ANASTASIA: NANGINGITI akong pinagmamasdan si Dwight na nahihimbing. Ilang oras din kami sa ere at dama ko nga ang pangangalay pa rin ng katawan ko dala ng pagod. Mataas na ang sikat ng araw sa labas pero heto at nakahilata pa rin kaming mag-asawa na magkayakap habang nakatabing sa kahubaran namin ang puting kumot. Dalawang linggo lang kami dito. Pagkatapos ng bakasyon ay babalik na kami ng bansa at bubukod ng sariling tahanan. Napag-usapan namin dati ni Dwight na sa probinsya nila sa Sorsogon sana kami maninirahan. Pero sa huli ay nagbago din ang isip namin dahil nakiusap sina Mommy Janaeya na dumito na kami sa syudad para pamunuan ni Dwight ang negosyo nila dito. Ang Madrigal's Corporation. Ang Kuya Ethan kasi nito ang namamahala sa malawak at nangungunang vineyard nila sa Europe. Kay
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books