Panimula

1085 Words
"HUWAG PO! NAGMAMAKAAWA po ako! Huwag niyo po akong galawin!" sigaw ng isang babae habang nagpupumiglas ito sa dalawang lalaking nakahawak sa magkabilang braso nito. Nakatitig lamang si Nicholas doon. Habang palayo sila, nakakaramdam siya ng takot. Ano naman kaya ang gagawin nila sa babaeng iyon? He wants to help the woman, but he can't. He doesn't know how he would start. He was stunned. It seems like he was nailed in his position. "Señorito Nicholas, anong ginagawa mo rito sa labas? Alam ba ito ng mga magulang mo?" Kaagad niyang binalingan ang nagsalita. Nakita niya si Layla, ang mayordoma sa kanilang mansyon. "Gusto ko lang magpahangin, Layla. Hindi alam nina mommy at daddy na lumab—" "Diyos ko! Halika na't pumasok na tayo. Makita ka ni Senyor dito, baka pagalitan ka pa— o ako, baka tanggalan niya ako ng trabaho. Halika na, Señorito Nicholas," aya ni Layla. Layla is an old woman. Mga nasa 70 plus na ito. Hindi niya ito ginagalang. Namulat na siyang tinatawag ito sa pangalan nito. Ni hindi niya ginagamit ang salitang 'po' kapag kinakausap ito. Ganoon na talaga siya noon pa man, nang magka-isip, Layla na talaga ang tawag niya rito sa hindi niya malamang dahilan. Samantalang sa mga mommy at daddy niya, napakagalang niya. "Layla, stop calling me Señorito Nicholas! Call me by my name. My name is Nicholas!" madiin niyang turan dito. "Naku, Señorito Nicholas, hindi ka namin puwedeng tawagin sa pangalan mo dahil baka magalit sina Senyora at Senyor sa amin. Lalo na ako, na siyang nagbabantay sa iyo. Halika na, bumalik na tayo sa mansyon. Huwag mong hinataying magalit sa atin ang magula—" "Layla, I just want to unwind. Bored na ako sa kuwarto ko." "Kahit kumpleto ka na sa gamit, bored ka pa rin?" He instantly nodded. "Oo, iyong iba, hindi ko naman nagagamit. They are just nonsense to me! So, you may go and let me stay here for a while. I'll be back later." "Pasensya ka na, Señorito Nicholas pero hindi puwede. Babalik na tayo sa mansyon." "No!" madiin niyang saad saka tumakbo. "Nicholas!" Natigilan na lamang siya sa pagtakbo nang mabosesan iyon. He faced at it and he saw his daddy. His hearts suddenly beats. Iyong tingin nito, masama. Kaya wala siyang nagawa kundi ang lapitan ito. Hindi niya maaaring sawayin ang kaniyang daddy. Hindi siya maaaring gumawa ng ikakagalit nito. "Senyor, pinilit ko po si Señorito Nicholas pero hindi po siya nagpa—" Pinutol ng daddy niya si Layla. "It's fine, Layla. Bumalik ka na sa mansyon at ihanda niyo na ang tanghalian. Naintindihan mo ba ako? Ako na ang bahala kay Nicholas." Tanging tango lang ang isinagot nito sa daddy niya bago umalis. Samantalang siya'y tumingin sa mga mata ng daddy niya. Napalunok siya. "I'm so sorry, dad! Gusto ko lang pong magpaha—" "Wala bang hangin sa loob?" Pumamulsa ito at sarkastikong tumingin sa kaniya. "Mayroon naman po, daddy. But, the air inside is different thsn outside. Iyong hangin pa sa labas, sariwa po," paliwanag niya. "Makikipagtalo ka pa ba sa akin, Nicholas, ha? Go back to the mansion. Huwag mong hintaying magalit ako sa iyo! Nakikinig ka ba, Nicholas?!" he shouted. Tumango kaagad siya. "Yes, dad!" Tiningnan lang siya nito ng ilang segundo bago tumalikod. He took a deep sigh and followed him. Pero bago niya muling ihakbang ang mga paa, binalingan niya ang babae kanina. Saktong nakita niyang pumasok ang mga ito sa isang bahay na hindi kalakihan. Kanino kayang bahay iyon? Ever since, hindi pa siya nakakapasok doon. Kapag naman tinatanong niya ang mga magulang niya, they didn't answer him. Bakit kaya? Umiling siya at ipinagpatuloy na ang pagsunod sa daddy niya. Nang makapasok sila sa kanilang mansyon, dumiretso ang daddy niya sa kusina. Imbes na sumunod, nagtungo siya sa kaniyang kuwarto sa ikalawang palapag. Nang makapasok, umupo siya sa kama at inisip ang babae kanina. Ano kayang gagawin nila sa babaeng iyon? He was worried, gusto niyang puntahan ang babae at tulungan ito pero bawal. How he could help that woman if he's inside of the mansion? Should he teleport? Kung mayroon nga siyang ganoong kapangyarihan, baka nagawa na niya kanina pa. He really wants to help the woman. Kaya naman tumayo siya at inayos ang mga unan sa korte ng tao. After that, kinumutan niya iyon. Pupuntahan niya ang babae kahit na bawal dahil naaawa siya rito. Marahan siyang lumabas sa kaniyang kuwarto at nagmasid. Nang walang nakitang tao, naglakad na siya pababa sa hagdan. Thank God, natyempuhan niyang walang tao kaya naman wala siyang naging problema. Nakalabas siya ng mansyon at tinakbo ang kinaroroonan ng misteryosong bahay. Medyo malayo iyon kaya naman hindi niya kaagad narating. Mabilis ang naging pagtakbo niya kaya wala pang tatlong minuto, nakarating na siya. May narinig na kaagad siya ng sigaw mula sa loob. Tinungo niya ang pinto at dahan-dahang tinulak iyon. The door opened that's why he entered quietly. The house looks old. Ang daming sapot sa kisame. Sa harap niya, hagdan na kaagad patungo sa ikalawang palapag. "Tulong! Huwag po! Nagmamakaawa po ako!" Napabaling siya sa kinaroroonan ng sigaw. Sa may pinto sa kaliwa niya, doon nanggagaling ang sigaw. Kaya naman dahan-dahan siyang naglakad. He didn't make any noise para walang makarinig o makita sa kaniya. "Please po! Huwag niyo pong gawin ito sa akin. Nagmama—" "Manahimik kang babae ka!" sigaw ng isang lalaki. Nakaramdam siya ng takot dahil doon. Anong ginagawa ng mga ito sa babae? Bakit humihingi ito ng saklolo? Parang may mali na hindi niya mawari. Kaya naman nang makarating siya sa may saradong pinto, bahagya niyang binuksan iyon at sumilip. Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ni Nicholas sa kaniyang nakita. It can't be. Iyong babae, nakahiga sa kama samantalang ang mga kamay at paa nito ay nakatali. Hubad ang babae at may nakatayong isang lalaki sa harap ng nakabukaka nitong mga hita. Dalawa ang lalaki— hubad din, iyong isa'y nakatatayo sa tabi ng babae. They are raping the woman. How they could do this to an innocent woman? This is not right, this is a crime and the two men should be in jail forever for doing this to the woman. He's about the confront them when someone touched his shoulder. He looked at it and saw his dad. Magsasalita pa sana siya nang biglang umangat ang kamao nito at walang ano-ano'y sinuntok siya sa kaniyang mukha. Natumba siya at nandilim ang kapaligiran, kalunan ay nawalan siya ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD