Kabanata 2

1563 Words
"You're disrespecting me, Nicholas!" bulyaw nito sa kaniya. Tumango siya. "You're right, dad!" pag-amin niya. Parang umapoy ang mga mata nito ng mga sandaling iyon. Napakatalim ng tingin nito sa kaniya at parang sinusumpa na siya nito. Wala siyang pakialam kung isumpa siya ng kaniyang sariling ama— he doesn't like this life— he doesn't like this kind of life! Kung papipiliin siya, mas gusto na lang niyang maging mahirap kaysa ang ganito. Mayaman nga, hindi naman masaya. He's regretting it all, sana'y lumayas na siya noon pa man pero hindi niya magawa, ngayon, lalong hindi niya magawa dahil magiging tagapagmana siya nito. And he doesn't deserves his wealth, he deserves happiness in life. "Ayaw kong makita ang pagmumukha mo, Nicholas! I don't care if you are my son, I don't care if I am you dad, and I don't care if you are my blood and flesh, I could kill you, Nicholas! Remember this, huwag na huwag mong tatanggalin diyan sa makitid mong utak ang mga sinabi ko!" madiing anas nito saka tumalikod na. Napatiim siya saka bumaling sa salamin. Kita niya ang sariling repleksyon, may pasa sa gilid ng kaniyang labi. Dahil sa sobrang galit, walang pagdadalawang isip niyang sinuntok ang salamin dahilan para mabasag iyon. Sinuntok niya pa iyon nang sinuntok hanggang sa mahulog na sa lababo at sahig ang mga bubog. His fist is bleeding. Ipinagsawalang-bahala niya iyon at galit na lumabas ng banyo. "Señorito Nicholas, nagdurugo ang kamao mo. Gagamut—" "Shut up, Layla!" putol niya kay Layla na hindi man lang ito tinitingnan. Gusto niyang mawala ang galit na nararamdaman niya kaya pupuntahan niya si Elijah. Galit na galit siya sa dad niya at hindi niya isinaisip ang mga sinabi nito. Kung kaya nitong pumatay, bakit siya, hindi? No, it's not like that. He's not a killer pero kaya niyang pumatay ng tao! At kung bibigyan siya ng pagkakataon at kung puwede, papatayin niya ang gago niyang ama! He will kill that old man in difficult ways! "Anak, where are you going?" Saktong pagbukas niya ng pinto ng kotse, biglang narinig niya iyon. Hinarap niya iyon at nakita niya ang mommy niya. "Mom, please, hayaan niyo na muna ako. I want to be alone!" "Hahayaan kita, anak. Pero bago ka umalis, hayaan mo muna kitang gamutin. Dugong-dugo na iyang kamao mo at alam kong masakit iyan. Nagmamakaawa ako sa iyo, anak. Let me help you." Ngumiti siya. "Mom, it doesn't matter to me, okay? Masakit, oo pero kaya kong tiisin ito. Ang gusto ko lang ay umalis muna sa lugar na ito." "Babalik ka?" Tumango siya. "Opo, babalik ako pero hindi mamaya." Matapos magsalita, sumakay na siya sa kaniyang kotse at pinaandar na iyon. Hindi na niya nagawa pang tingnan ang kaniyang mommy dahil makikitaan niya ito ng kalungkutan sa mukha. Ganoon ang mommy niya sa tuwing magkagalit sila ng daddy niya. Palabas siya ngayon sa village na kinaroroonan niya nang may biglang nakasalubong siyang isang kotse. Mula sa loob noon, may nakita siyang isang babae na nagpupumiglas. Oo nga't gabi na pero iyong ilaw sa kalsada ay sobrang liwanag. Ibinalik niya ang kaniyang kotse at hinabol ang nakasalubong niyang kotse. Isa lang ang ibig-sabihin kung bakit nagpupumiglas ang babae, isa itong biktima. Binuksan niya ang kaniyang console vault at kinuha mula sa loob ang isang lisensyadong baril. Binuksan niya rin ang bintana. There's only one way para tumigil ang sasakyan at iyon ay dapat niyang barilin ang mga gulong nito. Pero mukhang nakatunog ang kotse dahil mas bumilis ang pagtakbo noon at kalaunan ay may sumilip na isang lalaki habang may hawak na baril. Nanlaki ang mga mata niya at kaagad na gumawa ng aksyon. Inilabas niya ang kaniyang braso at binaril ang lalaki. Nabaril niya ito sa braso at ang hawak nitong baril ay nahulog. Sinunod naman niyang barilin ang gulong nito na nagawa niya. Nagpagewang-gewang ang kotse hanggang sa bumangga iyon sa puno. Itinigil kaagad niya ang kaniyang sasakyan, lumabas, at istriktong tinungo ang nakabanggang sasakyan. Lumabas ang tatlong lalaki mula roon at kasama ang babaeng nagpupumiglas kanina. Iyong nabaril niya sa braso, sapo-sapo nito ngayon. "Give me the woman!" madiin niyang utos habang nakatutok ang baril niya sa mga ito. "Kuya, tulungan mo po ako! Nagmamakaawa po ako! Kinuha po nila ako nang mapag-alaman nilang virgin pa ako. Kuya, nagmamakaawa po ako. Gusto ko na pong umuwi!" umiiyak na sabi ng babae. "Give me the woman!" muli niyang saad. "Gago ka pala, no? At bakit namin ibibigay sa iyo ang babae, huh?" tanong ng lalaking may hawak sa kaliwang bahagi ng babae. "Nagmamatigas kayo?! Sige, magmatigasan tayo!" nakatiim niyang bulalas saka pinaputukan ang mga ito. Lumuhod ang mga ito kaya naman tumakbo siya patungo sa kaniyang kotse at sa likod noon nagtago. Makalipas pa ang ilang segundo, pinaulanan na siya ng mga ito ng bala. Madiin niyang hinawakan ang kaniyang baril at nang tumigil sa pagpapaulan sa kaniya, sumilip siya at pinindot ang gatilyo ng baril. Natamaan ang lalaki sa tiyan at natumba. Muli siyang nagtago nang muling magpaulan ang mga ito. "Kuya! Tulong po!" sigaw ng babae. Shit! Gusto niyang iligtas ang babaeng iyon kaya gagawin niya ang lahat. Umupo siya sa kalsada at palihim na binuksan ang pinto ng kaniyang kotse. Sa kaharap na pinto, basag na ang salamin. Kinapa niya ang console vault at binuksan iyon saka kinuha roon ang isang balisong. Itinago niya iyon sa kaniyang likod at marahas na nagpakawala ng hangin sa bibig saka tumayo. Nang makatayo, naglakad siya sa parteng walang harang. He raised his arms. "Suko na ako!" Itinapon niya ang baril at naglakad patungo sa mga ito. "Please, give me the woman! Hayaan niyo ako ang gumalaw sa kaniya!" aniya. Nagsisinungaling lang siya. Hindi niya gagalawin ang babae dahil alam niya sa sariling mali iyon. Mukhang naniwala nga ang dalawang lalaki na sumuko na talaga siya. Ibinaba ng mga ito ang baril na hawak at binitawan pa ang takot na takot na babae. "Hindi mo kailangang makipag-away dahil hinding-hindi namin ibibigay sa iyo ang babae. At may tao para gumalaw sa babaeng ito at hindi kami o ikaw!" sabi ng lalaking may hawak sa babae kanina. "Ganoon ba?" Tumango-tango siya at tinapik ang balikat nito saka umikot sa likuran nito. "Hindi ba kayo naaawa sa mga babaeng kinukuha niyo? Hindi ba kayo natatakot na baka makulong kayo?" Kinukuha niya ang atensyon ng dalawa dahil may naisip na siyang paraan. "Hindi kami natatakot dahil protektado kami." "I see. Hindi ako mali," nangingiti niyang sabi saka mabilis na kinuha ang balisong sa kaniyang likuran at walang ano-ano'y tinarak iyon sa leeg ng lalaking nasa harap niya. Sumirit ang dugo mula sa leeg nito. Binalingan niya ang babae. "Pumunta ka sa likod ko!" sigaw niya saka kinuha ang baril ng lalaking sinaksak niya. Ang isang lalaki naman ay mabilis na inangat ang kamay at pinagbabaril sila. Hindi sila natatamaan dahil ang lalaking nasa unahan nila ang natatamaan. Kalaunan ay tumigil ito kaya tumingin siya. Nanlaki na lang ang mga mata niya nang makitang tumatakbo na ito palayo— patungo sa kotse niya. Kaagad niyang tinulak ang lalaking hawak niya saka hinabol ang lalaki. Inangat niya ang kamay at pinindot ang gatilyo ng baril na hawak pero ganoon na lang ang pagkadismaya niya nang walang lumabas na bala. Galit niyang itinapon ang baril at hinabol ang lalaki pero napaandar nito kaagad ang kaniyang kotse. Nakalayo na ito kaagad. Pero may bigla siyang naisip, kinuha niya ang baril niyang may bala pa saka pinaulanan ang humaharurot na kotse. Tinatamaan niya ang likod ng kotse hanggang sa magliyab iyon at sumabog. Tumigil ang kotse at nakarinig pa siya ng sigaw. Malaki ang apoy, abot ang init sa kaniya. Umiling siya at nilapitan ang takot na takot na babae. Nakaupo ito sa lupa habang nakayuko. "Hey, are you okay?" Tumayo ito at mabilis na yumakap sa kaniya. "Salamat po, kuya! Iniligtas niyo po ako!" "It's fine! I helped you because you deserve it. Nga pala, saan ka nakatira at bakit ka nila kinuha? At ilang taon ka na?" Humiwalay ang babae at tumingin sa kaniya. "Sa Sta. Ana po ako nakatira. Sa bayan po nila ako kinuha. Tinanong po nila ako kung virgin pa po ako. Um-oo naman po ako kasi iyon po ang totoo. Tapos tinanong pa nila kung ano ang edad ko. Nang sumagot po ako ng 25, bigla po nila akong kinuha at isinakay sa kotse. Bago lang po ako dito, kuya kaya hindi ko po alam ang nangyayari. Salamat po ulit sa pagligtas niyo sa akin." "Are you sure na 25 ka na?" "Hindi po, kuya. 20 pa lang po ak—" "Wha—" "Nicholas, halika na!" Natigilan na lang siya nang may magsalita. Nang balingan niya iyon, nakita niya si Elijah. Nginitian lang niya ito at inaya na ang babae. Sumakay sila sa kotse, nasa back seat ang babae samantalang siya'y nasa passenger seat. "Paano mo nalaman ito?" nakakunot-noo niyang tanong. "Hindi ko nalaman. Pupuntahan sana kita pero nakita kita rito. Hindi ka kaya pagalitan ng daddy mo? You made a me—" "Wala akong paki sa kaniya," putol niya rito. "Pumunta tayo sa Sta. Ana, ihatid natin ang babae." Tumango lamang si Elijah at pinaandar na ang kotse nito. Wala siyang pakialam kung magalit man ang daddy niya sa nagawa niya. They deserved what he did because that's not right!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD