Nagising ako sa malakas na katok sa pintuan. Napabalikwas ako ng maalalang wala pa nga pala akong saplot sa katawan. Napatingin ako kay Sir Silvestre na mahimbing pa ring natutulog. Mukha siyang pagod sa trabaho pero kailangan niyang magising ngayon. "Sir," tinapik tapik ko pa siya sa pisngi. Unti-unting kumunot ang kanyang noo at itinapik ang comforter sa kanyang mukha. Napakamot naman ako ng noo sa ginawa niya, bumangon ako at nagbihis na ng damit. Sinuklay ko ang aking buhok gamit ang aking mga daliri. Inayos ko ang aking sarili at idinikit ang aking tenga sa pintuan. "Kuya? Yuhooo? Anybody here?" Sagot ng tao sa labas. Kuya? Kapatid niya iyon? Huminga ako ng malalim at tumingin kay Sir Silvestre pabalik sa pintuan. ‘Pag nalaman ito ni Daddy at ng kanyang tatay