Chapter 11

2456 Words

Dahil wala sa sarili si mama ay ako ang inutusan ni Ate Mae na kumuha ng damit na isusuot ni papa. Buong byahe pauwi ay walang akong imik. Tahimik lang rin si Gin at alam kong hinahayaan lang rin niya akong magluksa. Tahimik ang buong bahay pagdating namin. Wala si Herlyn dahil iniwan ni mama sa pinsan niya ilang metro lang ang bahay mula dito. Nanginginig pa ang mga kamay ko habang binubuksan ang pintuan. Malamig na hangin ang sumalubong sa akin. Isa-isang pumatak ang mga luha ko ng bumaha ang liwanag sa buong sala. Parang namamanhid ang mga paa ko at hindi ko maihakbang. Dito sa sala na ito nangyari ang lahat. Ang naging bunga ng kapangahasan ko. "Maupo ka na lang muna at ako na ang kukuha ng damit ni Tito Marcos sa itaas," basag ni Gin sa tahimik kong pag iyak. "Sasama ako," nangh

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD