Kinabukasan ay maaga pang nagising si Anne para pumunta sa trabaho. Hindi sila magkasama ni Danica dahil nagkasakit ang huli.
Pagdating sa trabaho, katulad ng nakagawian ay diretso na sa kanilang quarters si Anne para magbihis at ni-ready ang lahat ng gagamitin sa paglilinis.
Ang una nitong nilinisan ay ang opisina ni Sir James kasunod ay ang opisina sana si Sir Zander pero tinawag siya ng isang staff para linisan ang banyo kaya imbis na sa opisina ni Sir Zander pumunta ay dumiretso ng banyo si Anne.
Samantala...
"Ms. Tania, whose the cleaner in-charge in my office," sigaw ng isang baritonong tinig.
Nanginginig na lumapit naman ang may-edad na secretary sa loob ng opisina ng lalaki.
"G-good morning--"
"There's nothing good in this morning! Who would want to start working if the smell of my office is this? It's disgusting! Call the cleaner, now, or else if he will not come here--- he's fired!"
Mabilis namang lumabas ng opisina ang natatakot na secretary. Hindi niya akalain na ngayon papasok ang anak ni Sir Zander. Ang sabi sa susunod na linggo pa.
Dumaan pa naman kagabi si Sir James sa opisina ni Sir Zander dahil may pinirmahan itong mga papeles. May kasama pa itong kaibigan na may sarili ding mga negosyo at malamang ay uminom ng kaunti sa loob ng opisina kaya naman may amoy at makalat ang loob ngayon.
Sa isip ng secretary ay lagot talaga ang cleaner nilang si Anne. Slow pa naman 'yon. Baka kung saan na naman ito naglinis at hindi pa nililinisan ang opisina ni Sir Zander.
Kung bakit naman kasi pinayagan ni Sir Zander na unahing linisan ang opisina ni Sir James sa nasa seventh floor samantalang siya ang president at CEO nitong kompanya. Paano kasi ay paborito niya si Sir James kaya naman kung ano ang hilingin nito ay okay lang, hindi naman maaasahan sa negosyo.
Bumalik na sa kanyang pwesto ang secretary at tinawagan ang number ng cleaner nilang si Anne.
Nakailang tawag din ang secretary ng sumagot ito.
"Hello, Ma'am Tania, good morning--"
Hindi na natuloy ang pagbati ni Anne dahil pinutol na iyon ng nagmamadaling secretary.
"Anne, naku, nasaan ka na ba? Morning din--- pumunta ka sa office ni Sir Zander, ngayon na. Huwag mo nang tapusin ang ginagawa mo, dumiretso ka na doon ora mismo kung ayaw mong mawalan ng trabaho!" Saka pinatay ng secretary ang tawag. Sa isip nito ay patay na dahil mahina pa naman sa umintindi ng English si Anne. Kapag kinausap ito mamaya ng anak ni Sir Zander ay baka hindi sila magkaintindihan at lalong magagalit ang bago nilang amo.
Kaagad namang tinapos ni Anne ang paglilinis sa banyo sa eight floor. Nasa tenth floor ang opisina ng kanilang Sir Zander kaya sumakay na ng elevator si Anne dala ang mga gamit panlinis.
Kumakanta-kanta pa si Anne ng dumating ito sa top floor. Binati pa nito si Ms. Tania bago pumasok ng opisina ng kanilang Sir Zander pero sinenyasan lang siyang pumasok kaagad kaya tuloy-tuloy na sa loob si Anne. Hindi na ito kumatok dahil nasanay na itong tuwing naglilinis ay wala pa doon ang kanilang Sir Zander.
"What the hell! Who are you?!" Nagulat si Anne ng may maabutang gwapong lalaki sa loob ng opisina ng kanilang Sir Zander. Natulala pa nga siya dahil akala mo ay para itong Greek god sa sobrang gwapo. Maputi ito, matangkad at tamang-tama ang katawan sa suot na ame—pang-opisina.
Tinititigan din siya ng lalaki. Medyo natulala pa ito nung una pero bigla ding nakabawi at matalim na tumingin sa kanya.
Nahimasmasan naman si Anne kaya inisip niya kung ano ang sinabi nito kanina.
'Hell daw? 'Di ba impiyerno 'yon! Anang isip ni Anne.
"Good morning po, Sir. Wala po tayo sa impiyerno, nasa loob po kayo ng opisina ni Sir Zander. Ah.. eh.. S-sir, pwede po ba kayong lumabas kasi maglilinis na po ako. Linisan ko daw kaagad itong loob sabi ni Ma'am Tania." Kaagad na nagsuot ng gloves si Anne at pinagpupulot ang mga nagkalat na papel sa loob ng opisina.
Nagpanting naman ang pandinig ng lalaki sa sinabi ng babae sa kanya.
‘Ito na ang ang kanilang cleaner, babae at hindi lalaki? Hindi ba kilala ng babae kung sno siya?’ Kunot noong nilapitan niya ang babae at pinagsabihan.
“Do you know who I am?” sita niya sa babae pero namula lamang ang pisngi nito.
“Ah.. eh.. ano po ‘yon? Hindi ko po kayo maintindihan, Sir. Pwede po bang lumabas na kayo para makapag-umpisa na akong maglinis. Baka pagalitan po ako ni Ma’am Andrea kapag dumating siya at hindi ko pa nalilinisan ang opisina ni Sir Zander. Pinanalangin ko pa naman na patawarin ako ni Lord dahil akala ko ay patay na si Sir Zander, buhay pa pala sabi ng kaibigan kong si Danica.”
“Whaaaatttt??!! You think that Dad is dead! Ms. Taniaaaa…. Tania Tania…!!!” Mas lalong nanggalaiti ang lalaki ng marinig sa babae na akala nito ay patay na ang kanyang daddy. Sino ba ang nag-hire sa babaeng ‘to at mukhang engot?
“Yes, Sir!” Humahangos na pumasok si Ms. Tania sa loob ng opisina ng bagong amo.
“Who’s this lady?” namumulang tanong ng lalaki kay Ms. Tania.
“S-she’s our cleaner, S-sir.”
“Remove her from my sight, now! I don’t want to see her face anymore! She’s fired!” Walang gatol na sabi ng lalaki. "And one more thing, call another cleaner. I want a guy to clean my office-- starting today! My office should be ready when I come back or else... all of you will be fired!
Pasarang binagsak nito ang pinto at nagmartsa palabas.
"Sino po ba 'yon, Ma'am Tania? Sabi niya sunog daw. Wala na namang sunog." Nakangusong sabi ni Anne na nagtataka sa inasal ng lalaki.
"Anne, ano na namang sinabi mo kay Sir Zeno?" Mahinahong tanong ni Ms. Tania kay Anne. Hindi niya ito pwedeng biglaan dahil alam na niya ang mangyayari, siya ang iiyakan nito.
"Ang sabi ko umalis siya dito kasi maglilinis ako. Atsaka sabi ko, akala ko patay na si Sir Zander." Walang gatol na sagot ni Anne sa tanong ni Ms. Tania.
"Anooo??!! Sinabi mo 'yon? Hindi mo ba kilala kung sino ang lalaking 'yon?" Nakalimutan palang banggitin ni Ms. Tania kay Anne na iyon ang anak nina Sir Zander ay Ma’am Andrea dahil sa pagmamadali kaya hindi na nakapagtataka na paaalisin ito ni Anne dahil hindi niya kilala. Dati na kasing may pinapasok na tao si Anne sa opisina ni Sir James tapos nagwala kaya sinabihan siyang 'wag na 'wag magpapasok ng kung sino-sino kahit na maayos pa ang pananamit nito kaya siguro pinaalis nito si Sir Zeno.
Umiling na lamang naman si Anne sa tanong sa kanya ni Ms. Tania, "Sino ba 'yon, Ma'am Tania? Ang gwapo at ang macho kaso suplado. Kanina ko pa pinapalabas pero sinigawan lang ako."
Napahugot na lamang ng malalim na hininga si Ms. Tania ng malaman ang sinabi ni Anne.
"Hay naku! Alam mo ba Anne na 'yon na ang bago nating boss, si Sir Zeno, ang bunsong anak nina Sir Zander at Ma'am Andrea. May memo na akong ginawa kagabi at nakapost na ngayon sa bulletin board para mabasa ng lahat. Bukas ang meeting para official na siyang ipakilala sa lahat. Akala ko nga next week pa siya magsisimula, nagulat na lang ako nang pumasok na siya ngayong araw." Mahabang paliwanag ni Ms. Tania.
"Hala, siya pala ang anak nina Sir Zander at Ma’am Andrea. Kaya pala nagalit sa akin kasi sinabi ko na akala ko ay patay na si Sir Zander. Ma'am Tania, ano po ang sabi niya sa inyo? Susunugin na ba sa impiyerno ang kaluluwa ko?" Bigla ay natakot si Anne nang malaman na 'yon na pala ang anak ng kanilang amo.
"Bakit mo naman nasabi na susunugin sa impiyerno ang iyong kaluluwa?" Takang tanong ni Ms. Tania.
"Sabi kasi kanina ni Sir, what the hell daw, 'di ba impiyerno 'yon. 'Tas sabi niya 'she's fired'. Eh 'di sunog ang kaluluwa ko." Malungkot na sabi ni Anne.
"Ewan ko sa'yo, Anne. Baka pati ako ay mawalan ng trabaho kapag ikaw ang kaharap ko. May masama pala akong balita sa'yo."
"Hindi pa ako tapos maglinis Ma'am Tania, pwedeng mamaya na para malinis ko na ang opisina pagbalik ni S-sirr... 'yong anak ni Sir Zander." Bumalik sa paglilinis si Anne pero pinigilan ito ni Ms. Tania.
"Huwag ka nang maglinis dahil ayaw na sa'yo ni Sir Zeno. Tanggal ka na daw sa trabaho. Magbihis ka na at kakausapin ko nalang ang HR para sa separation pay mo." Saka lumabas na ng opisina si Ms. Tania.
Nang marinig naman ni Anne ang sinabi ni Ms. Tania ay kaagad itong bumunghalit ng iyak. Wala naman siyang may ginawang masama pero bakit tinanggal na naman siya sa trabaho. Kasalanan 'to ng anak ni Sir Zander. Porke't inakala niyang patay na ang tatay nito ay tinanggal kaagad siya.
'Walang puso. Gwapo sana, masama naman ang ugali.' Atungal na iyak ni Anne sa loob ng opisina. Nang maubos na ang luha nito kakaiyak ay lumabas at kinausap si Ms. Tania.
"Ma'am Tania, pakiusap po. Huwag niyo po akong tanggalin." Doon sa desk ni Ms. Tania nagsimulang umiyak na naman si Anne. Nakiusap ito kay Ms. Tania na gawan ng paraan na hindi siya matanggal dahil mahihirapan na naman siyang maghanap nito ng trabaho.
“Anne, alam kong masipag at mabait kang tagalinis dito pero hindi ako ang may-ari ng kompanyang ‘to. Kung ako lang, hindi kita tatanggalin— pero dahil iba na ang amo natin, wala na akong magagawa kundi sundin ang sinabi niya,” malungkot na paliwanag ni Ms. Tania kay Anne.
Wala nang nagawa pa si Anne kaya nagbihis na lamang ito at umuwi sa kanila.
Pag-uwi sa kanilang bahay ay nagulat pa ang kanyang Nanay ng maaga itong umuwi.
Kinwento naman ni Anne ang nangyari sa kanilang opisina at kung bakit ito napaalis.
Galit na galit ang nanay ni Anne sa nagtanggal sa anak nito pero wala na silang magagawa kundi ang tanggapin na wala na itong trabaho. Sayang din ang sahod ni Anne dahil mas mataas naman na 'di hamak ang sahod nito sa pagiging cleaner doon sa kompanya kesa sa ibang kompanya.
Kinagabihan….
"Hey, bro. How's your first day?" Buskang tanong ni James sa nakababatang kapatid. Kadarating lang nito mula sa pagbabar. Amoy perfume, alak at sigarilyo ito. May mga bakas pa nga ito ng lipstick sa mukha at damit. Hindi ito pumasok ngayong araw dahil alam niyang si Zeno na ang bagong CEO ng kanilang kompanya.
"It was a disaster. I met this stupid cleaner who didn't know me and wanted me out of my own office... what’s worst-- she thought that Dad died. Imagine how stupid she is." Umiinom ng alak si Zeno sa kanilang counter para pampatulog. Mag-uumaga na pero busy pa siya kakabasa ng mga papeles tungkol sa kanilang kompanya. Napagpasyahan niyang bukas na naman ulit niya pag-aaralan ang iba kaya dumaan muna siya sa kanilang bar counter. Tiyempo namang kadarating lang din ni James, he's older brother na walang ginawa kundi ang mambabae. Siya ang tinawagan ng kanilang Mommy para mamahala ng kanilang kompanya kahit na may sarili din silang mga businesses sa Amerika at Europe. Na-stroke ang kanilang Daddy at hindi na nito kaya pang hawakan ang kompanya kaya siya ang napili ng kanilang board of directors na papalit sa kanyang Daddy. Kapag kasi si James ang hahawak ng kompanya ay baka tuluyang bumagsak ang kanilang negosyo.
"Oh.. yeah, you met Anne. I really like that girl, plano ko nga sana siyang idagdag sa mahabang listahan ng mga babae ko. Sadly, nung makilala ko siya, medyo na-disappoint ako kasi may pagkaboba 'yon. Nung katagalan ay nasanay na ako sa pagiging slow niya kaya parang naging little sister na lang ang tingin ko sa kanya." Tumabi ito kay Zeno at kahit medyo may tama na ay kumuha din ng sarili niyang baso at naglagay ng alak. "She's really stupid kaya dapat ay pinagpasensiyahan mo na dahil mabait at masipag 'yon. I bet noong dumating ka sa opisina, hindi pa niya nalilinisan ang opisina mo, noh?"
"How'd you know?"
"I requested Dad that she needs to clean my office first things first. Kaya 'yong office ko ang inuuna niyang linisan instead of Dad.” Tumatawa pa si James habang nagkukuwento.
“That explains why when I came in the office this morning, it was a disaster. Well, starting today she’s no longer working with us and as the new CEO— my office should be cleaned first!”
“Whaaattt? Why did you fire her? Kawawa naman. Zen, you know that I hate going to the office without cleaning it first! Tell the new cleaner to clean my office first!” Bigla ay pumalag si James.
“Do your work properly and I will gladly give you the CEO position.. and then, I will go back to the US. My life is there, if it’s not for Mom’s request, I wouldn’t go back here,” mabilis na tinungga ni Zeno ang laman ng baso at tumayo na. “I’ll go ahead. I’m sleepy now. ‘Nyt!”
Naiwan na lamang sa bar counter si James. Naalala nito ang sinabi ng kapatid na ayaw nitong bumalik ng Pinas.
Hindi naman dating masungit at suplado si Zeno noong kabataan nila. He’s a good boy at masunurin. Nag-iba lamang ang ugali nito noong bata pa sila nang malaman na nambabae ang Daddy nila.
Kahit na babaero si James ay matured na ito mag-isip kaya alam niyang partly ay may kasalanan din ang Mommy nila kung bakit naging babaero ang Daddy nila.
Matapos malaman ng kanilang Mommy ang pambabae ng kanilang Daddy ay pareho silang dinala ng Mommy nila sa Amerika hanggang sa lumaki na sila. Pero narealize siguro ng kanilang Daddy ang kanyang pagkakamali at sinuyo ang kanyang pamilya sa Amerika. Pinatawad ito ng kanilang Mommy at nagpasyang bumalik ng Pilipinas pero hindi na sumama si Zeno dahil galit ito sa kanilang Daddy. Hindi din nito matanggap na binalikan pa ito ng kanilang Mommy kaya naman nagtanim ito ng sama ng loob sa tatlo.
Sa pagdaan ng taon ay unti-unti namang natanggap ni Zeno na nagbago na ang kanyang Daddy pero dahil mas nakasanayan na niya ang buhay sa Amerika ay doon na ito naglagi sa kanilang lola.
Samantala si James ay mas piniling sumama sa Pinas dahil mas gusto nito na mabuo ang kanilang pamilya.