Pumunta kaming dalawa doon sa seashore. Di na ako nakipagsagutan at tahimik na nagbihis ng isang floral dress. "Let's go." Malamig pa rin ang pakikitungo sa akin ni Silvestre. Nang dumating kami doon ay tumambad ang maraming tao. Mukhang maraming inimbita ang higad na iyon. Maingay ang music na nagmumula sa dalawang malaking speakers. Maya-maya pa ay napalingon sa amin ang barkadahan ni Gert. Ngumiti agad ng pagkatamis tamis si Gert at naglakad papunta sa amin. "Hi. I'm glad dumating ka!" sabi niya kay Silvestre. Halos mapairap ako pero kailangan kong magmaldita in a way na di ako mapapasama. Ngumiti rin ako. "I'm glad too na pumunta kami dito." Napalingon siya sa akin at nakita ko ang pilit niyang ngisi. "Hi, Gert. Pasensya ka na ha? Mainit lang talaga