Russel's POV NATAHIMIK na lang ako dahil sa mga sinabi ni Sir Edrick. Paano niya kaya patutulugin ng maaga si Kent kung mahusay naman sa bakbakan si Kent. Ano bang laban niya sa childhood friend ko? Habang abala ako sa pag-iisip. Nakangiti naman akong pinagmasdan ang pagligo ni Kent sa ilog. Kumakaway-kaway ito sa akin, pinapasunod ako sa kaniya na parang dati lang namin ginagawa. Sabay na naliligo at naghahabulan. "Are you enjoying watching his abs?" lumingon ako sa aking tabi. Muntik ko ng makalimutan na nasa tabi ko pala si Sir Edrick. Ngumiti naman ako. "Ang sarap kasing pagmasdan ng mga abs niya." sagot ko. Siyempre hindi ako marunong magsinungaling. Nagsasabi lang ako ng totoo. Wala naman akong narinig mula sa kaniya. Tahimik lang kaya nagpatuloy ako sa pagkwento. "Alam mo bang