Nagstay kami sa isang resort sa Calatagan, Batangas. Umakyat na kami sa kwartong may dalawang kama. Pinilit ni Silvestre na isang master bed na lang raw ngunit hindi ako pumayag. Sinabi ko na, hindi na ako papayag na may mangyari sa amin. At seryoso ako doon. Malamig ang pakikitungo niya noong papaakyat rito. "Kain tayo sa baba." Tipid na sabi niya at naunang lumabas sa kwarto. Nagbihis muna ako ng bikini sa ilalim ng dress ko para sakaling gusto kong magbabad sa dagat. "Tara na." Nadatnan kong nakasandal siya sa labas ng kwarto. Nakalagay ang kanyang mga kamay sa kanyang walking shorts. Tumango ako. Naglakad kaming dalawa na tahimik. Habang nakapila kami ay naghanap ako ng table. Punuan iyon. Nilingon ko iyong mga babaeng nagtitilian habang nakatingin kay Si