"Shut up, Agape. I told you we're not in a relationship. I'm still single." Mariing sabi ni Sir Silvestre sa nangungulit na kapatid. Narito kaming tatlo sa loob ng office. Pilit naming pinaliliwanag kay Sir Agape na walang kami ni Sir Silvestre at kinailangan lamang iyon para maiiwas ako sa gulong kinasangkutan ko. "Palusot mo, Kuya. Tsss." sabi naman ni Agape at bumaling sa akin. Napasinghap naman ako at tipid na tumango sa kanya. "Agape, get your ass out!" Binato ni Sir Silvestre ang kanyang kapatid ngunit hindi ito pinansin ni Sir Agape at patuloy lang sa pagtitig sa akin. Medyo conscious naman ako sa klase ng paninitig niyang ginagawa. "Aha! Sabi ko na nga ba eh!" Pasigaw ang kanyang saad habang tinuturo ako. Nagtaas ako ng kilay sa kanya. Binato ulit siy