"K-Kuya...a-anong ginagawa niyo dito?" nauutal na tanong ni Sir Edrick kay senyorito Elijah. Sinulyapan niya muna ako bago tuluyan na humarap sa nakakatandang kapatid. Dalawa sila ni Ma'am Lani ang pumunta dito. Nasaan kaya ang mga cuties chikiting. Hindi nila kasama. Gusto ko pa naman kurutin ang mga pisngi ng mga ito. Ang taba kasi. Nakakagigil.
Ngumiti sila sa akin habang masama naman ang tingin ni senyorito Elijah sa kapatid niyang si Sir Edrick.
"Anong ginagawa namin? Ganyan talaga ang una mong tanong? Hindi mo ba muna kami papapasukin bago mo 'ko tanungin niyan? Masama na bang bisitahin ka at kamustahin si Nene kung maayos mo siyang tina-trato dito?" Tumingin sa akin sa senyorito Elijah Medyo nailang ako dahil sa kalagayan ko ngayon.
Anong pakusot ko kung bakit ako naka-wheelchair?
"Nene? B-bakit ka naka-wheelchair?" nauna na nga na nagtanong si Ma'am Lani. Ito na nga ba sinasabi ko, anong isasagot ko?
"Ahm...ano kasi...ah...eh...ahm..." napakamot ako sa sarili kong ulo.
"Ano?" naiinip na muli ay tanong niya.
"Eh! Kasi...ano ah...p-pareho kasi kaming lasing ni Sir...---"
"Nalasing si Nene kagabi at lumabas siya ng condo pero hindi niya ginamit ang elevator. Bumaba siya gamit ang stairs kaya nahulog siya sa kalasingan at ayan halos hindi siya makalakad." si Sir Edrick ang nagpatuloy sa sagot ko. Sasabihin ko na sana ang totoo, mabuti na lang at magaling sa palusot si Sir Edrick. Tumango-tango naman si Ma'am Lani.
"Naku, Nene, next time mag-iingat ka. Baka hindi lang 'yan sa susunod ganiyan ang mangyayari sa 'yo. Kapag lasing ka na, humiga ka na lang sa silid mo at matulog." payo naman sa akin ni Ma'am Lani.
"P-pasensya na po, Ma'am. Nangati po kasi mga paa ko kaya lumabas ako. Akala ko kasi magkakaroon ako ng pera kasi nga nangati ang mga paa ko. Yun pala ito ang ibig sabihin ng pangangati ng mga paa ko, ang mahulog sa hagdan at hindi makalakad." sinabayan ko na lang ang trip ni Sir Edrick. Nagsinungaling na rin ako.
Pumasok sila ng tuluyan sa loob.
"Anong gusto niyong kainin at magpapa-deliver ako ng foods." tanong ni Sir Edrick pero kaagad rin naman siyang pinigilan ni Senyorito Elijah.
"Huwag na. Hindi rin naman kami magtatagal, napadaan lang kami para kamustahin si Nene. May pinuntahan rin naman kami malapit dito sa condo mo kaya napadaan kami. Huwag ka ng mag-abala dahil uuwi na rin kami." pigil at tanggi ni senyorito Elijah sa alok ng kaniyang kapatid.
Hindi rin nagtagal ay nagpaalam na rin sila na umuwi at naiwan na naman kaming dalawa ni Sir Edrick.
"Nagugutom ka ba Nene? Do you want me to order foods. Sabihin mo lang." tanong niya sa akin. Hindi pa naman ako gutom kaya tumanggi na rin ako. Iniwan niya na rin ako sa sala ng tanggihan ko ang alok niya. Siguro hindi pa siya tapos maglaba ng cover sa couch.
Matapos ang kalbaryo ko ng ilang araw na nasa wheelchair lang ako ay sa wakas! Makakalakad na rin ako ng maayos.
Kagaya ng nakasanayan, wala si Sir Edrick at ako na naman mag-isa dito sa condo niya. Maglilinis lang ako sandali, pagkatapos magluluto at magpapahinga na. Naligo muna ako bago ko sisimulan na puntahan ang room ni Sir Edrick. Pinapahuli ko talaga kasi itong linisin dahil sa dami kong imaginations kapag nakakapasok ako sa kwarto niya.
Nakaawang ang pintuan ng kwarto ni Sir Edrick. Hindi yata ito nasarado pag-alis niya. Nakalimutan niya yata. Nang makalapit pa ay unti-unti akong may naririnig na ungol ng isang pusa.
Teka, pusa? P-paano makakapasok ang pusa dito? Naku, lagot na, ayaw na ayaw pa naman ni Sir Edrick sa pusa. Allergy daw siya sa mga balahibo nito.
Bubuksan ko na sana ng tuluyan ang pinto ng kwarto ni Sir Edrick pero natigilan ako dahil sa nakikita ko. Nanlaki ang mga mata ko. Isang babaeng naka-costume ng pusa pero naka two piece. Mahaba rin ang buntot nito at may dalang latigo. Bigla akong napadasal.
Ano ba itong nakikita ko?
"Meow! Meow!" nagtunog pusa rin ito tsaka sumampa sa kama na kinaroroonan ni Sir Edrick. Walang suot pang-itaas si Sir Edrick
habang nakasandal sa headboard ng kama.
Bakit hindi ko man lang naramdaman o narinig o 'di kaya, hindi man lang ako tinawag ni Sir Edrick para ipaalam sa akin na nakauwi na pala siya.
Napangiwi ako sa aking nakikita lalo na ng unti-unting naghuhubad ang babaeng mestisa sa harapan ng lalaking hinahangaan at minamahal ko. Nasasaktan ako, ako dapat yun. Ako lang dapat ang kinakama niya.
Sino ba naman ako para mag-demmand? Sasabihin ko sa kaniyang ako na lang ang ikama niya?
"Baby, you will never regret that you brought me here 'cause you will forget all your women now that you have me. I'm better than everyone else. Pauungulin kita ng sobra, babe." malanding sabi ng babae. Kitang-kita ko kung paano pisilin ng babae ang tiyan, dibdib at ang favorite kong abs ni Sir Edrick.
Dahil nadala ako sa emosyon ko. Napasigaw ako. "No!" Tinakpan ko kaagad ang aking bibig dahil nakuha ko ang kanilang atensyon. Sabay silang napatingin sa akin.
"Nene?" hindi makapaniwalang sambit ni Sir Edrick. Hindi niya siguro akalain na makikita ko sila sa ganoong posisyon.
Hindi ko na hinintay pa na magsalitang muli si Sir Edrick. Napagpasyahan ko kaagad na tumakbo na lang. Dumiretso ako sa sala. Hinihingal akong tumigil habang nakasandal sa wall. Hinawakan ko ang dibdib kong ang bilis ng t***k. Mas lalong bumilis nang magulat ako sa tunog ng telepono. Halos napatalon ako dahil sa pagkagulat.
Wala akong choice kun 'di sagutin ang tumatawag. "H-hello." sagot ko, habang malakas na kumakawala at tumatakas ang aking mga hikbi. Nasasaktan ako hindi naman kami magkasintahan. Isa pa, isa lang din naman ako sa mga itinuring laruan ni Sir Edrick. Kabilang na rin ako sa mga babaeng naikama niya.
"Nene? Umiiyak ka ba?" tanong ng nasa kabilang linya. Kilala ko ang boses na iyon. Kung hindi ako nagkakamali. Si Ma'am Lai ito.
Pinigilan ko ang aking paghikbi. "Nene? Bakit ka umiiyak? Anong nangyayari sa 'yo?" sunod-sunod na taong nito. Ako ay natahimik naghahanap ng maisasagot.
Ang hindi ko inaasahan ay ang maisagot ko sa kaniya. "May iba kasing pusa na kumakain sa hotdog ko." sumbong ko. Sandaling natahimik ang nasa kabilang linya.
"Ano? Kinain ba ng pusa ang hotdog na ulam mo? Bumili ka na lang ulit. Teka, wala ba diyan si Edrick?"
"Nandito. Kaya nga po ako umiiyak dahil meron na naman siyang dinalang babae dito sa condo niya at nag-disguise pa ng pusa. Kung yun pala ang gusto niya, pwede naman akong maging pusa o 'di kaya daga o 'di kaya leon. Kaya ko rin gawin 'yon." nadulas na sabi ko sa kaniya.
"Anong sabi mo? A-anong kaya mo ring gawin Nene? Huwag mo sabihing may nangyayari na sa inyo ni Edrick?" halos hindi makapaniwala na tanong nito sa akin
Siguro hindi ko na ililihim pa ang nangyari sa amin ni Sir Edrick isang linggo ang lumipas.
"Meron na." tipid na sagot ko.
"A-ano?" isang malakas na sigaw ang kumawala sa kabilang linya. "Bakit hindi mo sinabi? Kailan pa? Bakit pati ikaw ginalaw niya? Pinilit ka ba niya, ha? Nene? Pinilit ka ba ni Edrick?" sunod-sunod na halos pasigaw na sabi ni Ma'am Lailani sa akin
"H-hindi, Ma'am. Gusto ko ang nangyari. A-ano kasi...ah k-kasi...lasing k-kaming pareho. S-sige, Ma'am Lai, ibababa ko na itong telepono." tinakpan ko kaagad ang aking bibig. Napakadaldal ko. Paano na? Hindi pwedeng malaman ni Sir Edrick na aksidente kong nasabi kay Ma'am Lailani na may nangyari sa aming dalawa ni Edrick.
Alam kong hindi pa lumalabas ng kwarto ang dalawa. Siguro tinatapos pa ang dapat na tapusin.
Inabala ko na lang ang sarili ko para hindi na ako mag-isip pa ng mag-isip.
THE NEXT DAY...
ISANG malakas na suntok ang kumawala mula kay Elijah ng mapagbuksan ito ng kapatid na si Edrick.
"What the fvck! Bro! What's wrong with you? Bakit mo 'ko sinuntok?" pagtataka ni Edrick. Hawak ang labi na dumudugo dahil sa suntok.
"What's wrong with you, ha? Hindi ba ibinilin ko sa 'yo si Nene? Pero bakit mo pinakialaman?" umalingawngaw ang boses ni Elijah sa loob ng condo ni Edrick.
"Si Nene? Ano bang ginawa ko sa kaniya?" Habang hawak ang labi ay nagtataka naman si Edrick sa pinagsasabi ng nakatatandang kapatid.
"Ngayon nagmamaang-maangan ka! Magpakalalaki ka! Edrick! Pakasalan mo si Nene!"muli ay sigaw ni Elijah.
"W-what? B-bakit ko siya pakakasalan? So, alam mo na? Sinabi ba ni Nene? Nagsumbong ba siya?"
"Hindi na mahalaga kung kanino ko nalaman."
"Kasal na ba ngayon ang solusyon sa mga babaeng naikakama? Kung gano'n sa dami kong naikakama dapat ko ba silang pakasalan lahat?" pilosopong sabi ni Edrick.
"Huwag kang pilosopo, Edrick."
"Hindi ko mahal si Nene. Kahit kailan hinding-hindi ko siya mamahalin. Bakit magpapakasal ako sa kaniya? Nahihibang na ako kung pakakasalan ko siya! Hinding -hindi bro! Dahil kahit kailan hindi ko nakikita ang sarili kong kasama siya sa pagtanda. Hindi ko sisirain ang buhay ko para lang pakasalan siya!"
Muli ay sinuntok ni Elijah si Edrick. "Magpakalalaki ka Edrick kung ayaw mong palayasin kita at sa kangkungan ka pupulutin!"
"W-what?"
"Ngayon, isang salita ang gusto kong marinig mula sa 'yo? Pakakasalan mo si Nene o mawawala sa 'yo lahat ng tinatamasa mo ngayong luho?" pananakot ni Elijah sa kapatid. "Tingnan ko lang kung may maibibigay ka pa sa mga babae mo. Baka lahat sila ay iiwasan ka na." dagdag pa ni Elijah.
Tila natakot naman si Edrick at natahimik. Yumuko si Edrick na parang nag-iisip.
"I want your answer right now, Edrick Feister! Huwag mo sayangin ang last name na ginagamit mo kung aalisan lang kita sa lahat ng tinatamasa mo ngayon."
"Para lang kay Nene aalisan mo 'ko sa lahat? Ganun ba ka-importante si Nene sa 'yo?"
"Yes, mas importante pa sa 'yo na kapatid ko. Bata pa lang si Nene nasa mansion na siya at mabait na bata si Nene kaya nga sinabi ko sa 'yong huwag mo siyang pakikialaman. Pero anong ginawa mo? Isinama mo siya sa mga babae mo. And now, face the consequences of what you have done!" mariin na sabi ni Elijah sa kapatid. Natahimik si Edrick at nag-isip.
"Lasing lang kami pareho pero wala ng nangyari pa sa amin pagkatapos no'n" paliwanag pa ni Edrick pero tila ayaw siyang pakinggan ng nakatatandang kapatid.
"I want you to marry her. That's all I wanted, Edrick. Kung hindi mo 'yan magawa. Mag-umpisa ka ng magbalot ng mga gamit mo dahil tatanggalan kita sa lahat." Tinapos ni Elijah ang kanilang usapan na hindi na makakatanggi pa si Edrick.
Pabagsak na umupo si Edrick sa sahig. Sumandal sa pader tsaka tumingala. "Damn it!" nasuntok niya ang wall na sinasandalan niya.
Nakita niya si Nene na papalapit sa kaniya. "Sir Edrick! A-anong ginagawa niyo diyan? Lasing po ba kayo?" Inaalalayan siyang tumayo ni Nene. Winakli niya kaagad ang kamay nito tsaka sinamaan ito ng tingin.
"Umalis ka sa harapan ko!"
"A-ano? B-bakit ako aalis sa harapan niyo Sir Edrick? Wala yata kayo sa mood ngayon. Tutulungan ko na lang kayong tumayo mamaya. Dito na lang muna ako sa likuran niyo." akmang aalis na sa kaniyang harapan si Nene at tatabi na sa kaniya nang magsalita ulit siya.
"Umalis ka na Nene. Tapos na ang pagiging maid mo sa 'kin. Umuwi ka na sa probinsya niyo! I don't need you anymore."
Napanganga si Nene sa narinig. Hindi makapaniwala dahil pinapaalis na siya ng lalaking gusto niya. Hindi niya alam kung ano ang dahilan bakit bigla na lang siyang pinapalayas nito.
"Ahm...sir...kailangan ko ba talagang umalis? Ngayon na po ba o bukas?"
Mas lalong sumama ang tingin ni Edrick kay Nene. "Hindi ko alam Nene! Kung kailan mo gustong umalis! Pwede ba tigilan mo 'yang mga jokes mo! Hindi na nakakatuwa!" pagsigaw ni Edrick kay Nene.
Ano bang nangyari? Bakit ba galit na galit siya sa akin? Pagkatapos palalayasin niya ako na walang dahilan.
"Sir, Edrick hindi ko lang kasi maintindihan kung bakit niyo ako pinapalayas?"
"Hindi mo pa ba na-gets? Ayaw na kitang makita! Ni ayaw nga kitang lumapit sa akin ngayon kaya lumayas ka na!" muli ay sigaw ni Edrick kay Nene.
Nalungkot ang mukha ni Nene. "Pero Sir...paano yung advance ko. Hindi pa ako bayad sa inyo. P-paano yung panty ko? Hindi mo ba ibabalik sa akin yun? Hindi ba't nilabhan niyo yun?"
Mas lalong sumama ang tingin ni Edrick kay Nene. Si Nene naman ay nanatiling nakatingin kay Edrick. Walang takot sa mukha nito kahit sinisigawan na siya ng lalaki.
"What the fvck Nene! Aanhin ko yung panty mo na amoy suka? Naisip mo pa talaga na nilabhan ko yun? Siyempre tinapon ko na."