ANASTASIA: LUMIPAS ang mga araw na kay Dwight ko na nga ginugugol ang oras ko. Nagpatuloy kasi ako bilang PA nito pero nagdi-diaguise ako para hindi makilala. Kaya naman unti-unti na rin akong nasanay sa pagiging clingy, makulit at kapilyuhan nitong taglay. Araw-araw din siyang binibisita ni Adeline sa mga taping nito dahil hindi na umuuwi si Dwight ng condo nito. Doon na kasi nakatira si Adeline kaya naman madalas ay sa kotse o hotel kami matulog ni Dwight. Mabuti na lang at may pagka tanga-tanga si Adeline na inuuna ang kaartehan. Palagi kasing alibi ni Dwight na sa taping na siya natutulog sa sobrang busy nito. Kakampi din naman namin si Ms Tanya na siyang back-up namin palagi. Siya ang nagiging look out namin ni Dwight kapag gano'ng nasa dressing room niya kami at nagkakasarilihan.