12 YEARS LATER...
Gabi na nang matapos si Nicholas sa kaniyang trabaho. He's working as a dentist and he has his own clinic. Matagal na niyang pangarap na maging isang dentista kaya naman ang kinuha niya ay dentistry. Tatlong taon na siyang dentista at masaya siya sa propesyon niyang iyon.
"Aalis ka na po, Dr. Nicholas?" tanong ni Alice, isa sa mga dental assistant niya.
He nodded. "Oo, after niyong maglinis, saraduhan niyo na ang clinic," nakangiti niyang sabi.
"Sige po, Dr. Nicholas. Magandang gabi po sa inyo."
He smiled and nodded again. "Good evening din. Sige na, I have to go."
Kinuha na niya ang kaniyang shoulder bag at inilagay iyon sa kaniyang balikat at walang imik na naglakad palabas ng kaniyang clinic. Ano na kayang oras? He looked at his wrist clock. Saktong alas-otso na pala ng gabi. Halos kalahating araw siya rito sa clinic niya dahil marami-rami ang naging pasyente niya. So far, they are okay. Actually, he enjoyed being a dentist. Lalo na kapag bata ang kaniyang pasyente. No one knows that he really loves children. May ngiti siyang lumabas sa clinic at dumiretso kaagad sa parking lot kung saan nakaparada ang kaniyang sasakyan.
Nang akmang bubuksan na niya ang pinto ng kaniyang kotse, bigla namang nag-beep ang cellphone niya sa loob ng kaniyang bulsa. He heaved a deep sigh then took his phone. Pero bago basahin kung sino ang nag-text, sumakay muna siya sa kotse.
'From: Dad
Nicholas, huwag ka nang pupunta kung saan, okay? We have a dinner in our house. Inaasahan kita rito. Keep driving and I love you!'
Imbes na sagutin, inilapag niya ang cellphone sa passenger seat at tumingin sa unahan ng kaniyang sasakyan. A dinner? With whom? May pupuntahan sana siya kaso mukhang hindi matutuloy iyon. He needs to be at home. Kaya naman kinuha niya ang kaniyang cellphone at tinawagan doon ang kaibigan niyang si Elijah.
"Where are you, Nicholas?"
"I'm sorry, bro pero hindi ako makakapunta. My dad texted me, may dinner raw kami sa bahay. Bukas na lang, tutal at rest day ko, puwede tayong maghapong uminom."
Narinig niya ang malalim na paghinga ng kaibigan. "Ano pa bang magagawa ko, Nicholas? It's fine, it's your dad and I know, siya dapat ang unahin mo. Kaya ayos lang sa akin. Bukas na nga lang. Sige na."
"I'm really sorry, Elijah. It will never happen aga—"
"Bro, it's fine. Hindi ko ibi-big deal ito."
"Sige, bukas talaga, pangako iyan!"
Hindi na siya nagawa pang sagutin ni Elijah, he ended the line without any last word. Inaya kasi siya nito kanina na mag-bar. At dahil matagal na siyang hindi nakakapag-bar, pumayag siya pero hindi naman niya inaasahan na may dinner pala. Marahas siyang nagpakawala ng hangin sa bibig saka ini-start na ang sasakyan at minaneho iyon patungo sa kanilang bahay.
Halos tatlumpung minuto ang byinahe ni Nicholas nang makarating siya sa bahay nila. He parked his car at the parking lot and stepped out. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya nang makakita ng maraming kotse sa harap niya. Lagpas yata ang mga iyon lima. Napailing na lang siya at naglakad na paakyat para makapasok sa kanilang bahay— pero iyong iba, they called it mansion. Yes, it's a mansion, but he prefers to call it house.
"Señorito Nicholas, akin na ang bag mo."
It's Layla.
Tumango lang siya at inabot dito ang kaniyang bag. "Where's dad?" nakakunot-noo niyang tanong.
"Nasa garden siya."
"Thank you."
Tanging tango lang ang isinagot nito kaya kaagad niyang dinako ang direksyon patungo sa garden nila. Nang makarating, binuksan niyang ang sliding door at tiningnan ang labas. From a far, he saw many people and they are talking. Some of the are familiar, but some are not. Umiling siya at naglakad na patungo sa mga ito. Habang naglalakad, hindi niya maiwasan ang makaramdam ng kaba lalo pa't mukhang naramdaman ng mga ito ang kaniyang presensya, yes, their eyes are on him. They are staring at him na parang napakasikat niya. Come on, he doesn't like this! Ang ayaw niya sa lahat ay iyong tinitingnan siya. If he could shout at them, baka nagawa na niya pero alam niyang magagalit ang dad niya kaya pinigilan na lang niya ang sarili. Ganito naman siya palagi, ang magpigil ng galit.
Nang makarating sa harap ng mga ito, tumigil siya at pilit na ngumiti. "Good evening, everyone!'
"You're late, Nicholas. Umupo ka na rito." Ang dad niya saka tinapik ang katabi nitong upuan.
Tumango lang siya at naglakad na para umupo. Nang makaupo, tiningnan niya isa-isa ang mga tao. Hindi pa rin naaalis ang mga mata nito sa kaniya. It seems like he hypnotized them.
"Bakit sila nandito, dad?" halos pabulong niyang tanong.
"Because I won."
Nangunot ang noo niya. "Where?"
"I won as a new mayor of Virgin City. That's why I wanted to celebrate this. Are you happy because of this, Nicholas? Your dad is now a mayor," masayang imporma nito sa kaniya.
Ngumiti siya kahit ayaw niya. Oo nga pala, may naganap na eleksyon nitong nakaraan. Before, vice mayor lang ang dad niya pero ngayon, mayor na. Wow! Matagal na nitong pangarap ang maging mayor. Congratulations to him. Pero may kinakatakot siya, iyon ay ang masamang gawain dito sa Virgin City na ang pamilya Ferrer ang may pasimuno— ang pamilya niya.
"Congratulations, dad! I'm so happy for you."
"Nicholas, can I ask you a question?" biglang singit ng lalaking may kaedaran na nasa harap lang ng dad niya.
Tumango siya. "Sure, you can ask me."
Bago pa magsalita ito, biglang hinawakan ng daddy niya ang kaniyang balikat. "Nicholas, he's Vice Mayor Rodulfo Lopez."
"Yes, ako iyan. Ang tanong ko ay, may girlfriend o asawa ka na ba?"
Hindi siya nakaimik. Iniisip niya kung ano ang isasagot niya. Kaya ayaw niya ng ganito dahil alam na alam niyang mangyayari ito. Every time na may dinner siyang pupuntahan, hindi nawawala ang ganoong klaseng tanong. Naiinis na siya pero nagtitimpi lang siya.
"Wala pa po akong girlfriend o asawa."
"What?" Natatawang umiling si Vice Mayor Rodulfo. "Are you serious? Wala ka pa talagang girlfriend o asawa? Sa guwapo mong iyan, wala ka pang babae sa buhay mo? It doesn't matter, right? Why would you marry my daugther? Para naman maranasan mong magkaroon ng girlfriend. Bagay na bagay kayo ng anak ko, Nicholas. Parehas lang din kayo ng status."
Bago sumagot, binalingan muna niya ang kaniyang dad at palihim siya nitong pinanlakihan ng mata. Kaya naman ibinalik niya ang tingin dito at ngumiti nang pilit. "I'm sorry, pero hindi pa po ako bukas para sa ganiyan. I want to stay single hanggat gusto ko."
"Huwag mong sabihing bakla ka kaya ayaw mo pang magkaroon ng girlfriend," natatawang sabi nito— ni Vice Mayor Rodulfo.
Nagtawan din ang iba. Nainis siya at nanlilisik na tumingin dito. It's not funny, why did they laugh? Hindi porke ayaw niya pang magka-girlfriend o magka-asawa, bakla na kaagad siya. No way! He's not gay! He's a freaking man! His blood is going up— it's boiling too. Parang ano mang oras ay iaangat niya ang kaniyang kamao at tatadtarin ng suntok ito. Galit na galit na siya at alam niyang namumula na siya ngayon.
"I'm not gay! Don't insult me like you know me— like you know who am I! I don't know you, so why did you say that I'm a gay? You're insulting me and it was not funny!" sigaw niya rito.
"Nicho—" It's his dad.
"Wait, did I offend you, Nicholas? If so, I-I am so sor—"
"Too late!" madiin niyang sabi saka padaskol na tumalikod. Itinumba niya pa ang upuan niya bago nagpatuloy sa paglakad.
"Nicholas!" sigaw ng dad niya.
Hindi na niya napigilan ang sarili kaya nagawa niya iyon at alam niyang galit na galit na ang kaniyang dad sa kaniya. Imbes na pansinin pa ito, nagpatuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa makapasok na siya sa mansyon. Dumiretso siya sa banyo para roon pahupain ang sarili. Pumasok siya na hindi man lang sinasarado ang pinto. Dumiretso siya sa harap ng salamin at pinakatitigan ang sarili. Bahagya siyang maputla na hindi niya pinagtuunan ng pansin. Iyong sinabi ng gagong iyon, tumatak sa utak niya. Hindi siya bakla! Hinding-hindi siya magiging ganoon. Lalo pa siyang nainis kaya naman naghilamos siya. Nang matapos, inangat na niya ang kaniyang mukha at saktong may pumasok sa loob. Kita niya ang repleksyon nito. Ang kaniyang daddy.
"Nicholas!" madiin nitong sabi at nagpupuyos na nilapitan siya.
Nagpakawala siya ng hangin sa bibig saka hinarap ito. "What, dad?"
"Mali ang ginawa mong iyon, Nicholas! You think it's funny? No, it's not! Pinahiya mo ako sa kanila. Go back there and apologize!"
Ngumisi siya. "Let me ask you a question, dad! Funny din ba ang ginawa niya? Siya ang may mali ang ginawa. Hindi mo ako mapapabalik doon para humingi ng sorry. Why would I apologize? He started it— he told me that I'm a ga—"
"At naniwala ka naman? Kung hindi lang makitid ang utak mo, hindi mo ito papalakihin pa, tama ba ako? Kung sa iba, tawanan pa nila si Rodulfo. But, you, hindi mo man lang inisip na may posisyon akong iniingatan! That was wrong, you should apologize right now!"
Umiling siya saka tinaliman ang tingin dito. "I'm a serious person and I know, you knew that! And you're wrong, dad, hindi makitid ang utak ko! Siya ang may makitid na utak! Naturingang vice mayor, pero parang walang utak kung makainsulto ng tao. Baligtad, dad, he should apologize to me! Kung hindi, wala akong pakialam. Ayaw ko lang na iniinsulto ako. And I don't care if you have posisti—"
Hindi na niya natapos ang iba pang sasabihin nang tumama ang kamao nito sa gilid ng kaniyang labi. Kaagad niyang sinapo iyon nang makaramdam ng sakit. Kalaunan ay may nalasahan siyang kakaiba. Probably his blood! Hindi siya nasaktan. Paano siya masasaktan kung noon pa man ay sakit na sakit na siya? Ganito ang dad niya at hindi niya ipagkakaila ang kasamaan nito! His dad is a demon— mana sa ama nitong mas demonyo pa sa demonyo. Paano niya nasabi? Iyon ay tungkol sa sikreto ng Virgin City na kailan ma'y hindi niya nasariwa.