Chapter 5

1080 Words
Dahil sa ginawa ni Anne kay Zeno ay napabalik ulit ito sa kanilang kompanya. Nakauwi na din si Zeno sa kanila at sobrang laki ng pasasalamat nito kay Anne. Pinadaan na lamang nito sa nanay ni Anne ang pasasalamat dahil hindi nakakaintindi si Anne ng englis. Sobrang tuwa naman ni Anne ng malamang pinabalik siya ni Zeno sa kompanya ni Sir Zander. Nagbago na tuloy ang tingin niya sa lalaki—hindi na ito masama sa kanyang paningin kundi isang anghel. “Hoy, Anne! Kanina ka pa hindi mapakali diyan. Sino ba ang gusto mong makita at panay ang tingin mo sa entrance.” Tanong ni Danica kay Anne nang mapansin nitong isa-isang tinitingnan ni Anne ang pumapasok sa kanilang building. Kasalukuyan kasing naglilinis ang dalawa sa lobby. “W-wala!” Mabilis na tanggi ni Anne at ibinalik ang tingin kay Danica. Hindi niya pwedeng sabihin dito na gusto niyang makita si Zeno. Simula kasi ng bumalik siya sa kompanya tatlong buwan na ang nakakaraan, pansin niyang halos magdadalawang buwan ng hindi niya nakikita ang kanilang amo. Ewan din nga ni Anne sa kanyang sarili kung bakit lagi na niyang hinahanap si Zeno. Nagsimula lamang iyon ng pinabalik na siya ni Zeno sa kompanya. Parang nag-iba ang trato nito kay Anne. Naging mabait ito at maaalahanin kaya naman unti-unti ay iba na ang umusbong ang paghanga niya sa amo. “Wala ka pa diyan! Bahala ka nga kung ayaw mong magkwento. Hoy, Anne, may ibabalita na naman ako sa’yo. Eto ha, makinig ka na naman dahil last time na sinabihan kita tungkol kay Sir Zeno ay hindi ka nakinig kaya nasesante ka tuloy. Mabuti na lamang talaga at ikaw ang nagligtas sa kanya kaya nakabalik ka dito.” “Opo, makikinig na po para hindi na ako masesante ulit. Ano po iyon?” Umiikot ang mata na sabi ni Anne kay Danica. “Pabalik na si Sir Zeno galing US. Nagbakasyon pala siya doon noong nakaraang buwan para bisitahin ang kanyang lola at ang iba pa nilang negosyo. Pero iba naman ang dinig ko ayon sa mga marites sa loob ng HR. Nagpunta daw doon si Sir Zeno para suyuin ang girlfriend na pumunta dito sa Pinas. Dinig ko ay nagkalabuan sila dahil sa pagpunta dito ni Sir kaya ngayon ay inaamo niya. Kaya ikaw ha, baka may pupuntahang babae dito at magpakilalang girlfriend ni Sir Zeno, ‘wag na ‘wag mong paaalisin kagaya ng ginawa mo sa kanya dati. Baka masesante ka na naman ulit niyan,” pagbibigay impormasyon ni Danica. ‘May girlfriend na pala si Sir Zeno. Sabagay, sa gwapo ba naman no’n imposibleng wala.’ Medyo kumirot ang puso ni Anne sa narinig mula kay Danica. “May picture ka ba ng girlfriend ni Sir para makilala ko siya. Baka mamaya, mga babae pala ni Sir James ang pumunta sa opisina ni Sir Zeno tapos pinabayaan ko, baka masesante din ako,” pinasigla ni Anne ang kanyang boses para hindi halata na naapektuhan siya sa sinabi ni Danica. “Naku, Anne, ‘yong mga babae ni Sir James, alam na alam na nila kung nasaan ang opisina no’n kaya ‘wag kang mag-alala, hindi sila pupunta sa opisina ni Sir Zeno.” “Okay, hindi ko sila paalisin kagaya ng sabi mo,” malungkot na sabi ni Anne na napansin naman ni Danica. “Oh, bakit parang malungkot? ‘Wag mong sabihin na crush mo si Sir Zeno—na may gusto ka sa kanya. Anne, alam naman nating lahat na ikaw ang pinakamaganda dito sa company, tanggap na naming lahat ‘yon. Pero ang pinag-uusapan dito ay si Sir Zeno. May-ari ng kompanya, CEO, nag-aral sa US at englisero pa. Sa tingin mo papatol ‘yon sa’yo. Hindi naman sa dina-down kita ha.. sinasabi ko lang ang totoo dahil kapag mas lalo pang lumalim ‘yang nararamdaman mo kay Sir Zeno ay ikaw din ang mahihirapan. Kung ‘yong ibang staff natin dito ay alam nating lolokohin ka lang, malamang mas lalong hindi ka papansinin ng boss natin dahil mataas ang standards ng mga ‘yan lalo pa at cleaner lang tayo dito. Ikaw ha, ‘wag kang magpapaniwala sa mga fairytale fairytale na napapanood mo kung saang drama. Hindi totoo ‘yan. Eh ‘di sana may nainlove na sa akin kahit mataba ako at pangit. Kaya tanggap ko na tatandang dalaga ako. Ikaw, malaki ang chance na magka love life pero pumili ka ng nababagay sa’yo, huwag masyadong mataas ang pangarap ha. Ibagay sa antas ng pamumuhay para walang maraming kokontra. Sa tingin mo papayag si Ma’am Andrea na magkagusto sa’yo si Sir Zeno. Alam naman natin na kahit mabait sa atin ‘yon ay laging bukambibig no’n ang anak ng kanyang kumari na gustong-gusto niyang ipakasal kay Sir Zeno kahit alam niyang may girlfriend na ang anak nito. Ang una talagang makakalaban ng girlfriend ni Sir Zeno ay si Ma’am Andrea. Hindi katulad ni Sir James na wala ‘atang pakialam si Ma’am Andrea kahit sino pa ang patulan nito dahil hindi naman ito ang paboritong anak ni Ma’am Andrea.” Mahabang paliwanag ni Danica. Sa narinig ay narealize ni Anne na talagang may gusto na nga siya sa kanilang Sir Zeno dahil nasasaktan siya sa sinabi ni Danica na hindi sila nababagay. Masakit isiping ngayon lang siya nakaramdam ng ganito pero sa maling lalaki pa. Sa kaisipang ‘yon ay bigla na lamang napaiyak si Anne. “Hoy, Anne, bakit ka umiyak?” kaagad namang pinatahan ni Danica si Anne. Marahan niya itong binulungan, “Huwag kang umiyak dito. Baka sabihin nila inaaway kita. Tahan na…” Tumahan naman si Anne at nahiya sa kanyang ginawi. Nasa trabaho sila tapos siya iiyak iiyak sa lalaking hindi nga nito alam na may pagtingin siya dito. “P-pasen..siya ka na..” sumisinghot na sabi ni Anne. “N-napuwing lang ako.” Pagsisinungaling pa nito. “Oh siya, napuwing na kung napuwing. Ganyan ka naman lagi kapag may crush at napagsasabihan ka, ang rason mo lagi ‘napuwing lang ako’.” Pambubuking ni Danica kay Anne. Bigla tuloy namula ang mukha ni Anne at napangiti. “Sira, napuwing talaga ako..” “Hahaha.. eh ‘di ikaw na ang napuwing. Magtrabaho na nga tayo. Kitang-kita tayo sa cctv na nag-iiyakan. Baka sabihin, oras ng trabaho pero panay ang tsismis nating dalawa. Ayoko nang mabawasan ang sahod ko dahil may absent na ako ngayong buwan.” “Kaya nga, magtrabaho na tayo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD