KABANATA 1

1569 Words
KABANATA 1 Third Person’s POV Dali-daling isinugod ang dalaga na si Sun sa hospital habang hawak-hawak s'ya ng kanyang asawa na si Art sa mga bisig nito.   Halata sa mukha ng binata na naguguluhan at natatakot ito sa nangyayari. Bakas sa gwapo nitong mukha ang takot dahil sa dugong natuyo na sa hita ng asawa, hindi niya alam pero may kutob na siya at hindi ito maganda.   "Doc! Emergency! Iligtas niyo po ang asawa ko!" Malakas na sigaw niya na humatak sa atensyon ng mga naroon. Dali-daling kinuha ng mga nurse ang dalaga at inihiga sa stretcher.   "Hanggang dito na lang po kayo sir, hindi po kayo pwedeng pumasok sa loob," pigil ng nurse dito bago sila tuluyang pumasok sa emergency room.   Wala ng nagawa si Art kung hindi ang sumunod at mag-abang sa labas ng emergency room. Dahil sa labis na frustration ay napasuntok na lamang ito sa dingding at napahilamos ng mukha.   "Diyos ko, hindi ko alam... Patawarin niyo po ako, iligtas n'yo po ang mag-ina ko," usal na panalangin nito. Taimtim pa itong nagdasal hanggang sa may isang lalaki ang humahangos na tumakbo papalapit kay Art at bigla itong sinapak.   "Putang ina Art! Ipinagkatiwala ko sa’yo ang anak ko! Anong nangyari at bakit siya nasa emergency room ha?!" Galit na sigaw ni Adolfo, ang ama ni Sun.   Nakailang suntok siya sa mukha ng binata na hindi naman inilagan nitong huli. Hinayaan niya lamang na siya ay mabugbog hanggang sa napiit ito ng asawa niyang si Shine.   "Tumigil ka na, Adolfo! Walang magagawa ang galit mo ngayon! Ipagdasal na lang natin ang anak natin na si Sunny!" Umiiyak na pigil nito. Galit na itinulak pa ni Adolfo ang lalaki at pinanlisikan ito ng mata habang idinuduro bago tumalikod at maglakad palayo.   Dumating din sa eksena ang mga kaibigan ni Art na tinawagan niya pagkarating sa hospital. Walang nagawa ang mga ito bukod sa alalayan siya patayo matapos mapanood ang pambubugbog na ginawa ng manugang sa kaniya   "Sir, sumama po kayo sa akin sa ward, gagamutin ko ang mga sugat niyo," alok ng nurse habang nakaturo sa pumutok na labi at gasgas na pisngi ng binata ngunit umiling lang ang huli.   "Hindi na, gamutin n'yo lang ang asawa ko at okay na ako." Tanging sagot niya at nanatiling nakatulala sa kawalan.   Katahimikan ang namayani sa lahat habang hinihintay na matapos ang operasyon na isinasagawa kay Sunny. Dumating na rin ang mga magulang ni Art at tinungo ang mga biyenan upang kausapin ng masinsinan.   Matapos ang halos isang oras ay lumabas na ang doctor sa emergency room. Nagsitayuan ang mga nasa waiting room at agad lumapit sa kaniya.   "Sino po ang pamilya ng pasyente?" Tanong nito habang inililibot ang mata sa paligid.   Agad na lumapit si Art at nanguna sa mga biyenan na hindi na siya napigilan.   "Ako po. Ako po ang asawa ng pasyente. Maayos na po ba sya, Doc? Kamusta s'ya? Kamusta ang b-baby namin?" Tanong nito habang pinipigilan ang sariling mautal. Tinanguan lamang siya ng doktor at muling nagsalita.   “Nasa maayos na kalagayan ang asawa mo. Maya-maya lamang ay ililipat na siya patungo sa kuwarto pagkatapos ay puwede niyo na siyang makita,” aniya at tumango sa mga magulang niya.   Natuwa ang lahat sa nalaman, ngunit agad din nawala nang marinig ang sunod na sinabi niya.   "Ngunit mahina ang kapit ng bata kaya bumigay na ito. I'm sorry Mr. Silvesa for your loss," dugtong nito at magalang na nagpaalam bago umalis.   Tila tumigil ang mundo ng lahat sa kanilang narinig at nagsimula ng magsi-iyak at magyakapan ang mga nandoon.   'Hindi, hindi ko sinasadya. Wala akong alam, pakiusap patawarin n'yo ako,' ani Art sa isip habang patuloy sa pagluha ang mga mata Room 408   Tahimik ang lahat habang pinagmamasdan si Art na nakahawak sa kamay ng natutulog na asawa. Ayaw man siyang palapitin ng mga manugang ay wala silang nagawa dahil sa pakiusap ng kanilang balae.   Lahat ay malungkot sa nalaman, at hindi nila alam kung paano ito ibabalita kay Sunny na hanggang ngayon ay nakahiga sa post-operative bed.   Makalipas ang ilang minuto ay nagising na ito. Dahan-dahan niyang iminulat ang mata at inilibot ang tingin ngunit agad natigilan nang mapansin kung sino ang nasa kaniyang tabi.   "Ah! Lumayo ka sa akin! Lumayo ka sa akin! Ilayo niyo s'ya s-sa 'kin please! S-Sasaktan niya ko! Kita n'yo itong mga pasa ko? Sa kaniya galing i-ito kaya please i-ilayo niyo siya sa 'kin..." Humahagulgol na pakiusap ng dalaga. Nanginginig ang katawan nito sa takot at labis na pag-iyak dahilan para mapaatras si Art at bigyang daan ang magulang ng asawa upang pakalmahin ito.   "Ang baby ko? Nasaan ang baby ko?! Okay lang siya 'di ba? Okay lang kami 'di ba?" Mahinang tanong nito sa mga nakapaligid sa kaniya. Muli niyang inulit ang tanong sa mas malakas na boses ngunit wala pa ring salita ang namutawi sa mga bibig nila. Napahawak sa bibig ang dalaga at malakas na humagulgol ng iyak. Alam niya, hindi man sabihin ng mga ito ay alam niyang wala na ang bata sa sinapupunan niya. Narinig niya iyon sa mga doctor kanina ngunit ayaw n'yang maniwala. Hindi niya kayang maniwala at umaasang nagkakamali lang ang nadinig niya. Ngunit dahil sa reaksyon ng mga nasa loob maging ang kaniyang magaling na asawang patuloy sa pagluha habang nakatingin sa kaniya, tuluyan ng nabiyak ang puso niya at naglahong parang bula ang pag-asang pinanghahawakan niya kanina.   “Walanghiya ka! Pinatay mo ang anak ko!” Humahagulgol nitong sigaw habang nakaduro ang daliri sa asawa. Agad naman siyang niyakap ng ina at pilit pinapakalma kahit pa hilam na rin ng luha ang kaniyang mga mata dahil sa sinapit ng anak.   “Kinaladkad at itinulak niya ako, Ma! Sinasaktan niya ako Papa...” Sumbong nito sa magulang habang nakayakap ng mahigpit sa mga ito.   "Paalisin n'yo si Art please... Ayoko sa kaniya, ayoko na s'yang makita,” muling pakiusap niya pa sa nanghihinang boses.   Hindi na inantay pa ni Art na paalisin s'ya. Kusa na s'yang lumabas at sinamahan ng kanyang mga magulang at kaibigan upang komportahin sa sakit na nararamdaman nito.   "Bakit ganoon Mom, Dad? Hindi ko sinasadya... Hindi ko alam na may anak kami. E 'di sana... e 'di sana..." Hindi na nito natuloy ang kaniyang sinasabi dahil napaiyak na lang rin sya sa mga nangyayari.   Malungkot lamang na nakamasid sa kaniya ang mga kaibigan na si Jon at Emman. Naaawa sila sa kaibigan dahil napakabata pa nito upang maranasan ang ganitong pangyayari sa buhay.   Samantala...   "Pa, ayoko na po. Bakit gano'n? Bakit nadamay pa 'yong bata? Hindi ko na kaya Pa, gusto ko ng makipaghiwalay. Ayoko na s'yang makasama," pagsusumamo na Sunny sa ama. Bago pa lang siya isugod dito ay sumagi na sa isipan niyang iwanan ang asawa sa oras na may mangyaring masama sa anak niya at nangyari nga ang kinatatakutan niya. Tila gumaan ng bahagya ang dibdib ng dalaga matapos sabihin ang saloobin sa kanila. Ikinuwento niya sa mga ito kung paano siya itrato ng lalaki mula noong pagsasama pa lamang nila hanggang sa saktan na siya nito ng pisikal, mental, emosyonal at sekswal.   Labis ang galit sa dibdib ni Adolfo nang marinig ang kuwento ng anak. Hindi niya maatim maisip na natiis niya ang ganoong kahayop na trato sa kaniya ng lalaking pinagkatiwalaan nila gayong higit pa sa prinsesa ang turing ng pamilya sa kaniya.   Pabalyang binuksan ni Art ang pintuan nang marinig ang sinabi ng asawa. Kanina pa siya nakikinig at hindi na siya nakapagtimpi pa at nakisabat dito.   "Ano?! Hindi Sun! Hindi ka makikipaghiwalay sa 'kin! Aayusin natin 'to!" Bakas ang frustration sa kaniyang mukha habang hindi inaalis ang tingin kay Sunny na malamig ang tingin sa kaniya.    "Hindi ka makikipaghiwalay! Patawarin mo ako, aayusin natin 'to, pangako.” Walang pagdadalawang-isip itong lumuhod sa harapan nila. Akmang susuntukin pa ito ni Adolfo ngunit mahigpit na hinawakan ni Shine ang kamay ng asawa upang mapigilan sa binabalak niya.   Nanatiling malamig ang tingin ni Sunny sa lalaking nakaluhod sa harapan niya. Kahit anong emosyon ay hindi mababakas sa mukha niyang matagal ng pagod at nasasaktan sa lahat ng nangyari sa buhay niya kasama ito. Huminga siya ng malalim at mapait na napangiti.   “Mahal na mahal kita Art, ngunit tama na.” Mahinahon niyang tugon. Kanina pa siya nagwawala at iniiyak lahat ng sama ng loob niya kaya’t ngayon ay wala na siyang maramdamang kahit ano dito.    “Dapat nakinig ako kay Ariella... Dapat ay noon pa lamang iniwanan na kita. Hindi na sana ito mangyayari pa.” Muling sagot niya at sinenyasan ang ama. Tumango naman ito at hinila paalis ang lalaki. Humalik muna si Shine sa noo ng anak at nagpaalam upang bigyan ito ng space na kailangan niya. Agad niyang tinungo ang pintuan at sumunod palabas upang pigilan ang asawa kung sakali mang may gawin ito sa lalaki.   Mapaklang napatawa si Sunny habang patuloy muli sa pag-agos ang luha sa kaniyang mga mata. Iniangat niya ang tingin at tumulala sa puting kisame. Ipinikit niya ang mata at hinayaan itong dumaloy sa kaniyang mukha kasabay ng mga salitang nagpapaikot-ikot sa isipan niya.   This is not the life that I wished to have, this is not the romantic story that I used to dream of.   This is not the romance that I deserve, but this is the romance that you made me felt.   This is our bad romance, and I'm going to end it.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD