ANASTASIA: NANGUNOTNOO ako na maramdamang napakatahimik ng lugar na kinaroroonan ko. Ramdam kong nasa malambot na kama na ako nakahiga at nanunuot sa buto ko ang lamig ng ihip ng hangin. "Am I dreaming?" usal ko sa isipan na inaalala ang huling nangyari kahapon sa akin. Napabalikwas ako sa kama na napasapo sa noo ko na bahagyang kumirot ang ulo ko. Awang ang labi na naigala ko ang paningin sa kabuoan ng silid. "Ano bang nangyari?" usal ko na bumangon ng kama. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa isang rest house ako. Magara ang silid na kinaroroonan ko mula sa kagitan. Puro salamin naman ang dingding kaya tanaw mula dito sa loob ang dagat sa harapan at ang puting-puting buhangin. Awang ang labi kong napagala ng paningin na lumabas ng balcony at nakabukas naman ang pinto. Wala akong