Chapter 24 Nang malaman ni Leon na pababa na ang mga kasamahan nila ay nauna na silang umalis ni Crismafel. Ibinilin na lamang ni Leon sa tour guide ang mga kasamahan niya. Nag-radio na kasi ang kasamahan ng tour guide na kasama nila na bababa na ang mga ito sa bundok. Paika-ikang lumakad si Crismafel, mabuti na lang may kahoy na ibinigay ang tour guide upang kaniyang maging suporta. Makalipas pa ang singkwenta minutos ay nakarating na sila ni Leon sa Burham resort na walang kibuan. Ngunit hindi pa rin mawala sa isip ni Crismafel kung paano nagkaroon ng alagang ahas si Leon sa loob ng pantalón nito. Hinintay nilang bumaba sa bundok ang iba pang kasama nila para magcheck out na; masaya ang mga ito na sumakay sa tatlong bus para lang sa buong staff ng kompanya. Bago hinatid ni Leon si Cri