Chapter 6

995 Words
Hindi alam ni Zeno kung anong nangyayari sa kanya. Simula kasi ng pinabalik niya si Anne sa kanilang kompanya ay nagbago na ang pagtingin niya dito. Sa araw-araw na pagmamatyag niya sa cctv ay nakita niya kung gaano kabait at kasipag ito. Halata nga na slow ito kasi napapansin niyang mali-mali ang ginagawa nito lalo na kapag English ang instruction dito. Pero kahit na slow ang dalaga ay hindi iyon hadlang para lalong lumalim ang pagtingin ng binata sa dalaga. Noong una ay hindi niya matanggap sa kanyang sarili na mahuhulog siya sa isang cleaner. Pero habang sinisikil niya ang kanyang nararamdaman ay mas lalo lamang niyang gustong kausapin at yakapin ang dalaga kaya nagdesisyon si Zeno na pumunta ng Amerika. May gusto lamang siyang kumpirmahin bago niya ihayag kay Anne ang kanyang nararamdaman. Matapos ang lampas isang buwan ay bumalik na ang binata sa bansa. Ngayon ay sigurado na talaga siya sa kanyang nararamdaman. Alam niyang marami ang kokontra sa kanyang gagawin pero wala na siyang pakialam dahil ang importante sa kanya ay si Anne. “Ms. Tania, can you send Anne in my office.” Utos ni Zeno sa kanyang secretary. Kadarating lamang niya kahapon at pumasok talaga siya ng maaga pa para makita niya si Anne. “Noted, Sir.” Sagot ni Ms. Tania at kaagad na tinawagan si Anne. Ilang minuto lamang ay may kumakatok na sa pinto ng opisina ni Zeno. ‘Baka si Anne na iyon.’ Sa isip ni Zeno. “Come in. Pasok..” wika ni Zeno para papasukin ang tao sa loob. “G-good morning, S-sir.. ahh. S-sir, you col me?” Kinakabahang bati ni Anne sa amo. Dumating na pala ang boss nito at nagtataka siya kung bakit siya pinatawag sa opisina. Wala naman siyang may naalala na pagkakamali. Simula ng bumalik siya sa kompanya ay ang opisina na nito ang una niyang nililinisan para pagdating nito ay malinis at maayos bago ito magsimulang magtrabaho. “Yes. A-anne, right?” tanong ni Zeno kay Anne. “Ano po?” nahihiyang tanong ni Anne. Parang kinilig siya ng binanggit ng amo ang kanyang pangalan. May tinype sa kanyang cellphone si Zeno at pinakita iyon kay Anne. Binasa naman iyon ni Anne ng malakas, “Pinatawag kita kasi may ibibigay sana ako sa’yo. Ito tanggapin mo,” sabay abot ng binata ng isang malaking paper bag kay Anne. May tinype ulit si Zeno sa kanyang cellphone at pinakita ulit kay Anne para basahin, “Maraming salamat sa pagligtas mo sa akin. Ngayon lang kita napasalamatan ng maayos kasi may inasikaso lang ako sa Amerika. Tanggapin mo sana ang regalo ko para sa’yo…. at pwede ka bang imbitahang kumain sa labas?” ‘Ako iniimbita ni Sir Zeno na kumain sa labas? Bakit kaya?’ Bigla ay namula ang mukha ni Anne sa sinabi sa kanya ng kanilang amo. “B-bakit po tayo kakain sa labas? Anong okasyon?” Nahihiyang tanong ni Anne kay Zeno. Natutuwa naman si Zeno sa nakikitang pamumula ng pisngi ni Anne. Mas lalo tuloy itong gumanda sa kanyang paningin. Kung pwede niya lang yakapin ang dalaga pero baka magtaka ito kaya kailangang dahan-dahan muna ang paghahayag niya ng kanyang damdamin dahil baka isipin ni Anne na paglalaruan lamang siya. Muli ay nagtype ito sa kanyang cellphone. “Gusto lamang kitang makilala ng mabuti. Get to know you better. Okay lang ba kung sunduin kita mamayang gabi sa inyo?” Mas lalo namang namula ang pisngi ni Anne sa kanyang nabasa. ‘Gusto daw siyang makilala ng mabuti ni Sir Zeno at plano pa siyang sunduin mamayang gabi. Ano kaya ang isasagot niya? Papayag ba siya kaagad o palilipasin muna niya?’ Sa isip-sip ni Anne ay sobrang kinikilig na siya. Kung pwede nga lang na magtatalon siya sa tuwa kaso naalala niya pala ang sinabi sa kanya ng kaibigang si Danica na slow siya. Baka kapag makilala siya ng tuluyan ni Zeno ay layuan din siya nito katulad ng ibang lalaki na natu-turnoff sa kanyang kapag hindi na siya nakasabay sa pag-eenglis ng mga ito. Sa puntong ‘yon ay unti-unting nawala ang ngiti sa labi ni Anne. “Ah.. p-pasensiya na po, S-sir---” “Call me Zeno, Anne. From now on, tawagin mo akong Zeno na lang!” Bigla ay nagsalita ito ng tagalog pero slang ang accent. Parang gusto tuloy matawa ni Anne sa pagsasalita ng kanyang amo kasi parang ang asiwang pakinggan. “Naku, Sir.. h-hindi pwede kasi boss ko po kayo. B-baka kung anong isipin ng iba kapag Zeno lang ang tinawag ko sa inyo,” kumabog na naman ang dibdib ni Anne ng banggitin ang pangalan ng binata. Matiim na tiningnan ni Zeno si Anne pero bandang huli ay napagtanto din nitong tama si Anne, baka pag-isipan ito ng masama kapag Zeno lang ang tinawag sa kanya. Nagtype na lamang ito sa kanyang cellphone at pinabasa muli sa dalaga. “Fine! Tawagin mo akong Sir Zeno kapag nasa opisina tayo pero Zeno lang kapag nasa labas tayo ng opisina.” Malakas na sabi ni Anne na siyang kinalaki ng kanyang mata. Iba na talaga ang nararamdaman niya. Hindi niya alam kung tama ba ang iniisip niya o baka naman ambisyosa lang siya. Ganitong-ganito din kasi ang mga nababasa niya sa nobela. Pero napaka-imposible naman. “B-basta, Sir Zeno pa rin ang itatawag ko sa inyo kahit saan tayo magkita. H-hindi kita pwedeng tawaging Zeno lang po. Lalabas na po ako dahil may lilinisan pa akong lobby.” Kaagad na paalam ni Anne kay Zeno. Hindi naman nakapag-react si Zeno ng makalabas ang dalaga sa kanyang opisina. Iniisip niyang baka nabigla ang dalaga sa kanyang mga sinabi kaya taliwas sa inaasahan ang naging reaction nito. Umupo na lamang sa kanyang swivel chair si Zeno at nag-isip kung paano siya makikipaglapit kay Anne ng makita ang paperbag na para sana sa dalaga. Napangiti na lamang siya dahil alam na niya ang gagawin para may rason siyang madalaw ang dalaga sa kanilang bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD