Chapter One
“Jacob!” umalingawngaw sa buong silid ang boses ko. Sunod sunod kasi ang pagsundot ng daliri ni Jacob sa tagiliran ko kaya sunod-sunod din ang tili ko.
Pinanganak kami ni Jacob sa iisang taon kaya magkaedad lang kami at matanda lang ito sa akin ng tatlong buwan. We grew up together since our diaper days because our family were close at madalas may get-together ang mga pamilya namin.
“Ano ba! Aray! Hahaha!” halos hindi na ako makahinga sa sobrang pagkiliti nito sa akin. At ang walangya, hindi talaga ako tinatantanan.
“Makulit ka kasi e!” si Jacob na mas pinuntirya pa ang tickle spots ko. Exaggerated na talaga ang tawa ko dahil sa ginagawa nito.
“Jacob, tigilan mo nga sa kakakiliti iyang si Lira.” Saway ng ina ni Jacob na si Tita Madel, bestfriend ng mama ko. “Ang payat payat na ng batang iyan, kikilitiin mo pa. Baka lalo nang pumayat iyan.”
Mukhang may kinuha sina Tita Madel sa kwarto nila mama kaya nagawi sa ikalawang palapag kung nasaan ang mga kwarto.
Tumigil nga si Jacob sa pagkiliti sa akin at nanlalambot akong humiga sa kama habang habol ang hininga.
“Payat na nga siya ‘Ma, kaya wala na siyang ipapayat pa.” pang-iinsulto pa ni Jacob at sinamahan pa nito ng tawa.
Lumipad tuloy ang paa ko at tinamaan ito sa binti.
“Aray! Tamo, Ma!” wika nito habang nakangibit at hawak ang nabitligang binti.
“Hay nako. Lumabas na kayo at kumain.” wika lang ng ina nito.
Tumawa ako ng malakas nang makalayo na si Tita Madel.
“Hindi ka love, Jacob, oh.” Pang iinsulto ko at mas tumawa pa ng malakas.
Tumingin ito sa akin ng masama at ngumisi. Iniangat nito ang mga kamay na tila monster sa isang movie. Nananakot na kikilitiin akong muli.
“Hindi pala love ha..” sabi nito. He was smiling wide at agad nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize ang plano nito.
“Aray! Ayoko na! Hahahaha!” kiniliti na naman kasi ako ng loko. Namilipit na naman ako sa kama habang walang awa nitong kinikiliti ang tagiliran at batok ko.
Oh my! Mauutas na ata ako! Baka samaan na ako ng lasa sa pangingiliti nito!
“Jacob.”
Napatigil kami pareho nang may malalim na boses na tumawag kay Jacob. Agad na napalingon ako pero kilala ko na kung sino iyon.
Hinanap ko ang boses at nakita ko siya.
Si Viggo Dela Vega. Ang nakakatandang kapatid ni Jacob.
“Kuya.” Agad na nawala ang ngiti sa labi ng kalaro at tumayo palapit sa kapatid nito.
Hindi naman sa takot si Jacob sa kapatid niya pero malaki ang respeto nito dito. Their family discipline them to respect the elders like its a must. Bukod doon, sadya namang nakaka-intimidate ang kapatid nito.
Napakaseryoso. Napakamisteryoso. Hindi ko mabasa ang kung anong nasa isipan nito. Lagi itong seryoso at bibihira ko lang makita kung ngumiti. Kapag ngumingiti pa ay tila nagdaramot pa. Though I can tell that he mastered looking handsome as he smirk.
“Bumaba ka na. Kanina pa kayo hinahanap sa ibaba.” Ang malalim na boses nito ay tila nag-echo pa sa pandinig ko.
Nagtaasan ang balahibo ko sa boses ni Viggo. Kakaibang ritmo ito sa aking pandinig. Tila ba walang ka-emosyon emosyon ito pero ang sarap sarap sa tainga.
Agad na tumalima si Jacob at nilampasan ang kapatid na nakaharang sa may pinto.
Nang nasa likod na ito ng kuya nito ay sumenyas pa ito sa akin na tumayo na rin at sumunod sa kanya pababa bago tuluyang umalis.
Nanatili akong nasa kama at nang makaalis na si Jacob ay inilipat ko ang tingin kay Viggo.
Malalim ang mga mata nito na nakatingin sa akin. Kanina pa ba siya nakatingin sa akin? Hindi ko mawari kung galit ba ito o ano dahil walang mababasang emosyon mula sa mga mata nito. Parang… galit nga.
Tumikhim ako at nag-iwas ng tingin bago tumayo sa kama.
“Selira.” Tawag nito sa akin.
Napapikit ako ng madiin dahil sa boses nito. Parang gusto kong tumayo dahil lang sa pagtawag nito sa aking pangalan. Siya lang ang tumatawag sakin sa buo kong pangalan na tila ayaw maging ka-close ko. Maybe that’s one of the reasons why I’m not too close with him.
Dahan-dahan akong tumingin kay Viggo at kunwari ay hindi natatakot dito.
Bakit ba ako matatakot? Hindi naman siguro ako takot, maaaring naiilang lang.
“B-Bakit?”
I cursed silently and shut my eyes closed when my voice stuttered. Damn it. So much for keeping a straight face, Lira! Pipiyok din naman pala ang boses ko.
I saw him smirk and I immediately got insulted. Did he enjoy seeing that I got intimidated by him? Damn.
“Avoid being with Jacob in a room alone. You’re no longer a child and so is he.”
Napakunot ang noo ko at napasimangot sa sinabi niya. I’m only fourteen years of age and yet this old man is creating a sort of malice between me and his brother? What the hell?
“I’ve been friends with your brother since my diaper days and I can’t see anything wrong with me being with him anywhere, alone or not. Thank you.”
Inismiran ko pa ito bago nag-walk out palabas ng kwarto. The next words he uttered made me stop walking away.
“I still don’t like it.”
Kahit naguguluhan, hindi ko na lang inintindi ang sinabi nito at tuluyang naglakad na palayo. Lagi siyang ganito sa akin! Laging may pangarap, may reklamo, may hindi gusto! Para itong pangalawang tatay ko kung makaasta kaya inis na inis akong makaharap ito!
Nilampasan ko na lang siya at hindi na lang sumagot. Mabibigat ang paa kong tinahak ang hagdan pababa at ramdam ko ang mga titig niya habang nakasunod sa likod ko.
Hmp! Pakialam ko kung ayaw mo!
Nakaupo na ako at kumakain sa hapag kasama ang pamilya Dela Vega.
Ako si Selira Montenegro. Nag-iisang anak ako kaya pasalamat na din ako na same age lang kami ni Jacob. Kaibigan ng parents ko si Mr. Brandon Dela Vega at ang asawa nitong si Mrs. Madel Dela Vega. Maximum of thrice a month nagkakaroon ng bonding ang families namin. Gaya nito, nagdi-dinner dito sa bahay p kaya naman sa bahay nila.
Minsan naman nag-a-out of town kami ng sama-sama. O dine out. Basta, ganoon yung friendship ng parents namin kaya parang lumaki na din akong may kapatid dahil kay Jacob. Kay Jacob lang. Siya lang tinuturing kong kapatid-kapatidan dito dahil mala-tatay lagi yung si Viggo.
May dalawang anak na lalaki and mga Dela Vega. Iyon ay sina Viggo at Jacob. Kaedad ko si Jacob, 14 years old kami pareho. At mas matanda naman si Viggo ng anim taon. 20 years old na ito.
Nagtatawanan ang mga magulang namin habang busy ako sa pagkain. Gutom na gutom ako dahil sa pagkakatili at pagsisigaw kanina, grabe.Nagkekwentuhan ang mga ito tungkol sa nakaraan nila. Iyon talaga ang paboritong pag-usapan ng mga magulang namin kapag may bonding ang pamilya.
College best friends kasi ang mama ko at si tita Madel. Fraternity buddies naman si Dad at si Tito Brandon. All these years, hindi naputol ang communication nila at kahit nagkaanak na ay ganoon pa din sila sa isa’t-isa.
Hays, I want this kind of friendship. Kaso wala naman akong ibang kaibigan kahit sa school. Si Jacob lang talaga maiituring kong kaibigan, e.
Enjoy makinig sa mga kwento nila dahil bukod sa malakas maka-throwback ay puro kalokohan ang mga ito noong kabataan na hindi mahahalata dahil mga seryoso sila sa buhay negosyante nila ngayon. Parang ang sarap tuloy magmature na may mga kalokohan sa buhay habang bata pa.
“Ey, Lira. Laro tayo mamaya.” Bulong ni Jacob sakin na sunod sunod kong tinanguan.
“Sige. Tagu-taguan?” suhestyon ko agad.
“Jacob. Lira. Hindi na dapat kayo naglalaro ng tagu-taguan. Malalaki na kayo.” Sabi sa amin ng mommy ni Jacob. Sumimangot si Jacob at bumuntong-hininga na lang ako.
Ang hirap naman tumanda. Ang daming pinagbabawal.
“Hay nako, Mare. Itong si Selira, hindi ko man lang nakitang mag-ayos. Ang mga kaedad niya, nagpapaligaw na samantalang itong dalaga ko, naglalaro pa.”
“Mommy!” Aba’t, nilalaglag pa ata ako ng sarili kong ina.
“What? It is true.” Ngumiti pa sakin si Mommy ng nakakaloko. Halatang iniinis ako. Sumimangot tuloy ako at ngumuso na lang habang nilalaro ang pagkain.
“My boy Jacob here is courting someone from his class.” Ani naman ni tito Brandon sabay inom ng brandy, tila proud na proud.
Biglaang napalingon ako kay Jacob habang nanlalaki ang mata. Ha? Bakit hindi ko yun alam? Naningkit ang mata ko na tumingin sa kanya pero iniwasan talaga niya na mapatingin sa akin. Namula ito agad nang mapalingon ako at mabilis na tumingin sa kanyang Daddy.
“Dad! Privacy?” inis na umirap ito sabay subo ng pagkain.
Napuno ng halakhakan ang mga magulang namin dahil sa naging reaksyon ni Jacob. Ako naman ay masama ang tingin sa kababata na parang kamatis na sa pula.
Lintek na to, hindi man lang nagse-share sakin! We’re like best buddies! I can’t believe he didn’t share this to me!
“It’s normal for Jacob to court in his age.” Biglang sabi ni Viggo na nagpalingon sa aming lahat. Nahuli ko itong nakatingin sa akin bago ito sumulyap kay Daddy. “Tito Albert is lucky that no one is courting Selira yet.” He smirked evilly after his last words.
Or am I the only one who finds him evil? The elders laughed while I struck Viggo a deadly stare. What’s so funny?
“Oh, I wonder how Alberto would react once someone knocks on his door with flowers in their hands.” Natatawang sabi ni tito Brandon.
Napakunot ang noo ko, hindi makaintindi sa tinatakbo ng usapan. Bakit naman magkakaroon ng tao sa pinto namin na may hawak na bulaklak?
“You better display your guns out front, Alberto.” Ani tita Madel sabay tawa ng malakas.
Lumapit ako kay Jacob na nasa tabi ko at bumulong.
“What are they talking about?” tanong ko rito dahil hindi makuha ang nagiging takbo ng usapan. Para kasing ang saya-saya nila pero hindi ko alam ang dahilan.
“I guess they’re talking about you not being attractive enough to have suitors.” Bulong din nito sakin na agad kong sinimangutan.
“Daddy!” sabat ko sa usapan. “I will have many suitors! I promise I’ll be so beautiful when I grew up!” puno ng kumpyansang sigaw ko.
Hindi ko na inisip muna ang sinabi dahil sa pagkagustong maipagtanggol ang sarili kahit hindi ko naman talaga maintindihan kung anong mayroon.
Mas lalong lumakas ang halakhakan sa hapag kainan na mas kinakunot ng noo ko. Hindi ba at iyon ang pinoproblema nila?
Hinaplos ni Mommy ang ulo ko, medyo natatawa din ito.
“Baby, we’re just kidding. You don’t have to rush. Just enjoy your childhood.” Sabi nito at hinalikan ako sa noo.
Lumingon ako kay Daddy na napapailing habang nakangiti.
Napagawi ang mata ko kay Viggo na seryosong nakatingin sa akin habang nagtatagis ang panga. Parang galit na naman ito.
Problema na naman kaya nito? Bakit ba lagi itong mukhang galit sa akin?
I mouthed him a ‘What?’ before rolling my eyes. Napailing na lang si Viggo pero hindi ko na pinansin ito.