Russel PAGKATAPOS nang nangyari kanina sa CR ay pinapasok na ako ni mama sa aking kwarto. Hindi niya na ako pinalabas. Wala naman kasing nangyayaring kababalaghan sa amin ni Sir Edrick sa loob ng banyo. Iba lang ang iniisip ni Mama. Masyadong binigyan ng meaning ang pagkakakulong namin sa banyo. Hindi tuloy ako makatulog. Gusto kong silipin si Sir Edrick kung ayos lang ba siya sa sala. Kung natutulog na ba siya? Nasa kasalukuyan ako ng pag-iisip ng tumunog ang cellphone ko. Nasa ibabaw ng unan ko kaya madali ko lang makuha ito. Binuksan ko ang cellphone ko, tumambad kaagad sa akin ang pangalan ni Sir Edrick. Nag-text siya sa akin. Nakangiti kong binuksan ang message niya with kagat labi pa. "Ang daming lamok. Hindi ako makatulog. Tulog na yata ang mama mo. Lumabas ka at puntahan mo '