Russel
Iminulat ko ang aking mga mata, kinusot -kusot ko pa. Ang sarap ng panaginip ko, may nangyari sa aming dalawa ni Sir Edrick. Abot tenga ang ngiti ko pagkagising dahil sa wild kong panaginip. Ang sarap! I-ibig kong sabihin. . . kahit sa panaginip masarap pa rin si Sir Edrick. Ang abs niya na hinawak-hawakan ko kagabi. . . ang labi niyang humahalik sa buo kong katawan at ang haplos ng mga kamay niya sa aking katawan. Parang gusto kong ulit-ulitin sa panaginip ko.
Napangiwi na lang ako dahil sa sakit na naramdaman ko sa pagitan ng aking mga hita. T-teka. . .ang sakit? Bakit masakit? Napako ang paningin ko sa kinahihigaan kong couch. May dugo?
Napabalikwas ako ng bangon. Napanganga ako sa parehong oras nanlaki rin ang mga mata ko dahil ngayon ko lang na-realize na nasa sala ako at nakahiga sa couch, tanging kumot ang nakatakip sa aking katawan. Nanlaki ang mga mata ko sabay sigaw ng malakas. Halos mapuno ng sigaw ko ang buong loob ng condo ni Sir Edrick.
"Hindi! Hindi 'to totoo? Talaga ba? Talaga bang wala na ang virginity ko? Hindi! Ayos lang mag-imaginations ako pero totoo na 'to! Hindi na ito nagbibiro! Totoong totoo na may nangyari sa aming dalawa!" malakas na sigaw ko sabay sabunot sa buhok ko. Para na akong loka-loka. Pilit iniisip kung totoo nga ba ang nangyari kagabi o panaginip ko lang? Nagustuhan ko ang panaginip ko. Oo, pero hindi ko akalaing totoo ba talaga iyon?
Sumigaw akong muli. "Aray!" hinawakan ko ang gitna at pagitan ng aking mga hita. Ang sakit sobra at pakiramdam ko may nakasalpak pa sa loob ko. Gano'n ba kalaki ang pumasok sa akin kagabi at para akong lalagnatin sa sakit. Sayang naman hindi ko nakita.
Napasigaw akong muli. Dito na nga dumating ay hindi, lumapit pala. Lumapit sa akin si Sir Edrick may dalang mug. Walang damit at tanging shorts lang ang suot nito. "Diyos ko naman! Kutang-kuta na yata ang mga mata ko sa magandang tanawin na ito." hindi ko rin naman napigilan at bumaba ang paningin ko sa mabalahibong dibdib at sa bandang puson nito. Napaawang ang labi ko. Tinakpan ko ang mga mata ko kalaunan. Kakahiya lang kasi halos lumuwa na dahil sa mga nakikita ko.
"Don't cover your eyes Nene. May nangyari sa ating dalawa kagabi. I didn't mean it. I thought that... you are Marites. Ikaw yung hindi lasing sa ating dalawa hindi ba dapat tinulak mo 'ko at pinigilan sa ginagawa ko sa 'yo?" ako pa ang sinisisi niya. Pareho kaya kaming lasing kagabi sa pagkakaalam ko.
"Pareho tayong lasing Sir Edrick." nanghihina na sabi ko sa kaniya. "P-paano na ngayon 'yan? Yung iniingat-ingatan kong virginity ko, nawala na. Paano na? Wala na akong maibibigay sa lalaking pakakasalan ko sa araw ng kasal namin." nakabusangot na sabi ko sa kaniya habang nakatingin sa sahig. Sumasayad na yata ang anguso ko sa sahig.
Narinig kong tumikhim siya. "Meron pa kayang magkamaling magpakasal sa 'yo, Nene?" sagot naman ni Sir Edrick. Napatingin ako sa kaniya. Parang sinasabi niyang wala ng magkakamaling magkakagusto sa akin.
Maganda naman ako at isa pa. . .sexy at may panlaban...ang pwet kong malaki hindi pa ba sapat yun?
Umupo sa tabi ko si Sir Edrick. "Nene. . ." Hinawakan niya ang kamay ko.
Oh! Lord! Huwag niya sabihing mag-po-propose na siya sa akin dahil nakuha niya na ang virginity ko at may nangyari na sa amin kaya pakakasalan niya na ako.
"Nene. . ."muli ay tawag niya sa pangalan ko. Binitawan niya muna ang mug sa katabing table tsaka dalawang kamay niya na ngayon ang pumipisil sa kamay ko.
Hindi niya alam kung gaano ako kasaya dahil sa mga pinapakita niya sa akin ngayon. Kung star nga lang siguro ang mga mata ko, kanina pa siguro ito kumukutitap dahil sa ginagawa niya sa akin ngayon. Ikaw ba naman hahawakan sa kamay ng crush mo? Hindi ka kaya mangisay?
Na-realize ko rin na hubo't hubad pa rin ako at tanging kumot lang ang nakatakip sa aking katawan. Napansin ko ang pagtitig niya sa aking dibdib. Parang gusto kong ulitin ang nangyari kagabi para ma-memorize ko lahat ngayong hindi ako lasing. Sa kalokohan ng mga nasa isip ko ay napangiti ako. Ngiting aso habang ang mga mata ko ay kumukutitap.
"Nene. . ." nakailang tawag na ba siya sa pangalan ko?
"Yes, Sir Edrick." masayang-masaya na sagot ko tsaka excited na marinig ang sasabihin niya sa akin. baka sakaling alukin niya na ako ng kasal dahil sa nangyari sa amin. I'm so excited! Sige lang, Sir Edrick. Sabihin mo na ang gusto mong sasabihin dahil hindi ako tatanggi.
"Nene...whatever happened to us last night, don't tell anyone. Especially Kuya Elijah and Ate Lailani. Dahil. . .alam mo na. . . magagalit sigurado sila sa akin." laglag ang panga ko sa sinabi niya.
Akala ko mag-propose na siya sa akin. Yun lang pala ang gusto niyang sabihin sa akin. ang huwag kong ipagsasabi na may nangyari sa amin dalawa.
Mas lalo niyang pinisil ang kamay ko. "You know me, Nene. Hindi ako nagseseryoso sa mga babae at hindi ako nakikipag-relasyon. . .at ang nangyari sa atin kagabi ay wala lang sa akin. Kahit pa ako ang nauna sa 'yo, Nene. That's no reason for you to think you're different from the women I've slept with." tinitigan ko sa mga mata si Sir Edrick habang sinasabi niya sa akin ang mga katagang yun.
Ang sakit eh! Bakit ang sakit? Masakit na nga ang p********e ko sinabayan pa ng puso ko.
Gustong tumulo ng mga luha ko. Pero magaling akong magtago ng emosyon. Magaling akong magpatawa, oo, at magaling din akong magtago ng emosyon ko. Ngumiti ako, ngiting hindi niya mapapansin na nasasaktan ako.
"O-oo, naman Sir Edrick. Walang makakaalam ng nangyari sa atin kagabi. P-promise!" pangako ko pero sa loob -loob ko, gusto kong isigaw sa buong mundo na may nangyari sa aming dalawa.
"Mabuti naman at nagkakaintindihan tayo, Nene." sabi pa niya.
Sinubukan kong tumayo pero kaagad rin naman akong napaupo dail sa sakit na naramdaman ko sa pagitan ng aking mga hita. Parang may sugat kaya humahapdi.
"A-aray! Nawasak mo yata ako, Sir Edrick." nakangiwing sabi ko at umupo na muli sa couch.
"Fvck! Hindi mo ba kayang tumayo?" tanong pa niya. Gusto kong isipin na nag-aalala siya sa akin dahil halata sa expresyon sa kaniyang mukha. Tumango ako.
"O-okay! Ahm..." nagpaikot-ikot ito sa aking harapan habang kumakamot sa kaniyang ulo. "Anong gagawin ko? Ahm. . .kailangan ko bang tawagan ang doctor ng family namin? Pero malalaman ni Kuya Eli kung anong nangyari sa 'yo. Ahm. . . wait Nene...kailangan kong mag-isip kung anong magandang gawin para diyan." naguguluhang sabi niya.
"Paano mga gawain ko Sir Edrick kung hindi ako makalakad. Hindi rin ako makatayo." sabi ko sa kaniya.
"Don't worry about that. Ako na muna ang gagawa ng mga gawain dito. Hindi na muna ako lalabas."
May lihim na ngiti na kumawala sa aking labi. Aalagaan ba niya ako ngayon? Dahil kung aalagaan niya ako, ako na ang pinakamasayang babae sa mundo dahil aalagaan ako ng lalaking mahal ko.
Hindi ko na rin pinilit na tumayo at mas lalo pa akong nag-drama na hindi ako makatayo kahit ang totoo, makakatayo naman ako at makakalakad pero hindi talaga makakagalaw ng maayos. Kaya ko naman kung pipilitin eh! Pero sinabayan ko lang ng arte para alagaan niya ako.
"Sir Edrick, pwede bang pakikuha ng mga damit ko sa sahig?" utos ko sa kaniya. Tumingin siya sa akin saglit tsaka huminga ng malalim. Pinulot niya rin ang mga nakakalat kong saplot sa sahig. Una niyang binigay ang damit ko, sunod ang shorts ko at pinakahuli, yung panty ko. Naasiwa ako dahil inamoy niya ang panty ko.
"Nene, yung totoo? Ilang araw kang hindi nagpalit ng undies?" biglang tanong niya habang nakataas ang panty ko at inaamoy pa rin niya hanggang ngayon.
Dalawang araw pa lang naman. Hindi pa ako nagkapagpalit kasi nga nandito ako sa couch nakatulog at may nangyari nga sa aming dalawa. Paano ako makakapagpalit ng panty?
"D-dalawang araw pa lang naman Sir Edrick. Kahapon hindi ako nakapagpalit kasi--"
"Dalawang araw?" putol niya sa sinasabi ko. Halos hindi siya makapaniwalang dalawang araw pa lang akong hindi nakapagpalit ng panty. Dalawang araw pa lang naman, yung iba nga diyan isang linggo.
"Dalawang araw kang hindi nagpalit ng panty? What the heck! Nene." biglang humimas sa sariling noo si Sir Edrick.
Anong masama sa dalawang araw? Bakit parang stress na stress siya sa hindi ko pagpalit ng panty.
"Hindi ba dapat three times a day dapat nagpapalit ng mga panty ang mga babae? Kaya pala amoy suka na 'yan." sabay hagis niya sa akin ng panty ko. Inamoy ko naman. Amoy tuba na nga. Hindi lang tuba, suka pa, hindi ko lang alam kung datu puti o silver swan brand. Pwede ng pigaan.
Kailangan ko namang magpaliwanag sa kaniya. "Alam niyo Sir Edrick sa probinsya ang mga babae hindi uso ang magpalit ng panty three times a day. One times a day lang Sir Edrick ay ayos na. Yun yung panlaban namin sa mga lalaking may gustong magtangkang gumawa ng masama sa aming mga babae." sagot ko sa kaniya. Pagsisinungaling ko.
Hindi ko na alam kung ano ang naging reaksyon niya sa sinabi ko sa kaniya dahil iniwan niya na ako at pumasok sa kwarto niya.
Nagbibihis ako nang bumalik siya sa sala at may inihagis sa akin bigla. Mabuti na lang nasalo ko. "Isuot mo!" sabi niya.
Tsaka ko tiningnan kung ano ang bagay na yun. Brief? Brief niya? Nanlaki na naman ang mga mata ko sabay tingin sa kaniya
"A-anong gagawin ko sa brief mo?"
"Kainin mo." sagot niya tsaka napahilot sa kaniyang noo. "Isuot mo. Don't tell me sinuot mo pa yung dalawang araw mong walang palit-palit na undies?" nagkatinginan kaming dalawa. Hindi ako nakaimik dahil totoo ang sinabi niya. Sinuot ko pa yung undies ko na hinubad. Pangatlong araw na ngayon.
"Nene! Palitan mo na 'yan." utos niya sa akin.
"Kung makautos kang palitan ang panty ko akala mo hindi mo nilantakan kagabi ang tahong ko." asar ko sa kaniya. Tumingin ulit siya sa akin. Mula ulo hanggang sa aking paa.
"Ayan ka na naman sa tahong mo. Lasing lang ako kagabi at naakit ako. Sino ba naman ang hindi magtangkang angkinin ka kung nakahubo't hubad kang nakahiga diyan sa upuan na 'yan." sagot naman niya. So, naakit siya kagabi at naaalala niya rin ang nangyari sa amin katulad ko. Bawat detalye ay halos alam ko at hanggang ngayon parang hinahaplos niya pa rin ang katawan ko.
"Magbihis ka na." Umalis siya sa aking harapan at tumalikod kaya kumilos ako kaagad, hinubad ko ang panty ko at nagpalit ng brief niya. Parang kinikiliti ang pakiramdam ko dahil suot ko ang undies niya.
Nang sulyapan ko siya, may kausap na siya sa phone. Pagkatapos niyang makipag-usap, bumalik siya sa pwesto ko.
"Nene, kapag may nag-doorbell--" hindi niya naituloy ang gusto niyang sabihin. "Hindi ka nga pala makalakad. Kapag may nag-doorbell hintayin mo na lang na ako ang magbukas. Huwag ka ng magtangkang kumilos. Maliligo lang ako sandali." paalam niya at umalis na sa aking harapan.
Ilang minuto lang ay may nag-doorbell. Hindi pa tapos si Sir Edrick sa paliligo. Ako naman ay walang kakayahang puntahan ang pinto dahil masakit ang pagitan ng mga hita ko pati na buo kong katawan parang binugbog.
Ilang beses nag-doorbell at nagmamadaling lumabas mula sa kwarto si Sir Edrick. Basa pa ang buhok nito, mukhang katatapos lang maligo. Naka-towel lang kaya ako naman ay napalunok. Dumiretso siya sa pinto para pagbuksan ang nag-doorbell. Sino kaya ang bisita niya? Hindi kaya babae niya?
Pagbalik niya sa pwesto ko. May dala-dala na at hawak na siyang wheelchair. Bumilog ang bibig ko sabay napa "Wow!" masayang sambit ko. Alam kong para sa 'kin 'yon. Ina-assemble pa lang niya.
"Dito ka muna sa wheelchair. Kailangan kong labhan 'yung cover ng couch. May dugo at ayaw ko sa mga dugo. Pero kahit ayaw ko pipilitin kong maglaba dahil ayaw kong magpalaba sa iba." sabi niya. Nakangiti lang ako habang sinasabi niya yun. Parang alagang-alaga niya ako sa araw na ito.
"Sir Edrick, bakla ka ba?" tanong ko.
"What? Ano bang tanong 'yan Nene? Hugot ba 'yan? Dahil kung hindi baka gusto mong angkinin ulit kita diyan ngayon sa kinaroroonan mo para tuluyan ka ng hindi makalakad." sabi niya. Gusto ko naman ang idea niyang 'yon.
"Bakit ba ngiting-ngiti ka diyan?" tanong naman niya sa akin. Habang inaayos ang wheelchair. Nang maayos ay lumapit siya sa akin tsaka naman niya ako binuhat na parang bagong kasal.
Dinala niya ako sa wheelchair at doon pinaupo. Para akong pinasakan ng malaking bato sa p********e ko. "Are you feeling well? Makakakilos ka na gamit ang wheelchair." sabi niya. Iniwan niya ako at tinanggal ang cover ng couch.
Maglalaba siya?
"Diyan ka lang. Lalabhan ko lang 'to sandali." paalam niya. Nang makaalis sa aking harapan. May nag-doorbell na naman. Baka another delivery na naman? Ano na naman kaya ang in-order niya?
Bigla akong na-excite na puntahan ang pinto para pagbuksan ito. Nang mapagbuksan ay napanganga ako dahil hindi delivery boy ang nasilayan ko. Kun 'di si senyorito Elijah at si Ma'am Lailani. Bigla akong kinabahan kaya bigla kong sinarado ang pinto. Pinagsarhan ko sila senyorito ng pinto. Parang nanginig bigla ang kamay ko. Ilang minuto bago ko sila naisipan pagbuksan muli.
Muli ay binuksan ko ang pinto. Masamang nakatingin sa akin si senyorito Elijah. " Nene, bakit mo naman kami pinagsaraduhan ng pinto? T-teka, anong nangyari sa 'yo? Bakit ka naka-wheelchair?"
Hindi ko alam kung anong isasagot. Sasabihin ko bang nagjugjugan kami ng kapatid niya kaya ito ako ngayon hindi makalakad? Anong isasagot ko?
"Nene, sino yung nag-doorbell?" Napalingon ako sa kalalabas lang na si Sir Edrick. Nagpunas pa ito ng mga kamay bago tumingin sa kaniyang harapan. Nanlaki ang mga mata ni Sir Edrick nang makitang sila senyorito ang bisita.
"K-kuya?'' halos hindi makapaniwalang sambit nito.