Chapter 18 ''Crismafel, hali ka at may hamburger akong binili para sa'yo. Naroon sa pantry,'' yaya ni Reagan kay Crismafel dahil batid ni Reagan na mainit na ang ulo ni Leon sa dalaga. Lumabas si Reagan na hawak-hawak si Crismafel sa balikat. Nagtungo sila sa pantry at ibinigay niya kay Crismafel ang hamburger na gawa niya para baon niya sana. ''Salamat, Sir Reagan. Mabuti pa kayo ang bait ninyo. Hindi katulad ng iba diyan na akala mo naman laging may buwan ng dalaw. Daig pa ang isang matandang dalaga kapag nakapangbulyaw,'' wika ni Crismafel kay Reagan at kinagat ang hamburger. ''Hmm... ang sarap naman nito,'' aniya at nilantakan na ang hamburger. ''Sige, kainin mo lang 'yan at babalikan ko lang muna ang galit na lion,'' paalam ni Reagan kay Crismafel. Tumango lang ang dalaga dah