Chapter 4

1248 Words
“Ouch!” Naalimpungatan si Zeno sa ingay na kanyang naririnig. “Anne, ‘yong sinaing sunog na. Ano na naman ang ginagawa mo diyan sa loob ha?” Sigaw ng nanay ni Anne na kararating lamang galing sa suki nito. Kumuha ito ng labahin at dinala sa kanilang bahay para doon maglaba ng naamoy nito na parang may nasusunog sa kanilang kusina. “Pasensiya na, Nay. Nakalimutan ko kasi lumabas ako para bumili ng sangkap para sa lulutuing ulam.” Paliwanag ni Anne at dumiretso sa kusina para patayin ang sinaing. Sa loob naman ng isang maliit na kwarto ay tuluyan nang nagising si Zeno hindi lamang sa ingay kundi pati na din sa sakit ng katawan. Hindi kasi ito sanay na natutulog sa sahig kaya sumakit ang likod nito. Tiningnan nito ang lugar na kanyang kinalalagyan at napansin na wala ito sa sariling kwarto. Pati ang suot nitong damit ay halatang masikip sa kanya at lumang-luma na. Nag-isip muna ito kung paano nakarating sa ganitong lugar ng maalala ang nangyari sa kanya. Naalala ni Zeno na mayroon siyang ka important meeting na pupuntahan at nasiraan siya ng sasakyan sa isang lugar na hindi niya alam. Lumabas siya ng kanyang sasakyan at tiningnan ang sira. Nang may makitang mga lalaki na nakatayo sa di-kalayuan ay kinausap niya ang mga ito kung may alam na malapit na shop na nag-aayos ng sasakyan. Okay, naman kausap ang mga lalaki pero nung sumama na siya sa mga ito para puntahan ang sinasabi ng mga ito na shop ay dinala siya sa isang masikip na eskinita. Pumalag naman siya at nakipaglaban dahil marunong naman siya ng Taekwondo at self-defense pero dahil tatlo ang kalaban niya ay nagawa siyang talunin ng mga ito. Mabuti nga at bago siya mawalan ng malay ay may nakita siyang tao na dumaan kaya hinawakan niya iyon at hindi na pinakawalan para siya ay tulungan. Iniisip niya na narito siya ngayon sa bahay ng taong tumulong sa kanya kaya kapag gumaling na siya ay babalikan niya talaga ang mga lalaking muntik nang tumapos sa kanyang buhay. Hindi siya titigil hangga’t hindi niya napapakulong ang mga ‘yon. Matapos ang pagbabalik-tanaw ay lumabas ng kwarto si Zeno. Sakto namang pumasok ang nanay ni Anne na nagulat dahil hindi niya inaasahan na gising na ang lalaking dinala ni Anne sa kanilang bahay. “Iho, gising ka na pala. Bumalik ka muna sa loob at magpahinga. Nagluluto lang ang anak ko ng pananghalian. Sasabihan ko siyang asikasuhin ka muna dahil baka may masakit pa sa iyong katawan,” utos ng nanay ni Anne kay Zeno. Bumalik naman si Zeno sa loob dahil masakit nga ang katawan niya. Alam niyang dahil iyon sa kahoy na hinambalos sa kanya ng tatlong lalaki. Sinuntok din siya at sinipa ng mga ito. Alam niyang may tama din siya ng saksak sa balikat pero daplis lamang iyon at naagaw niya ang balisong kaso nawala iyon ng hinampas ang kamay niya ng isa sa mga ito. “Anne, gising na ang lalaking tinulungan mo. Pasukin mo muna sa loob at ayain mong kumain na para malaman natin kung nasaan ang pamilya niyan para makauwi na. Baka nag-aalala na ang pamilya niya,” dinig ni Zeno na sinabi ng matandang babae sa tinawag nitong Anne. “Opo, nay.” Narinig niya ang yabag ng papalapit sa loob ng kwarto kaya naman nagulat pa si Zeno ng makita ang mukha ng taong pumasok sa loob ng kwarto. “Magandang tanghali, gising ka na pala.” Nakangiting bati ng isang magandang babae kay Zeno. Mas maganda pala ito kapag hindi nakasuot ng uniporme na pang-cleaner. “Y-you?!” Ito kaagad ng naging reaksiyon ni Zeno ng makilala si Anne. “Ha?!” takang turo naman ni Anne sa kanyang sarili ng ituro siya ni Zeno. ‘Sino ba ‘to at parang kilala niya ‘ko. Parang pamilyar din sa akin ang mukha niya.’ Sa isip-isip naman ni Anne. “D-don’t you remember me?” tanong ni Zeno kay Anne. Umiling naman si Anne dahil inaalala pa niya kung sino ang kanyang kaharap, “Hindi…” “I fired you!” “Hmmm…” nag-sip muna si Anne. Ilang minuto bago nito naalala na ito ang anak ni Sir Zander, ang lalaking nagtanggal sa kanya sa trabaho. “I-ikaw?!!” Sa pagkaalala sa lalaking nagtanggal sa kanya sa trabaho ay nakalimutan ni Anne na siya ang nagligtas dito. Kaagad niya rin itong sinuntok sa mukha. “Ouch! Why did you hit me?!” Sinalag naman ni Zeno ang sunod pa sanang suntok ni Anne. Natamaan na naman kasi ang parte ng kanyang dibdib na pinalo ng mga lalaki. "Walanghiya ka! Kaya pala parang pamilyar ang mukha mo dahil ikaw pala ang anak ni Sir Zander. Hindi ko naman alam na ikaw pala 'yon dahil hindi naman kita kilala atsaka hindi naman kayo nagpakilala kaagad kaya hindi ko alam, pero basta niyo na lamang akong tinanggal sa trabaho. Wala kang puso. Kung nakilala kita kaagad doon sa eskinita sana hindi na kita inuwi dito. Gumastos pa ako dahil isinakay kita ng taxi.. t-tapos hindi na ako nakapaglaba kina Mrs. Garcia. Pinagalitan tuloy ako ni Nanay," taas-baba ang dibdib ni Anne sa galit ng maalala kung sino si Zeno. "About that.. I'm really sorry. It was a wrong decision on my part. James said that you are the best cleaner in our company but because of my impulsive decision, I fired you. Hmm... if you want, since you help me from those bastards, as a token of gratitude I will hire you again." Alok ni Zeno kay Anne. Ngayon na alam na niya na ito ang nagligtas sa kanya ay kailangan niya itong bigyan ng pabuya dahil sa laki ng utang na loob niya dito, iniligtas nito ang kanyang buhay. Samantala ay biglang natahimik si Anne at napatunganga na lamang kay Zeno. Ang tanging naintindihan lang ni Anne sa mga pinagsasabi sa kanya ni Zeno ay ‘sorry’, ‘yong iba hindi na niya alam, hindi naman kasi siya nakakaintindi ng englis. 'Hala, baka hindi nito dati naintindihan ang mga pinagsasabi ko sa kanya kaya siguro tinanggal ako sa trabaho. Parang tama nga ‘yon, hindi siya marunong ng tagalog tapos ako naman hindi marunong mag-englis kaya mahirap nga,’ Iyon ang nasa isip ni Anne. Alam niya kasing galing Amerika ang anak ng Sir Zander niya kaya ngayon niya lang na-realize na siya ang mali. Dahil doon parang nahiya sa kanyang sarili si Anne. Dapat talaga nag-aral siyang mabuti at nakinig sa kanyang mga teacher noong nasa elementary pa lamang siya. Sana kahit man lang mga simpleng englis ay alam niya. Pero isa nga din ‘yon sa pinagtatakhan niya, minsan ay ti-nry niya ring manood ng mga englis na pelikula, hindi niya talaga ma-gets tapos kahit tinatanong niya si Danica at ang mga kapatid niya ng mga meaning ay nakakalimutan niya rin kaagad kaya naman hinayaan na lamang niya na kung ano lang ang maintindihan niya, ‘yon na ‘yon. Nang makita naman ni Zeno na nakatingin lamang sa kanya si Anne ay alam na niyang hindi siya naintindihan ng dalaga dahil nasabi na nga sa kanya ni James na may pagka-slow nga ang babaeng ‘to. Well, wala na siyang magagawa sa pagiging slow nito. Kakausapin na lamang niya si Ms. Tania na pabalikin si Anne at siya na ang bahala sa dalaga. Ayaw niyang ma-stress dito at baka kung ano na naman ang masabi niya kay Anne.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD