ANASTASIA: KABADO ako habang nakasakay ng bridal car ko papuntang simbahan. Nauna na kasi sina Dwight doon kaya tanging ang kasabay ko ay ang driver at ilang batalyong bodyguard nila Dwight na nakasunod sa sinasakyan ko para mapanatili ang kaligtasan ko. Hindi ko mailarawan ang sayang nadarama. Nae-excite na ako at kinakabahan din na sa ilang minuto na lang ay magiging ganap na kaming mag-asawa ng mahal ko. Hindi ko maitago ang saya at kilig sa aking mga mata maging ang kusang pagsilay ng aking mga ngiti sa labi. Ayon sa tauhan ni Dwight na siyang naghatid kay Adeline sa sugar Daddy nito kanina ay wala na kaming magiging problema sa babaeng 'yon dahil hawak na siya ng lalake niya. Si Theo Alarcon na isang matandang may pinamumunuang sindikato. Nagbebenta ng mga baril, drugs at may mga