anne katulad ng sabi ng kanyang nanay at lumabas na sa kanilang sala para malaman kung sino ang kanyang bisita. “Nay, sin---” “Good evening, Anne! Flowers for you!” Sabay abot ng bulaklak ng lalaki sa nabiglang dalaga. “S-sir Z-zeno… ah.. a-ano pong ginagawa niyo dito? P-para sa akin ‘tong bulaklak—salamat..” Parang ayaw pa sanang tanggapin ni Anne ang bulaklak pero ng napilitan siyang kunin iyon ng makita ang kanyang nanay na nandidilat ang mata nang hatiran sila ng maiinom. “Magpalamig ka muna, iho. Ito juice.” Nilapag ng nanay ni Anne ang inihandang juice at bumaling ito kay Anne, “asikasuhin mong mabuti ang bisita mo, Anne.” Tumango naman si Anne at hinarap ang kanyang bisita ng wala na ang kanyang nanay. “Maupo kayo, Sir Zeno.” Naupo naman ang binata kaya umupo na din si Anne. “Bakit po pala kayo pumunta dito?” nagtatakang tanong ni Anne sa amo. “You forgot this.” Iniabot ni Zeno ang paper bag na nakalimutan ni Anne sa opisina nito kaninang umaga. Saka lang naalala ng dalaga na kaya pala parang may nakalimutan siya sa opisina ng kanilang amo, ‘yong paper bag pala na sinabi nitong regalo galing Amerika. “Salamat, Sir Zeno. Sana hindi na kayo nag-abala pa na ihatid dito. Pwede ko namang kunin bukas sa opisina ninyo,” nahihiyang sabi ni Anne sa kanyang amo. “I insist, and besides I want to take you out for dinner that’s why I’m here.” Hindi na naman maintindihan ni Anne ang kanyang amo dahil nag-eenglis ito. “Hindi ko po naintindihan ang sinabi ninyo. Gusto niyo pong kumain dito sa amin? Kasi sabi ninyo, dinner, ‘di ba hapunan ‘yon?” Dahil sa sinabi ni Anne ay nilabas ni Zeno ang kanyang cellphone at nagtype na naman ulit. Pagkatapos ay pinabasa kay Anne. “Sinadya ko talagang pumunta dito sa inyo para imbitahan kang kumain sa labas. At, huwag kang aayaw dahil hindi ko ‘yon tatanggapin. Nagpaalam na ako sa nanay mo at pumayag na siya,” bigla ay nanlaki ang mata ni Anne ng malamang pumayag na ang nanay niya na sumama siya sa kanyang amo. “I’ve already ask permission from your mom, Anne, so you don’t have an alibi that your busy or you’ve got something to do,” nakangising wika ni Zeno kay Anne na napilitang magbihis dahil sa pagpayag ng kanyang nanay. Ang totoo niyan ay kilig na kilig din si Anne nang malaman niyang tinotoo nga ng kanyang Sir Zeno ang pag-aya sa kanya. Tapos ipinagpaalam pa siya sa kanyang nanay kaya naman mas lalong lumubo ang nararamdaman niya para dito. Mabilis lamang na nagbihis si Anne ng isang simpleng bestida na bigay pa ni Danica noong birthday niya. Tanging polbo at lip shiner lamang ang nilagay niya sa kanyang mukha dahil hindi naman siya marunong maglagay ng makeup. Paglabas niya ng sala ay mas lalong humanga si Zeno sa kasimplehan ni Anne. Mas lalo tuloy nadagdagan ang paghanga niya dito. Pagkatapos magpaalam ang dalawa sa nanay ni Anne ay lumabas na ang mga ito. Dapat sana ay sa mamahaling restaurant kakain ang dalawa pero dahil sa kahilingan ni Anne ay sa isang kainan na malapit sa tabing dagat lamang sila kumain. Simple lamang iyong kainan pero masarap at malinis ang mga itinitindang pagkain. Matapos silang kumain ay inaya ni Zeno si Anne na umupo sa may isang bench na nakaharap sa dalampasigan. Walang masyadong tao dahil gabi na at iilan lang naman ang kumakain sa kainan. “Hmmm… Anne, d-do you have a boyfriend?” bigla ay tanong ni Zeno kay Anne. “B-boyprenn…? Ah… eh.. w-wala po, Sir..” nahihiyang sagot ni Anne. ‘Bakit naman kaya nagtatanong si Sir Zeno kung may boypren na ako? Baka naman gusto niya rin akong ligawan. Hindi na ako magpapatumpik pa, sasagutin ko talaga siya.’ Kinikilig na wika ni Anne sa kanyang isip. “Why? You’re pretty.. and—” “Slow daw ako sabi ng mga lalaking nanligaw sa akin dati. Kasi kapag usaping englis ay hindi ako nakakasabay. Nahihiya din naman kasi akong magsalita ng englis kasi nga parang… parang trying hard naman ako niyan. Kasi po Sir Zeno, sa utak ko po talaga, pang-mayaman lang ang salitang englis.” Nahihiyang sabi ni Anne na nakatingin lamang sa kawalan. “Who said like that? I mean, sino ang nagsabi niyan.” Pilipit ang tagalog na sabi ni Zeno. “Sa utak ko nga lang po ‘yon. Kasi kapag nanonood ako ng drama, ‘yong drama dito sa Pinas, ‘yong mayayaman lang ang nag-eenglis kaya ‘yon ang parang tumatak sa akin hanggang sa dalaga na ako.” “Hmm.. what if a.. ahh. I mean, a guy like me.. uhmm like you.. and I want to make ‘ligaw’ to you because I like you.. Will you accept me?” Parang nabubulol na wika ni Zeno. Hindi siya sanay na manligaw sa babae dahil sa Amerika, ang mga naging girlfriend niya ay sila naman ang nanligaw sa kanya kaya ngayon ay hindi niya alam kung tama ba ang ginagawa niya. “Ows… maniwala ako na gusto niyo ako, Sir Zeno. Baka naman ginu-goodtime niyo lang ako niyan. Sa gwapo niyong ‘yan, baka sobrang dami na ng girlpren ninyo!” Pagbibiro ni Anne kay Zeno pero saloob-loob niya ay sobrang kinikilig na siya. “Nope. I really like you! Atsaka wala akong girlfriend. Before yes, but ngayon wala na!” Paliwanag ni Zeno at pinipilit na magsalita ng tagalog para maintindihan siya ni Anne. “Ha?! Totoo po, Sir Zeno, wala kang girlpren? At gusto niyo ako? Sa gwapo niyong ‘yan papatol kayo sa slow na kagaya ko. Imposib---” Natigil sa kakasalita si Anne ng bigla itong halikan ni Zeno. Hindi kaagad nakagalaw si Anne dahil hindi niya alam ang gagawin at hindi rin siya marunong humalik. Nang medyo lumalim na ang halik ni Zeno ay saka lamang natauhan si Anne at tinulak ang binata. Nauna pa niyang hawakan ang sariling labi imbis na sampalin ang binata. Nang mapagtanto ang ginawa ng amo ay saka ito nag-iiyak. “Ang sama mo, Sir Zeno. Kailangan mo ako ngayong panagutan dahil ninakaw mo ang first kiss ko. Sabi ni Nanay magpapahalik lamang ako sa lalaking pakakasalan ko.” Pumapadyak pa habang umiiyak si Anne kaya aliw na aliw naman si Zeno habang nakatingin dito. “What did you say?” natatawang pang-aasar ni Zeno kay Anne. “Ang sabi ko panaguta—” Hindi na naituloy ni Anne ang kanyang sasabihin ng muli siyang halikan ni Zeno at yakapin ng mahigpit. Saglit lamang ang halik niya pagkatapos ay hinalikan ulit siya sa noo. “Don't worry. Starting today, you're officially mine. You're my girlfriend and I'm your boyfriend." Nakangiting wika ni Zeno. "Ha.." nanlaki ang mata ni Anne. Tama ba ang pagkakaintindi niya. Silang dalawa na? "Ang bilis naman. Hindi ka nga nanligaw sa akin." Natatawa naman si Zeno na niyakap si Anne. "I think this is the fastest way to make you mine." Pinagtatampal naman ni Anne si Zeno. Hindi niya akalain na magugustuhan din siya ng kanilang amo sa kabila ng pagiging slow niya. "Gusto mo ako k-kahit.. s-slow ako?" Nahihiyang tanong ni Anne. "I will get someone to teach you some basic English and other things." Kaagadna sagot nito. "Ha, hindi ko maintindihan. Englis Lang ang naintindihan ko." Reklamo ni Anne. Nagtype sa kanyang cellphone si Zeno at pinakita iyon Kay Anne. "Papaturuan kita ng mga basic English na salita pati na ang ibang mga bagay. Huwag kang mag-alala, ginagawa ko ito hindi dahil kinakahiya kita. Para sa'yo 'to para hindi ka maloko ng ibang tao kapag nalaman nilang hindi ka nakakaintindi ng English." Mas lalo namang natuwa si Anne sa sinabi ni Zeno. Dahil sa sinabi ni Zeno ay pumayag na ang dalaga na maging katipan si Zeno. Nag-usap pa muna sila ng ilang minute at nagpasya nang ihatid ni Zeno pauwi ang nobya. Nang umuwi na ang dalawa ay kinausap ni Zeno ang nanay ni Anne tungkol sa kanilang relasyon pati na ang plano nitong paturuan si Anne at kapag natuto na ito ay pwede na na niyang pakasalan ang dalaga. Kahit na hindi sang-ayon ang nanay ni Anne dahil baka maraming tututol sa pag-iibigan ng dalawa lalo na at hindi lamang sa antas ng pamumuhay magkaiba sina Anne at Zeno, pati na din sa kanilang pag-iisip ay wala nang nagawa pa ang nanay ni Anne. Dalangin na lang ng niya n asana ay mahalin at alagaan ng binate ang kanyang anak. Siguro ay totoo ang nararamdaman nito para kay Anne dahil sinsero naman siyang kinausap nito. Pero kung saka-sakali at lolokohin lang ng binata ang kanyang dalaga ay hindi magdadalawang-isip ang nanay ni Anne ka kalabanin ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD