KABANATA 2

2003 Words
KABANATA 2 6 years earlier.... Sunny's POV "OMG sis! Finally ikakasal ka na! I'm so happy for you! Balitaan mo ako sa honeymoon ha?" Tumatawang biro ng kaibigan ko na si Ariella. May kasama pa itong pabirong hampas na agad kong sinuway dahil baka magkaroon ng marka ang aking balat. Masyado kasi itong sensitive at kaunting hampas lang ay namumula na.   Naiiling lang itong napangiti habang nakatingin ng diretso sa aking mga mata. We were childhood friends since bagong lipat sila dati sa subdivision na aming tinitirhan and up till now ay magkapitbahay pa din kami. Ang magbabago lang ay ang nalalapit nitong pag-alis patungong Amerika upang doon ituloy ang pag-aaral niya sa kolehiyo samantalang ako ay heto, magtitigil upang maging full-time na asawa sa pinakagwapong lalaki sa mga mata ko.   “Happy birthday and happy wedding to you, Sunny. Sana nga ay hindi ka mali ng desisyon...” Ibinulong niya lamang ang huling linya at saka ngumiti sa akin. Ngiti na hindi abot sa mata dahil alam kong hindi niya lubos na ikinasasaya ang pasya ko na ito.   Sa una ay tutol siya dito, maging ngayon naman ngunit wala na siyang magagawa. Ito na ang pasya ko at pantasya mula noon kaya’t alam niya sa sarili niyang hindi niya mapipigilan ang pinaplano kong ito. Lalo na ngayon at suportado ito ng mga magulang namin na labis na nagpapasaya sa akin.   Well, wala naman akong problema doon. I love him since the day I laid my eyes on him, at kahit alam kong inlove siya sa kan’ya, ipinaglaban ko siya at heto na nga, ikakasal na kami at hindi ko hahayaang may humadlang pa sa amin.   Oo, masama na ako. Pero masama ba ang ginawa ko gayong mahal ko naman siya? Wala na akong ibang minahal na lalaki bukod sa kaniya kaya kahit bata pa ako, hindi ako nagdalawang-isip at agad tinanggap ang kasunduan na ikasal kami.   Like, sino ba ang hindi mahuhulog sa isang katulad niya?   Ares Thame Silvesa.   ‘Isang lalaking ubod ng gwapo. Mahaba at mapungay na pilikmata, matangos na ilong dahil sa lahi nitong Espanyol, manipis at mapula-pulang labi na kay sarap halikan...’ Agad kong ipinilig ang ulo upang iwaksi ang mga bagay na naiisip ko. Tiyak kong pulang-pula ngayon ang mukha ko dahil sa labis na init nito maisip lang ang mga labi niya...   “Labing kaunting oras na lang ay matitikman ko na rin.” Mahinang bulong ko sa sarili at halos magpapadyak ako sa tuwa kung hindi lang nagsalita ang kaharap ko.   “Ano ka ba, Sunny. Para kang pulang kamatis diyan,” naiiling na sambit niya at saka bumuntong hininga.   “Ilang oras na lang ay flight ko na. Hindi ko na maaabutan ang kasal niyo kaya balitaan mo na lang ako ha? At saka...” May iniabot siyang sobre sa akin at itinago sa gilid ko.   “Kung sakali lang magbago ang isip mo, always remember na open ang Star University para sa mga students, lalo na sa katulad mong malaki ang potensyal sa fashion designing.”   May mga pinag-usapan pa kaming ilang bagay bago nito kinuha ang nakahandang maleta sa gilid at mahigpit na yumakap sa akin.   “Mami-miss kita, Sun! Basta keep in touch ha? My lines are always open for you.” Humalik pa ito sa pisngi ko bago tumalikod at kumaway. Hindi man siya lumingon ay alam kong naluluha na din siya. Hinatid ko pa ito ng tingin hanggang sa sasakyan at nag-flying kiss hanggang sa tuluyan na siyang mawala sa paningin ko.   “Ma’am Sunny let’s retouch your make-up, the ceremony will start in a few minutes...” Ani ng make-up artist na nai-hire pa nila mom. Hindi na ako tumutol at hinayaan siya sa ginagawa niya. Makalipas lang ang ilang sandali ay nagpaalam na ito at pumasok sa loob upang sabihan sila.   Suot-suot ang aking simpleng off-shoulder na above the knee white dress na may ilang palamuti na nakapagpatingkad sa ganda nito, dahan-dahan akong nagmartsa patungo sa opisina ng mayor.   Family friend namin sila kaya’t walang pagdadalawang-isip nilang tinanggap ang aming request na dito na lang sa kaniyang opisina ganapin ang aming magiging kasal.   Oo, civil wedding lang ang ganap dahil hindi na sila makapag-antay na maging ganap ng business partners ang mga Silvesa at Hale. Sa totoo lang ay nalulungkot ako dahil alam kong hindi naman talaga ito ang pinakarason kaya dito ginanap ang isa dapat sa pinakamahalagang araw sa buhay ko pero ipinapangako ko na ikakasal kaming muli sa harap ng altar at tutuparin lahat ng nasa dream wedding ko, hindi man ngayon pero sisiguruhin kong matutupad iyon.   Habang naglalakad, hindi ko mapigilang mapagawi ang tingin sa lalaking nasa tabi ni Mayor. Agad umahon ang pinaghalong kaba at kilig sa aking dibdib habang pinagmamasdan ang kaniyang mukha.   Ares Thame Silvesa...   Ang tanging lalaking nagpatibok ng puso ko kahit sa murang edad.  Ang lalaking hinding-hindi ko pagsasawaan at lalong minamahal sa bawat segundong na lumilipas.   Kitang-kita sa mala-tsokolateng mata nito ang lungkot sa nalalapit naming pag-iisang dibdib. May kung anong sakit ang namayani sa aking dibdib ngunit agad ko itong iniwaksi at malalim na nagbuntong-hininga. Madiin kong ipinikit ang mata at saka iniiwas ang tingin sa kaniya at itinutok na lang sa harapan habang sinisimulan ang seremonyas.   ‘Mamahalin mo rin ako, Art. Ipinapangako ko 'yan.’   Reception Hall Hindi man ganoon kabongga ang kasal ay nabawi naman kahit papaano sa reception. Ginanap kasi ito sa isang sikat na hotel na pag-aari mismo namin. Sadyang ipinasarado ang buong lugar para sa amin maging sa mga bisita nilang ibang business man na puro bati sa tuwing nadadaan kami.   Halata sa engrandeng party at mukha ng lahat ang kasiyahan maliban na lang sa kaniya... May ilang nakakapansin din ng distansya naming dalawa ni Art dito sa harap. Gusto kong maiyak sa hiya at inggit sa tuwing nakikita ko ang ibang kulang na lang ay kumandong sa isa’t-isa para lang masabing masaya silang nagsasama.   "Oh Art, ingatan mo 'yang anak ko ha. Pinagkakatiwala ko na s'ya sa iyo," sambit ni Papa kasabay ng bahagyang pagtapik sa balikat ni Art. Peke itong napangiti at tumango lamang pagkatapos ay humarap sa kaniyang ama na nagsasalita din.   "Naku don’t worry kumpadre, she’s in good hands. We raised him right, hindi ba, Art?”  Segunda naman ni Tito Jake, his father. "Yes dad, I will," tanging sagot ni Art at saka magalang na nagpaalam upang sagutin ang teleponong kanina pa nagri-ring.   Mabilis na lumipas ang oras na puno ng pangaral at ngayon ay nandito na kami sa bahay na matagal ng naihanda para sa aming dalawa. Sinuri ko ito ng tingin at napangiti habang tinitingnan ang malaking gate na aming pinapasukan maging ang malaking bahay na aming tutuluyan. Masyado itong malaki para sa aming dalawa ngunit hindi magtatagal ay dadami din kami dito.   Ipinikit ko ang mata at in-imagine ang mga batang masayang nagtatakbuha habang hinahabol namin sila. May mga aso ding nakikipaglaro maging mga magulang namin na napapangiti habang pinapanood ang aming kulitan.   Agad akong napabalik sa reyalidad nang marinig ang malakas na pagsarado ng pintuan sa driver’s seat. Kanina pa pala kami nakatigil at ngayon ay humahangos na pumasok ng bahay si Art habang ako ay heto, naiwan sa sasakyan.   “Ni hindi niya man lang ako pinagbuksan ng pintuan,” bulong ko sa sarili habang naiiling na binuksan ang pinto at tumuloy na rin papasok.   Naitabi ko na ang mga gamit na bitbit ko kanina at nakapagpalit na rin ng damit ay hanggang ngayon ay wala pa ring kumikibo sa aming dalawa. Sinundad ko ito papataas ng second floor kung nasaan ang kuwarto naming mag-asawa nang makita kong sa guest room siya nakatapat. Binuksan niya na ito at akmang papasok nang magsalita ako.   "Art, hindi ba tayo mag-uusap man lang? Alam mo na, bilang mag-asaw---"   "Pinilit lang nila tayong ikasal, Sun. Ipinilit mo lang din ang gusto mo kahit pa nakiusap na ako sa iyong pilitin silang maging partners na lang kahit walang kasalang maganap. Alam mong may iba akong mahal pero pinilit mo pa rin ang gusto mo kaya huwag mo akong simulan ngayon, pagod ako.” Putol niya sa sinasabi ko at pabalagsak na isinarado ang pinto. Nag-echo sa bahay ang ingay nito kasabay ng sakit na tila humihiwa sa aking dibdib dahil sa sinabi niya.   Napangiti ako ng mapait habang nakatulala sa sarado niyang kwarto. Ipinikit ko ang mata at huminga ng malalim bago umalis sa tapat noon at saka pumasok sa dapat naming kuwarto.   Masyado itong malaki at ngayong alam kong ako lang ang matutulog dito ay mas lalong sumama ang pakiramdam ko. Agad kong hinubad ang suot na damit at nagtungo muli sa CR upang magbabad sa tub at humiling na mawala ang sakit a lumulukob sa aking pagkatao.   “Galit siya sa akin, anong gagawin ko?” Tanong ko sa sarili habang nakalublob ang buong katawan sa tubig. Napalingon ako sa gilid kung nasaan ang aking tablet. Sinipat ko ang oras nito at napansing ilang oras pa lamang ang lumilipas pagkatapos ng event kanina.   Sinubukan kong tawagan via messenger si Ari ngunit hindi ito sumasagot. Wala pa rin siyang recent meme posted kaya alam kong hindi pa siya nakakadating sa America. Agad kong pinindot ang mic icon at nagsalita.   “Hi Ari, I missed you na agad. Call me once you landed. Keep safe beb, i love you.” Nag-iwan na lang ako ng voice message dito at saka nag-browse sa internet ng random memes about marriage.   May ilang napatawa ako ngunit mas lamang ang inggit dahil mukhang malabong mangyari sa aming dalawa iyon. Nagpatuloy ako sa pag-scroll hanggang sa makakita ng post about the first night of the wedding.   Nanlalaki ang aking mata at napapasinghap habang patuloy na binabasa ang laman ng article. Mariin kong ipinikit ang mata at naghilamos ng malamig na tubig dahil ramdam ko ang pamumula ng mukha dahil sa nababasang tips dito.   “The first night is the most important night, don’t skip it,” basa ko sa huling linya ng article bago ibinaba sa gilid ang ipad at lumusong muli sa tubig habang pinupuno ng malalaswang aktibidad ang aking isipan.   Nandito ako ngayon sa tapat ng guest room kung saan siya tumutuloy. Higit kinse minutos na rin akong pabalik-balik ng lakad kakaisip kung tama ba ang gagawin ko o ano nang mapagpasyahan kong ituloy ang binabalak ko.   “Huwag kang susuko, Sunny. Baka ito lang ang pagkakataon mo para maging maayos kayo...” Pag-motivate ko sa sarili at walang pagdadalawang-isip na kinatok ang pinto. Naghintay ako ng halos isang minuto ngunit wala pa ring nagbubukas kung kaya’t inilabas ko ang bitbit na spare key at binuksan ito.   Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at tumambad sa akin ang katawan niyang bagong labas lang din sa CR. Tumutulo pa ang tubig dito na lalong nagpainit sa aking nararamdaman. Tiningnan lang ako nito sandali bago tumalikod upang maghanap ng damit at bumalik sa loob upang magbihis.   Hindi nagtagal ay lumabas itong muli at nangunot ang noo nang makitang nakahiga ako sa kaniyang kama. May ibinubulong pa ito sa sarili habang naiiling bago lumapit patungo sa kama at nahiga doon. Kumuha lang siya ng libro at saka tumagilid ng higa, salungat sa akin.   Ang kaninang naipon kong tapang ay unti-unting naupos at napalitan ng kahihiyan.   ‘Alam mo ng wala siyang gusto sa iyo, bakit mo pa ba ipinipilit ang sarili mo?’ Ani ng isang bahagi ng isip ko. Akma na akong tatayo nang maisip ko ang dahilan kung bakit ako nandito.   "Art..." Malambing na tawag ko sa pangalan niya ngunit wala akong natanggap na response mula dito.   Ipinikit ko ang mata at huminga ng malalim habang iniipon lahat ng lakas ng loob at dasal na kakailanganin ko ngayon.   ‘This is it. It's now or never, Sunny.’ Sambit ko sa sarili at walang pagdadalawang-isip na hatakin siya at iharap sa akin.   "Take me tonight, Art. Please..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD