Hindi na ako hinayaan na makapag-react ni Sir Silvestre at hinila na ako papalapit sa table nila "Sit." sabi niya sa akin at minuwestra ang katapat na couch na walang nakaupo. Nilingon ko ang kanyang nga kasamahan na tahimik na nakamasid sa aming dalawa. May isang lalaking singkit na may hikaw sa kanyang kaliwang tenga.Nginisian niya ako ng makitang nakatingin ako sa kanya. Kumindat naman yung isa pa niyang kasama na mukhang womanizer. "Where's the manners, Sil?" nakangising tanong nung singkit sa kanya. Nilingon siya ni Sir Silvestre na umiinom ng beer. "What are you talking about, Allison?" Humalakhak yung isa pa niyang katabi na may kasamang babae. "Introductions, duh!" Binaba niya ang hawak na alak at tinuro ang singkit na kasama niya. "Allis