Nagising ako na malinis ang unit. Wala na rin si Von doon. Nag-brew ako ng kape at nadatnan ang lutong ulam at sinangag sa table. May note pa itong kasama. Sorry, I cooked your food. May gulo kasi sa office so I needed to go early. I didn't bother you because your sleeping so deep. Thanks for letting me stay. -Von Napatulala ako sa hawak kong note. Kinuha ko ang tuwalya sa aking kwarto at naligo na. Dumaloy ang malamig na tubig sa aking balat. Nagising pa lalo ang inaantok kong diwa. Mainam kong sinabon ang aking katawan dahil nagising akong malagkit ang pakiramdam. Matapos noon ay nagtoothbrush ako. Bago ako makapaglagay ng toothpaste ay aksidente kong natitigan ang aking labi. Bumilis pa lalo ang kabog ng aking puso lalo na ng maalala iyong nangyari kagabi. P