KABANATA 3

1600 Words
KABANATA III WARNING! SPG content ahead! Read at your own risk. Sun's POV "Take me tonight, Art. Please..."   ‘Damn, it's now or never Sun,’ sambit ko sa isip at pilit tinatagan ang sarili kahit pa gusto kong magpalamon sa lupa ngayon mismo.   Kitang-kita sa kan'yang gwapong mukha ang pagkabigla, ngunit mabilis rin itong nawala at naiinis na nakatingin sa akin na tila isang malaking joke ang aking sinabi.   "What did you say? You know that I don't like you okay? They just pushed me into this stupid marriage tch."   Masyadong nakakunot ang kaniyang noo na nagdidikit na ang makapal na kilay nito. Matalim din ang kaniyang titig habang pinapasadahan ako ng tingin na halatang puno ng pagkadisgusto sa nakikita.   Gusto ko ng magpalamon sa lupa right here right now o di kaya naman ay sabihing ‘izza prank!’ para sana makabawi sa kahihiyang nararamdaman ko ngayon.   Ang sakit sa dibdib pero no! I won't give up! Naumpisahan ko na, kailangan ko nang ituloy bago pa ako tuluyang balikan ng consciousness sa ginagawa kong ito.   Dahil nakapatong pa rin ako sa kan'ya ay dahan-dahan akong umusod pababa upang maglapat ang aming kasarian. Ramdam ko ang pamumula nang ma-feel ang umbok nito lalo pa at isang manipis na lingerie lang ang harang at boxer niya para ma-feel ko ito.   Masyado akong natigilan at hindi napansin ang namumula nitong mukha sa galit. Mahigpit ang pagkakakuyom nito sa kumot na tila nagpipigil suntukin ako ngayon mismo.   "Damn! What are you thinking? Get out of my lap!" Gigil na sabi nito at akmang tatayo upang makaalis ngunit hindi ako pumayag. Mas diniinan ko ang pagkakapatong sa kaniya at inilagay ang dalawang palad sa kaniyang dibdib para mapigilan ito sa pagbangon.   Magsasalita pa sana siya ng agad kong sinunggaban ang kaniyang mga labi at sinibasib ito ng halik. Napatigil ito sa pagpiglas na nagpangiti sa akin. Iginalaw ko ang labi katulad ng nababasa ko sa mga mature stories na nasa e-library ko.   Sa umpisa ay mabagal hanggang sa napatigil ako nang tumawa ito. Akma akong kakalas ngunit hinawakan niya ang aking ulo at idiniin pa lalo sa kaniya. Lasa ko ang mint sa kaniyang bibig na lalong nagpainit sa akin.   Ngayon ay siya na ang nagli-lead sa sitwasyon. Kinagat niya ang aking labi dahilan para mapaungol ako sa sarap at bigyan siya ng access. Iniyakap ko ang kamay sa kaniyang batok at nilaro ang kaniyang buhok habang nage-espadahan ang aming mga dila.   Ramdam ko ang pagiging malaway ng aking bibig dahil sa ginagawa namin. Akma ko sana itong pupunasan nang gawin niya ang hindi inaasahan.   Kumalas siya sa aming paghahalikan at senswal na dinilaan ang aking labi.   Naestatwa ako sa kinatatayuan habang nag-iinit ang katawan at puno ng emosyon ang mga matang nakatitig sa kaniya. Masyadong malakas ang kabog ng aking puso na tila gustong lumabas sa aking dibdib. Mas nag-init ang aking katawan nang maramdaman ang pagkabasa ng p********e ko sa ibaba habang tila nagngangalit na leon nais makawala ang nilalang na nasa boxer nito.   “That’s how you properly kiss someone.”   Natagpuan ko na lang ang sarili na nasa higaan at nakatulala sa kisame habang malakas na isinarado ni Art ang pinto sa banyo matapos pumasok doon. Dinig ko pa ang lagaslas ng shower mula sa loob na nagpabalik sa akin sa reyalidad.   “Putang ina...” Mahinang bulalas ko habang nananatilin nakatitig sa kisame. Tila ako napapraning dahil kusa akong bumabalik sa mga pangyayari kanina. Tila ito show sa netflix kung saan lahat ng angle ay ipinapakita kahit paulit-ulit ang eksena.   Nasa ganoon akong posisyon nang lumabas si Art mula sa banyo. Nakatapis siya ng tuwalya sa ibaba habang tumutulo pa ang tubig mula sa kaniyang buhok patungo sa kaniyang hubad na katawan.   Hindi ko maiwasan ang mapalunok habang pinapanood ang paglandas nito pababa sa kaniyang abs na halatang alaga sa gym.   Naipikit ko ng mahigpit ang mata nang muli itong pumasok sa banyo tangay ang damit nitong nasa gilid at pabagsak na isinarado ang pader.   ‘Sana inilayo mo ‘yong damit para mas matagal mong nakita ang kahubdan niya,’ bulong ng isang bahagi ng aking isip dahilan para sampalin ko ang sarili sa inis.   Tuluyan na akong nahimasmasan at gusto ko na lang literal na kainin ng lupa o tumalon sa bintana ngayon mismo. Unti-unti na din humuhupa ang init sa aking katawan kasabay ng pagbalik ng consciousness at hiya na lumulukob sa aking pagkatao.   Kinuha ko ang tuwalya sa may gilid at naghanap ng damit mula sa mga regalo na hindi ganoon ka-daring. Mabuti na lang at iniregalo ni Ariella ay isang pares ng satin pajama’s. May extra note pa ito sa gilid at napangiti ako sa nabasa.   ‘In case of emergency... :P’   Natawa na lang ako at napailing dahil sa sulat niya. Mukhang alam niyang mangyayari ito kaya’t ito ang iniregalo niya. Kinuha ko ang phone at nagtipa ng mensahe sa kaniya.   “Thanks! Literal na emergency nga T_T.”   Natatawa kong pinindot ang sent at saka mic icon saka nag-record ng vm dito.    “Call me when you got there. Keep safe. I love youuu.”   Napaiktad ako at halos mabitawan ang phone nang makita si Art sa gilid ko. Nakakunot ang kaniyang noo at umiigting ang panga. Napaatras ako sa puwesto nang hinawi ako nito at kinuha ang kaniyang essential oil na nahaharangan ko pala kanina.   Umalis din ito kaagad at lumabas ng kuwarto saka pabalyang isinarado ang pinto. Napailing ako dahil mukhang kailangan kong ipa-check ang mga pintuan sa susunod dahil mahilig mambalibag ang aking asawa.   ‘Asawa...’   Bago pa ako tuluyang kiligin at muling mag-day dream ay kinuha ko na ang damit at tuwalya saka nagtungo sa banyo para muling maligo.   Malamig ang tubig na dumadampi sa aking katawan habang nasa ilalim ng shower. Kinuha ko ang paboritong body wash at ikinuskos sa aking katawan. Siniguro kong malinis ang lahat ng sulok bago nagbanlaw.   Magto-toothbrush sana akong muli nang mapahawak ako sa labi at mapangiti nang maalala kung paano niya ito kagatin at i-mukbang kanina.   “Ugh...” Mahinang ungol ko habang kinakagat ang labi at iniisip na si Art ang gumagawa noon.   ‘Harot mo, Sunny,’ bulong ng isang bahagi ng isipan ko na nagpairap sa akin.   Hindi na ako nag-toothbrush at nag-floss na lang dahil ayaw kong mawala ang laway na pinagsaluhan namin ni Art kanina. Nagpisik din ako ng mouthwash sa bibig para incase na halikan niya akong muli ay hindi gaanong nakakahiya.   ‘Ang ilusyonada mo, Sunny Aether Hale. Iniwan ka nga lang sa ere kanina.’   Napapadyak ako sa inis dahil para na akong nababaliw na nakikipag-away sa sarili. Huminga ako ng malalim at tiningnan ang sarili na ngayon ay balot na balot ang suot kumpara kanina na halos wala na akong itago.   Pinagpasyahan kong lumabas na ng banyo at inabutan na wala pa din si Art sa kuwarto. Hindi ko iyon pinansin ng una at naupo sa vanity mirror upang magsuklay at magblow-dry ng buhok. Masyado akong busy sa ginagawa nang mapalingon sa bukas na bintana.   Kita ko ang malakas na pagbuhos ng ulan habang dinig ang pagbagsak ng patak nito sa labas. Agad akong tumayo at tumayo sa harap noon para sana isarado nang may maaninag ako sa ibaba.   Pinasingkit ko ang mata at sinipat kung sino ang nandoon at ganoon na lang ang panlalaki ng aking mata nang ma-realize na si Art iyon. Nakasuot siya ngayon ng pajama habang nagpe-pace back and forth sa may terrace.   Medyo malayo ang poste na nasa may gate pa ngunit malinaw sa akin na siya iyon. Base sa ikinikilos nito ay may kausap siya sa telepono at parang nakikipagtalo dahil sa galaw ng kaniyang kamay na tila may pinipigilan.   Akala ko ay babalik na siya dito dahil nakita ko siyang pumasok sa loob ng bahay ngunit ganoon na lang ang panlulumo ko nang sinagasa nito ang ulan at tinungo ang kotse niyang nakaparada sa garahe.   Ilang sandali lamang ay nag-ingay ang makina nito kasabay ng pagbukas ng head light sa harapan. Hindi man lang ito nag-atubling lumingon dito sa itaas dahil tuloy-tuloy siya sa paglabas hanggang sa hindi ko na maaninag ang kaniyang sasakyan.   Nanlalambot akong napaupo sa lapag habang nakatulala sa pader. Bahagya akong naaanggihan dito ngunit hindi ko iyon ininda dahil mas masakit ang nararamdaman ko sa dibdib.   Buong kalakasan ng ulan ay umalis ito at nagtungo sa lugar na hindi ko alam kung saan. Gusto kong isipin na sa trabaho lang ngunit naka-pajama lang ito at base sa pagkakakilala ko sa kaniya ay hindi siya ang tipo ng taong makikipagkita sa mga kasosyo ng ganoon lang ang suot kahit pa gaano kabiglaan ang tawag nito.   ‘Just give him the benefit of the doubt, Sun... Baka may mahalaga lang na pinuntahan ang asawa mo,’ sambit ng isang bahagi ng aking isip. Imbes na ma-motivate ay lalo lang akong nalungkot hanggang sa tuluyan nang nanlabo ang aking mata dahil sa luhang walang tigil sa paglabas mula dito.   “Siguro nga... Siguro nga ay mahalaga ang pupuntahan niya. Mas mahalaga pa sa first night naming mag-asawa.” Bulalas ko sa hangin at napangiti ng mapait habang sinisipat ang oras.   Kinuha ko ang cellphone nang tumunog ito dahil sa isang message. Walang gana ko iyong binuksan at mas napaiyak dahil sa laman ng mensahe.   ‘From: Ariella loves I just landed, sweetheart. I hope you have a blissful first night as a wife and still... Happy 18th birthday to you!’   Idinikit ko ang cellphone sa dibdib habang hinayaan ang sariling humagulgol upang maibsan ang sakit at disappointment na nararamdaman.   “Happy wedding and 18th birthday to me...”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD