Naglalakad ako ngayon patungo sa bahay namin. Medyo maputik ang daan dahil kauulan lang pala dito sa amin. Mabuti na lang tumila na rin ito.
Akala ko nagbibiro lang si Sir Edrick na palayasin ako. Ilang linggo pa lang ako sa condo niya at dahil sa nangyari sa aming dalawa pinalayas niya ako. Kasalanan ko ba? Kasalanan ko bang naakit siya sa akin?
Wala pa akong ginawa pero naakit na siya, paano pa kapag inakit ko na siya?
Akala ko naman nagbibiro lang siya sa mga sinabi niyang pagpapalayas sa akin. Tanghaling tapat pinalayas niya ako. Dala ang bag ko, hindi ko alam kung may masasakyan pa akong trysicle pauwi sa bahay. Malayo-layo kasi sa bayan ang bahay namin.
Malapit ng dumili. kaya kailangan ko ng bilisan. Lahat naman kasi na dumadaang trysicle, may mga sakay at puno. Kaya hindi ako makasakay-sakay. Sana man lang may tumigil a sasakyan sa harapan ko at alukin akong sumakay. Pero mukhang malabi yata 'yon. Malabo pa sa bumabahang ilog.
Hingal na ako kaya nagpahinga muna ako. Huminto ako sa paglalakad.
Bigla lang akong nalungkot dahil hindi ko na masisilayan ang mukha ng lalaking minamahal ko. Nagawa niya nga akong palayasin. Wala siyang pag-aalala sa akin kung anong mangyayari sa akin sa daan. Ayos naman kasi kami noon noong nasa mansion pa lang kami. Maayos kaming nagbibiruan pero bakit ngayon nagbago na siya?
Napapagod na umupo ako sa tabi ng kalsada. Umaasang may dumaang trysicle. Yung hindi puno ng pasahero para naman makasakay na ako.
Sa kagustuhan kong mayroong trysicle na dadaan ay na-disappoint lang ako dahil itim na kotse ang paparating. Tumabi ako dahil sigurado akong matatalsikan ako ng putik niyan kapag dadaan sa tabi ko.
Hindi nga ako nagkamali, sobra pa sa talsik ang napala ko dahil sa halip na sa damit ko, sa mukha ko pa tumalsik ang putik. Napahilamos ako sa sarili kong mga palad. Inis na sinigawan ko ito. Tumigil naman ito kaya kaagad kong nilapitan ito para sermonan.
"Hoy?" sigaw ko tinuro-turo ko pa habang papalapit sa kotse. "Hoy? Lumabas ka diyan!" sigaw ko tsaka pinukpok ang bintana nito. Naghilamos muli ako gamit ang aking mga palad para mas lalo kong masilayan kung sino man ang sakay sa kotse na ito.
Unti-unti nitong ibinaba ang tinted window. Nanlaki kaagad ang mga mata ko dahil isang lalaking nakasuot ng army ang nasilayan ko. Familiar sa akin ang kaniyang mukha.
"I'm sorry, Miss. I didn't mean it." sabi nito. Tsaka ko lang siya nakilala ng tuluyan.
Si Kent ang kababata ko. "K-Kent?" turo ko sa kaniya. Mas kinilala naman niya ako. Siguradong hindi niya ako makikilala dahil may mga putik pa ang ibang parte ng aking mukha.
"N-Nene?" halos hindi rin siya makapaniwala.
"Yes, ako nga." sagot ko. Masayang masaya ako dahil sa tagal ng panahon ngayon ko lang ulit nakita si Kent ang kababata ko. Nakilala ko siya dahil sa kaniyang dimple at dahil na rin hindi nagbago ang kaniyang mukha. Naalala ko pa nga naliligo kami palagi sa ilog tuwing umaga. Kahit sobrang lamig.
"Anong ginagawa mo? Bakit naglalakad ka lang? Wala na bang trysicle? Hindi mo ba alam na delikado maglakad mag-isa? Halika, isasakay na kita. Malayo pa yung sa atin." presenta niya. Para akong nabuhayan ng dugo dahil hiniling ko kanina na sana mya dumaang sasakyan at pasasakayin ako. Heto na nga, ibinigay na sa akin ni Lord.
"Ano? Nene, sasakay ka ba?" untag niya. Natulala na pala ako dahil sa sandaling pag-iisip ko.
"Ah- Oo, sasakay na 'ko. Hindi na 'ko tatanggi. Kanina pa kasi ako naglalakad. Pagod na dalawang mga paa ko." masayang sabi ko sa kaniya. Pinagbuksan niya ako at walang hiya-hiya na pumasok sa loob. Nang makapasok ay napagmasdan ko siya Suot niya ang uniform ng army.
"Buti ka pa, naabot mo na ang pangarap mo." biglang sambit ko.
"Hindi pa, Nene. May isa pa akong pangarap na hindi ko pa naaabot." sagot naman niya sa kawalan.
"Ano?"
Binuhay niya ang makina at tuluyan na kaming umalis. Ilang minuto na lang din siguro ay makakarating na ako sa bahay at ang bahay nila Kent ay mga ilang minuto lang din lalakarin sa amin. Balita ko, nakilala ni Kent ang totoo niyang ama at mayaman daw ito kaya nababalitaan ko lang noon na umuuwi lang si Kent para kamustahin ang nanay niya.
"Ang dami ng nagbago sa 'yo ah." basag ko sa katahimikan.
"Ikaw rin naman Nene. Mas lalo kang gumanda ngayong nagdalaga ka na. Ilang taon din na hindi tayo nagkita." biglang uminit ang pisngi ko sa sinabi niya.
"Pero teka, nagpapalit ka na ba ngayon ng panty?" tumatawang tanong niya. Alam kong binibiro niya ako. Noon kasi alam niyang dalawang araw muna ang hihintayin bago ako nagpapalit ng panty. Pareho kaming natigilan at natahimik.
Namumula na yata ako sa hiya. Noon kasi bata pa kami, ngayon iba na, dalaga at binata na kami.
"I'm sorry, nasanay lang kasi akong asarin ka sa ganoong paraan. Nakalimutan kong binata at dalaga na nga pala tayo." pahabol naman niya ng manahimik ako.
"Okay lang."
Dahil sa abala ng pag-uusap namin dalawa ay hindi rin namin namalayan na nakarating na pala kami sa bahay. Tanaw ko na si Junjun nakatanaw sa kinaroroonan namin.
Anong sasabihin ko kila Mama? Sasabihin kong dahil sa jugjug kaya ako tinanggal. Na-disappoint ko na naman si Mama. Ang taas pa naman ng pangarap niya para sa akin.
"Nene, nandito na tayo, may problema ba? Bakit parang malungkot ka?"
"Salamat, Kent ah. Naisip ko lang kasi kung ano na naman ang idadahilan ko kay Mama kung bakit nandito ako at nawalan na naman ako ng trabaho." malungkot na sabi ko kay Kent.
"Hindi naman siguro madi-disappoint sila Tita. Ang mahalaga ginawa mo ang lahat para sa kanila."
Napanguso ako tsaka niyaya siya na pumasok muna sa bahay pero tumanggi m
na siya. "Mamayang gabi na lang ako pupunta Nene. Asahan mong darating ako mamaya. Huwag kang matutulog ng maaga." kinindatan niya ako. Hindi pa din nagbabago itong kababata kong si Kent. Mahilig pa rin sa kindat. Naalala ko tuloy ang kaisa-isang lalaking nagustuhan ko pero hindi naman ako gusto.
Bumaba ako sa kaniyang sasakyan tsaka nag-wave nang buhayin na ulit nito ang sasakyan. Bago tuluyang umalis ibinaba pa niya ang kaniyang tinted window tsaka gumanti rin ng kaway sa akin.
Pinapapasok niya na ako sa loob kaya umikot ako para naman sa bahay na ang direksyon ko. Medyo malayo pa lang ako ay narinig ko na ang kapatid kong sumisigaw at tinatawag si Mama.
"Mama! Si Ate! Nandito na!"
Bumungad naman kaagad si Mama sa pinto may hawak pang sandok. Nagluluto siguro ito ng favorite naming ulam.
"Nene?" halos hindi makapaniwalang sambit ni Mama nang makita ako. Binilisan ko ang paglalakad para makalapit kaagad kay Mama. Niyakap ko ito ng mahigpit. Pagtataka sa kaniyang mukha ang sumalubong sa akin pagkatapos kong humiwalay sa pagkakayakap sa kaniya.
"Mama, pasensya na kayo, nabigo ko na naman kayo." naiiyak na sabi ko.
Tinuktukan lang naman ako ng nanay ko. "Sinong nagsabi sa 'yong nabigo mo kami? Try and try lang anak. Nagsisimila ka pa lang. Makakamit mo rin ang yung pangarap. Huwag lang magnakaw ng tuba dahil ipapakulong na talaga kita kay Mang Romeo." bigla akong napangiti sa sinabi ni Mama. Kahit kailan talaga hindi nagseseryoso si Mama. Dito ko nga talaga siguro namana ang ugali ko eh!
"Eh! Ano ba ang pangarap mo ate?" sabat naman ni Junjun.
Natigilan ako.
"Ang mahalin ni Sir Edrick." Tinakpan ko kaagad ang bibig ko. Si mama naman ay natigilan dahil sa sinabi ko.
"Edrick? Sino yun Nene?" tanong ni Mama. Ayan na simula na naman ang mga katanungang walang katapusan hangga't 'di ko nasasagot ng maayos ang mga tanong nila.
"Wala, Mama. Nagbibiro lang ako. Yung Edrick na sinasabi ko. . .nagpapataya yun sa lotto. Ang ibig kong sabihin gusto kong manalo sa lotto." nakahanap rin ng palusot.
"Liwanagin mo anak para hindi naman kami nagugulat na lang dito." sabi naman ni Mama. "Eh, teka, nakapagtaya kana ba?" biglang siko ni Mama sa akin. Isa rin kasi itong mahilig tumaya sa lotto.
"Hindi pa, Ma. Bukas na lang siguro baka sakaling maging milyonaryo." sigaw ko sa kawalan habang papasok sa maliit kong silid. Iniwan ko sila mama sa sala. Gusto ko na kasing magpahinga. Napagod ako kalalakad mabuti na lang at dumating or dumaan si Kent dahil kung hindi. Siguro nasa kalsada pa rin ako hanggang ngayon at naglalakad pagong, naghihintay na may dumating na trysicle.
ANO BA ANG GULO NA NARIRINIG ko sa labas? Ang aga -aga naman ng mga marites dito sa baryo namin. Pagkagising pa lang nasa kalsada na nag-tsi-tsismisan. Kapag may nabuntis mula galing Manila. Yun ang pagpipyestahan nila. Kapag may nakaasawa ng mayaman, pagtsismisan din nila. Saan na lang kaya lulugar ang mga tao dito?
Hihikab-hikab na lumabas ako ng kwarto. Wala nga akong pakialam sa buhok ko. Ito kasi gawain ko sa umaga kapag nasa bahay lang ako. Wala akong pakialam sa hitsura ko at lumalabas akong nakapanty lang at malaking tshirt na suot.
Nakamulat yata ang isa kong mata habang ang isa ay nakapikit. Nasa sala na ako, mas lalong umingay ang paligid. Iminulat ko ng tuluyan ang dalawa kong mga mata. Tumambad sa aking harapan ang napakaganda kong nanay, may hawak na panandok ng kanin. Wala na mang ibang hawak si Mama kun 'di ang fave niyang panandok. Panay kasi ang pagluluto. Tawag ko nga diyan prinsesa ng kusina.
Hindi ko alam kung bakit nakangiwi na sumesenyas sa akin si Mama. Pinapabalik niya yata ako sa kwarto ko. "Anak, mahiya ka naman, bumalik ka sa kwarto mo at magbihis." sabi niya na parang binubulong lang sa akin habang sumesenyas ito na pabalikin ako sa kwarto ko.
"Bakit, Ma? Hindi pa ba kayo sanay sa akin?"
"Dahil nandito kami."
Nanlaki ang mga mata ko sa boses na narinig ko. Teka, bakit naririnig ko ang boses ni Sir Edrick. Nag-iimagine na naman ba ako?
Malala na talaga ang isip ko.
"Anak, hindi ka nag-iilusyon talagang nandito ang boss mo at ang pamilya niya." tila bulong na naman sa akin ni Mama.
Ano? Pamilya niya? Bakit naman nandito si Sir Edrick eh! Pinalayas niya nga ako kahapon. Hindi pa rin ako naniniwala hanggang sa humarap ako sa kung saan nanggaling ang boses na narinig ko.
Ganun na lang ang panlalaki ng mga mata ko sabay lunok ng singkatirvang laway dahil sa nasilayan ko. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig dahil na-realize ko ang hitsura ko.
"Anak, ayaw mo pa kasing maniwala. Nakakahiya sa mga bisita." wika ni mama. Ako naman ay napapikit dahil sa hiya.
Nandito silang lahat. Nandito si ma'am Lani, Senyorito Elijah, Sir Edrick at kasama si Manang at ang mga katuwang pagbabantay ni Ma'am Lai sa quadroplets.
Anong ginagawa nila dito? Bakit sila nandito?
"Don't you have plan to change? O di kaya tumakbo pabalik sa room mo? You're only wearing panties wala ka man lang shorts baka nakakalimutan mo?" masungit na paalala ni Sir Edrick sa akin. Ngayon na lang ulit sumagi sa isip kong naka-panty lang ako.
Halos liparin ko ang kwarto ko dahil sa hiya
Nandun sila senyorito Elijah nakakahiya. Nasabunutan ko ang buhok ko ng wala sa oras nang makapasok sa loob ng maliit na kwarto ko.
Ano naman ginagawa nila dito sa ganitong oras? Bakit nandito sila sa bahay? Anong meron?
Bakit nandito rin si Sir Edrick? Pababalikin niya na ba ako sa condo niya? Ibabalik niya na ba ulit ako sa pagiging maid niya? Hindi na ba siya galit sa akin?
Pero kailangan bang nandito rin sila Ma'am at senyorito?