CHAPTER 9

2528 Words
Russel "Ano?" rinig na rinig ko mula sa silid ko ang lakas ng boses ng nanay ko. Ano kaya ang pinag-uusapan nila? Bakit parang pakiramdam ko hindi makapaniwala si Mama. Parang gulat na gulat siya sa bawat pagsagot. Boses niya lang ang naririnig ko mula sa kwarto ko dahil malakas talaga ang boses ni mama. Parang nakalunok ng megaphone. Pagkatapos kong ayusin ang sarili. Naglagay ako ng make up na firstime kong ginawa. Excited na akong lumabas ng silid ko dahil makikita ko si Sir Edrick sa sala. Nagbago na kaya ang isip niya o na-realize niyang na-mi-miss niya rin pala ako kaya siya nandito at hahabol-habol sa 'kin. Dahil sa naisip kong dahilan ay hindi ko naiwasang kiligin na lang. Parang maiihi tuloy ako sa panginginig ng katawan ko. Nakangiti akong lumaabas ng kwarto. Paglabas ko sa aking kwarto ay diretso na sala ang mabubungaran mo kaya kaagad silang napatingin sa akin. Ang laki ng ngiti ko. Habang si mama ang sama ng tingin sa akin. Ano na naman, Ma? May nagawa na naman ba akong mali? Bakit pareho sila ni Junjun kung makatingin sa akin? "Nene, ano ba 'yang hitsura mo? Nagmukha ka ng clown sa kapal ng lipstick mo." biglang puna ni mama sa make up ko. Sobrang kapal ba? Panira naman 'to si mama. Lahat sila nakatingin sa akin. Napansin ko ang paghakbang ni Sir Edrick palapit sa akin. Tumigil siya sa aking harapan tsaka pinunasan ang labi ko. Napako ako sa aking kinatatayuan dahil sa ginawa niya. Napaawang ang labi ko at ang mga mata ko parang wala na yatang balak kumurap. "You don't need to put on thick make-up because you're beautiful even without it." wika niya tsaka tuluyan na pinunasan ang labi ko gamit ang kaniyang daliri. Ang bango. Napapikit na lang ako. Dinadama ko ang daliri niyang pumupunas sa labi ko. Sa pagpikit ko, may mainit na dumampi sa aking labi. Napamulat ako sabay laki ng mga mata ko dahil hinalikan niya ako. Halik na dampi lang pero may dating. Yung halik na maraming meaning para sa akin. Dampi lang pero ang sarap sa pakiramdam. Napapikit akong muli. "Tinatanggal ko lang ang lipstick sa labi mo. Hindi bagay sa 'yo." napamulat ako dahil sa ibinulong niya. Kagat labi ko siyang tinitigan. Hindi ko alam kung lait ba yun o pagpuri sa akin. Sinasabi ba niyang mas bagay sa akin ang walang make-up? Yung natural lang. Nang matapos ang halik na iyon ay pinigilan kong kiligin. Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa dahil maraming nakatingin. Para na nga akong sasabog sa tuwa dahil sa ginawa niya. Ikaw ba naman ang halikan ng napaka-guwpong nilalang. "Hindi pa ako pumapayag sa gusto niyong mangyari. Ano ba 'yan? May pahalik-halik na kayo sa harapan ko. Ikaw Nene! Ang aga mong lumandi! Ano itong sinasabi nilang pakakasalan ka na ng lalaking iyan?" sermon ng nanay ko pagkatapos ng scene kanina. Pakasalan? Anong pakasalan? Tinitigan ko si Edrick, nagtatanong sa kaniyang mga mata kung ano ang ibig sabihin sa sinabi ng mama ko? Pagkatapos ng pananahimik ni Sir Edrick ay hinarap ko naman si Mama. "Ano pong sinasabi niyo Ma? Anong pakasalan?" "Nagmamaang-maangan ka pa!" muli ay sermon niya sa akin. "Pakakasalan ka ni Edrick, Nene." nagsalita naman sa likuran namin si Ma'am Lai. Nanlaki ang mga mata ko sa aking narinig. A-ako? Pakakasalan ni Sir Edrick. Dumapo muli ang paningin ko sa mukha ni Edrick. Nagkasalubong ang aming mga paningin. "Russel Fernandez, tinatanggap mo ba si Edrick Feister sa hirap man o sa ginhawa?" tanong ni father. "Yes, father! Sobra pa sa tanggap father. I love him more than myself father. Matagal pa ba ang kiss?" hirit ko kay father. "Okay you may kiss your groom." hindi ko na pinatagal pa at inangkin ko ang labi ni Sir Edrick. "Hey! Nene! What the hell is happening to you? Bakit ka nakanguso diyan?" Kaagad kong ibinalik ang aking nguso sa hulma nito. Panira naman akala ko totoo na. Nakapikit lang pala ako at nag-iimagine na ikinakasal na kaming dalawa. "Nene, pakakasalan mo ba si Edrick?" Lumingon ako sa nagtatanong, si senyorito Elijah. Noon pa man, gusto ko ng maging asawa si Sir Edrick pero hindi ko akalaing magkakatotoo pala ito. Hinding-hindi ako tatanggi dahil ako mismo mauuna sa altar sa araw man ng kasal namin dalawa. "Nene?" untag ni Sir Edrick. Kumurap-kurap ako. "Pakakasalan mo ba ang kapatid ko?" muli ay tanong ni Senyorito. Inipit ko ang aking buhok sa aking taenga. "Opo, senyorito Elijah." sagot ko sabay sulyap sa kaharap kong si Sir Edrick. He smirked. "Hindi ako papayag na kasal kaagad. Dapat muna paghirapan ng kapatid niyo ang anak ko." nagsalita naman si Mama. Mama naman, 'wag na. Baka aatras si Sir Edrick. Alam kong mahirap 'yon. Alam ko na ang nasa isip ni Mama. Pahihirapan niya si Sir Edrick. "Kailangan gawin ni Edrick ang nakasanayan namin dito sa probinsya. Bago siya pakasalan ng anak ko, ilang araw muna siyang magbanat ng buto dito sa bahay. 'Yon ay kung papayag siya, kapag hindi niya nagawa, walang kasalan na magaganap." sabi ni Mama. Napakamot ako sa aking ulo ng wala sa oras sabay sulyap ulit kay Sir Edrick. Sumama ang timpla ng mukha nito. Alam ko naman na hindi ito sanay. Paano kung aatras na ito? Sayang naman! Mama naman eh! "Call." Bumalik muli ang tingin ko kay Sir Edrick dahil sa sagot niya. Pumapayag ba siya? "Papayag ako sa gusto niyo." sabay kindat niya sa akin. Tinuldukan niya ang mga nasa isip ko. Napalunok ako. Totoo ba talaga ang mga naririnig ko? "Iyon naman pala eh, kapag pumasa ka sa akin, siyempre tuloy ang kasal niyo ng anak ko." muli ay sabi ni Mama. "Dito ka na muna mga ilang araw. Bawal kayong magtabi ni Nene, bawal ang hawak, kiss, hipo kahit saan man 'yan, bawal." muli ay paalala ni Mama. Nakita ko ang pigil na pagtawa ni senyorito Elijah. Nagpatuloy kami sa pag-uusap sa dining table. Ngayon ko lang napansin, napakaraming pagkain sa mesa namin. Lahat daw yun ay dala nila Sir Edrick. Mas lalo akong nanginig sa kilig. Kagat kagat ko ang aking labi habang katabi ko si Sir Edrick. Halos mabusog na ko sa amoy ng pabango niya. Ang sarap, I mean ang bango! "So, ilang days ba bago ang kasal namin ni Nene?" tanong naman ni Sir Edrick sa Mama ko. "Depende kung pasado ka na sa lahat." sagot naman ni mama. Yung mata ko, mukhang napuno na ng puso. Hindi lang kasi ako makapaniwala na pakakasalan ako ni Sir Edrick. "Bakit ba gusto mong pakasalan si Nene? Hindi ba't boss ka niya? Umuwi 'yan dito na malungkot noong isang araw, pagkatapos bigla kayong nandito at umaalok ng kasal sa anak ko. Sabihin niyo nga sa akin? May nangyari na ba sa inyong dalawa?" Walang sumagot sa amin. "Hoy, Nene? Nakikinig ka ba? May nangyari na ba sa inyong dalawa ng boss mo?" "Huh? ah eh.." hindi ko alam ang isasagot ko kay mama. Sinulyapan ko si Sir Edrick wala din idea kung ano ang isasagot ko. Bahala na. "Ano, Nene? Hindi ka na virgin? Nasaan na ang sinasabi mong virgin kang haharap sa altar at sa magiging asawa mo?" ito na nga si mama wala ng katapusang sermon. "Ah. . .ano kasi, ma. Aksidente lang ang nangyari." napalunok ako. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. "Anong aksidente ang sinasabi mo? Meron bang aksidenteng s*x? Ano yun? Nag-da-drive yung hotdog ng boss mo at nasagaan yung bibingka mo? Ganun ba?" Nanlaki ang mga mata ko sa walang filter na sabi ni mama. Mama naman eh! Isa isa kong tiningna sila senyorito at maam. Alam kong pinipigilan lang nila ang kanilang mga tawa. Si Manang naman ay hindi na nakapagpigil at natawa na ito. "Sana all Nene." siniko naman ako ni Manang. Pulang-pula na siguro ako ngayon. Tiningnan ko si Sir Edrick. Hindi ko mabasa kung ano ang reaksyon niya. Tahimik lang kasi. Bakit ako yung na-hotseat dito? "Mama naman eh!" saway ko kay Mama. "Bakit hindi ba totoo? Tapos ngayon magpapakasal ka na lang bigla? Hindi ka nga marunong maglaba ng mga panty mo." Lumapit na ako kay Mama tsaka tinakpan ang bibig nito. Dumapo ang paningin ko kay Sir Edrick. Tumatawa na kasi ito habang tinatakpan ang kaniyang bibig. "Oh, siya! Ayusin mo na ang mga gamit mo, Edrick. Doon ka sa sala matutulog. Hindi kayo magtatabi ni Nene. Tsaka na ang tabi-tabi na 'yan kung kasal na kayo." Napangiti ako. Makakasama ko ng ilang araw si Sir Edrick dito sa probinsya. May kung anong saya sa puso ko. Hindi ko na napakinggan pa ang napag-usapan nila mama at senyorito Elijah dahil naging blanko na ang lahat sa akin. Yung kasal na lang namin ni Sir Edrick ang nasa isip ko. Hindi rin nagtagal at umuwi na rin sila senyorito Elijah. Naiwan si Sir Edrick. "Nene?" kumurap-kurap ako dahil sinisiko na pala ako ng katabi kong si Sir Edrick. "Nasaan ang banyo?" tanong niya sa akin. "Samahan ko na kayo, Sir." Tumayo ako para samahan siya sa banyo. "Stop calling me Sir, Nene. We're getting married soon. Hindi ba? Your mom will wonder why you keep calling me Sir. We need to act like we really love each other, Nene." sabi niya. My lips parted. "Ano pa ang itatawag ko sa 'yo? Mahal, baby, babe, langga, asawa ko, hubby ko ano pa ba?" napaisip pa ako. Ang dami kong gustong itawag sa kaniya. "It's up to you, what makes you happy." Nauna siyang maglakad sa akin. Nakasunod lang ako sa kaniya. Tumigil naman ito tsaka humarap sa akin. Ako naman ay iniisip kung ano ang itatawag ko sa kaniya. "Ito na ba yung banyo?" turo niya sa kwarto ko. "Kwarto ko 'yan. Dito yung banyo namin, sumunod ka kaya sa akin." sabi ko sa kaniya at nauna ng maglakad. Nang marating namin ang banyo ay tinuro ko sa kaniya pero tumigil siya at tumingin sa akin. "Hindi ka ba sasama sa 'kin sa loob?" pagyaya niya sa akin. Kung hindi ko lang siya kilala, iisipin kong bakla siya. "Naduduwag ka ba Sir? Ahm...asawa ko?" asar ko sa kaniya. Nag-puppy eyes naman ako. Kumunot ang noo niya. "Sasamahan mo ba 'ko sa loob o hihilahin kita diyan sa kinatatayuan mo para lang pumasok ka sa loob." Parang gusto ko yung merong hilahan na magaganap. "Hilahin mo na lang ako, Sir...asawa ko pala." ngumiti ulit ako. Ngiting aso. "Damn it!" Hinila niya nga ako papasok saloob ng banyo naming maliit lang at kasyang kasya lang kaming dalawa. Ni-lock niya ang pinto ng banyo. Tsaka dumaan sa tabi ko. "Tumalikod ka na lang kung ayaw mong mahimatay sa makikita mo." sabi pa niya at nagdukot sa loob ng kaniyang pantalon. Hala! Nanlaki kaagad ang mga mata ko. "I-ito na nga ipipikit ko na." sabi ko sabay takip ng mga mata ko pero nakaharap pa rin ako sa kaniya. Hindi ko tuloy mapigilang imulat ang isa kong mata habang tinatakpan ng mga kamay ko. "Tapos na ba?" tanong ko pa. "Mulat ka na, para naman makita mo kung gaano kalaki ang mapapangasawa mo." pilyong sabi niya sa akin. iminulat ko nga ang aking mga mata. Akal ko tapos na pero hindi pa pala. Nanlaki muli ang mga mata ko sa nakikita ko. "Ay! Daks!" sigaw ko. Muli kong tinakpan ang mga mata ko. Sa pagsigaw ko narinig kong tumawa siya. "Ngayon alam mo na kung gaano kalaki at paano ka mahihirapan kapag nagpakasal ka sa 'kin." bulong niya sa akin. Nanlamig ako sa bulong niya. Ang laki pala talaga. Super jumbo yata. Napalunok ako. Iminulat ko ang aking mga mata. Nasa pintuan na siya at binubuksan ito. "Nene, bakit ayaw?" pinihit niya ang lock ng pinto pro ayaw magbukas. Lumapit ako sa kaniya parapalitan siya sa pagpihit. Naka-ilang pihit na ako pero ayaw talaga. Nakalimutan ko, sira nga pala ang lock nito. "Naku, lagot! Sira yung lock nito eh! Ikaw kasi eh! ni-lock mo." sinisi ko pa siya. "Sinisisi mo ba ako? Kung sinabi mong sira pala ang lock nito e 'di sana hindi ko 'to ni-lock kanina." asar na din siya. "Hayaan mo tatawagin ko na lang si mama baka nasa sala lang." "Umpisahan mo na." sang-ayon naman niya. "Mama!" sigaw ko. Pero walang sumasagot. Mukhang nasa labas pa si Mama nag-aayos ng mga halaman niya. "Mama! Nandito kami sa loob ng banyo. Nakulong kami! Hindi mabuksan! Ma, pakibukas naman Ma!" muli ay sigaw ko pero wala talaga. "Ano? Wala ba si Tita?" pansin ko ang butil ng pawis niya. Pinagpapawisan na siya. Mainit kasi dito sa loob ng banyo lalo pa at maliit lang ito. Maging ako ay pinagpapawisan na rin. "Teka, may alam ako kung paano 'to bubuksan." naalala kong may butas pala na maliit at sigurado akong kakasya ang kamay ko para pihitin ang lock sa labas. "Asawa ko, alalayan mo 'ko." utos ko kay Sir Edrick. "Anong alalay ba sinasabi mo? Gusto mo pa bang buhatin kita?" "Alalayan mong maipasok ko yung kamay ko sa butas." sabi ko. "Okay, I got it." hinawakan niya ang kamay ko at ako naman ay unti-unting pinapsok ang kamay ko sa butas. "Aray naman! Huwag mo naman kasi biglain." sigaw ko. "Ang sabi mo alalayan ko tapos ngayong binibigla ko nagagalit ka at sumisigaw diyan." sagot naman niya. "Alalay lang kasi baka hindi na mahugot." sabi ko naman. "Okay!" sang ayon naman niya. "Teka, kamay mo kaya ang ipasok natin baka sakaling maabot mo." suhestiyon ko sa kaniya. Maikli din kasi ang kamay ko hindi aabot sa pihitan. "Okay, let me see." sumang ayon din naman siya. Ipinasok niya rin ang kamay niya sa butas pero napasigaw lang siya. "Aw! What the fvck! Ang sikip Nene!" sigaw niya. Haplos -haplos niya ang kaniyang kamay ng hilahin niya ito mula sa butas. "Sir, Edrick ayos lang ba kayo?" pag-aalala ko. Nakita kong dumugo yung kamay niya. "Sir Edrick dumudugo!" bulalas ko. "Ang sikip naman kasi ng butas." sabi naman niya habang hinahaplos ang kamay niyang dumudugo dahil siguro sa gaspang ng semento at nadali roon ang pulsuhan niya. "Ang daks naman kasi ng kamay niyo." sabi ko naman. Pareho kaming nabigla nang biglang bumukas ang pintuan ng banyo. Madilim na awra ni Mama ang sumalubong sa amin. "Anong ginagawa niyo sa loob? Bakit may naririnig akong masikip, daks, dumudugo? Hindi ba't sabi ko wala munang mangyayari sa inyo hangga't hindi pa kayo naikakasal?" sigaw ni Mama. Nagkatinginan kaming dalawa ni Sir Edrick. "Nagkakamali po kayo ng iniisip." kaagad na paliwanag ni Edrick. Mas lalong dumilim ang mukha ni mama. "Anong nagkakamali? Ginawa mo pa kong bingi. Rinig na rinig ko dito sa labas ang mga boses niyo. Ako ba niloloko niyo? Lumabas ka na Nene at pumasok ka na sa kwarto mo!" gali na galit na bulyaw ni mama. Gusto kong magpaliwanag. "Mama, nagkakamali naman kasi kayo ng iniisip. Masyado lang kasi kayong green minded. Palibhasa kasi tigang kayo eh!" kakamot kamot sa batok na sabi ko. Sinamaan naman kaagad ako ng tingin ni Mama. "Ano? Anong sabi mo? Lumabas ka na diyan bago pa magbago ang isip ko at isang taon pa ang lilipas bag matutuloy ang kasal niyo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD