Chapter 25 Kinabukasan. ''Crismafel, papasok ka na ganiyang ang sitwasyon mo?'' tanong ng ni Mang Oscar kay Crismafel. Paika-ika kasi siya dahil sa nangyari kahapon. ''Kailangan kong pumasok, Tito. Sayang ang isang araw na sahod ko,'' aniya at dali-daling lumabas sa loob ng kanilang bahay. Napakamot na lamang ng ulo ang kaniyang tiyuhin nang lumabas siya. Lumabas naman si Aling Tessy mula sa kusina. ''Papa, hayaan mo na ang pamangkin mo. Atleast nalilibang siya sa kaniyang trabaho at marami siyang matutunan. Balang araw magkakaroon rin siya ng sarili niyang pamilya. Kaya, tama lang na malilibang siya kaysa rito siya sa loob ng bahay at magmumokmok.'' Hinaplos ni Aling Tessie ang likod ni Mang Oscar para kumalma ito. ''Parang kailan lang kasi ay dalaga na ang dalawa. Tapos may traba