CHAPTER 3

1051 Words
OWEN POINT OF VIEW Dalawang araw na akong hindi maayos ang tulog. Kung pwede lang siguro akong sumingil ng overtime dahil sa stress na binigay ni Sir Lysander, mayaman na ako. Pero hindi—lahat ng ginagawa ko, parang normal na bahagi na ng trabaho. Pagpasok ko ng opisina, agad kong binuksan ang laptop at tiningnan ang email. Wala. Kahit isang application, walang dumating. Nagbuntong-hininga ako at nilagay ang mukha ko sa mga kamay ko. “This is hopeless,” bulong ko. Nag-ring ang telepono sa tabi ko, dahilan para mapatayo ako agad. Sinagot ko iyon nang hindi tinitingnan kung sino ang tumatawag. “Owen Skymoore speaking.” “Owen, any updates?” Si Sir Lysander. Syempre. “Still working on it, Sir,” mabilis kong sagot. "Still working on it?" Naramdaman ko na ang kilabot sa boses niya. “I gave you two days, Owen.” “Yes, Sir. Pero—” “No excuses.” Napapikit ako at pinigilan ang sarili kong mapabuntong-hininga sa linya. Kapag sinabi niyang walang excuse, wala ka talagang kawala. “I expect someone here by tomorrow morning. I don’t care how you do it.” “Yes, Sir.” At ibinaba na niya ang phone. Pinindot ko nang marahas ang mouse at nag-scroll kung saan-saan. Wala na ‘kong pakialam kung saan ako makakita ng aplikante—basta may makita lang ako. Ilang minuto ang lumipas, halos sumakit na ang mga mata ko sa kakatingin sa screen. Pagkatapos ng halos isang oras, isang pangalan ang biglang lumutang sa harapan ko. Coraline Winterbourne. Napakunot ang noo ko. Sino ‘to? Binasa ko ang application niya. Walang masyadong detalye, pero kumpleto ang basic info. Walang nakalagay na contact number. Email lang. Ilang segundo kong tinitigan ‘yon, tapos nagdesisyon na akong i-email siya. “Good morning, Miss Winterbourne. This is Owen Skymoore from Montgomery Enterprises. We have reviewed your application and would like to offer you the position immediately. Kindly confirm your availability. Thank you.” Sinend ko na agad. Bahala na. Makalipas ang ilang oras, halos tanghaling tapat na, dumating ang reply. “I accept.” Ganun lang? Walang tanong, walang hesitation. Tumitig ako sa email na parang hindi ako makapaniwala. Sinagot ko agad. “Please report to Montgomery Estate tomorrow at 7 AM. Do you need directions?” Mabilis ang sagot niya. “No need. I’ll be there.” Napakamot ako ng ulo. Medyo sketchy, pero sa puntong ‘to, wala na akong pakialam. Kinabukasan, alas-siyete ng umaga, nakatayo ako sa harap ng gate, hinihintay si Coraline. Nagulat ako nang makitang may paparating na babae—matangkad, mahaba ang buhok, at halatang hindi ordinaryong kasambahay. Suot niya ay simpleng blouse at slacks pero may dating na parang hindi siya sanay sa ganitong trabaho. Tumigil siya sa harapan ko at ngumiti ng bahagya. “Owen Skymoore?” tanong niya. Tumango ako. “You must be Coraline Winterbourne.” “Yes.” Tahimik kaming naglakad papasok ng mansion. Halata ko ang mga matang nakatingin sa kanya, lalo na ng ibang empleyado. Pagpasok namin, bumungad si Sir Lysander, nakatayo sa taas ng hagdan, nakatitig na parang may sinusuri. “She’s the new maid?” tanong niya, walang emosyon. “Yes, Sir,” sagot ko. Tumingin siya kay Coraline at tumango lang. Wala siyang sinabing kahit ano, at bumaba siya pabalik sa opisina niya. Tahimik pa rin si Coraline. “Uh… welcome to Montgomery Estate,” sabi ko, pilit na binabasag ang katahimikan. “Thank you,” sagot niya. Wala pa akong ideya kung ano ang mangyayari sa mga susunod na araw, pero alam kong hindi ito magiging normal. Pagkatapos kong ihatid si Coraline sa quarters niya, dumiretso na ako sa opisina ko para tapusin ang ilang paperwork. Tahimik ang buong mansion, na para bang lahat ng tao ay nag-aabang kung kailan sisiklab ang sunod na eksena. Hindi na ako magugulat kung by lunchtime, may magpapaalam na naman. Pero sa pagkakataong ‘to, umaasa akong mali ako. Maya-maya pa, bumukas ang pinto ng opisina ko. Hindi na ako nag-abala pang tumingin. Kilala ko na ang hakbang na ‘yon. "Owen." Tumayo ako agad. "Yes, Sir." Pumasok si Sir Lysander, pabalik-balik na naglalakad sa harapan ng desk ko na parang may malalim na iniisip. Ako naman, halos hindi humihinga, hinihintay kung anong sasabihin niya. Tumingin siya sa akin, diretso sa mga mata ko. "This is the last time, Owen." Napakunot ang noo ko. "Sir?" "The next maid—Coraline Winterbourne—she either lasts, or you’re out." Parang biglang huminto ang mundo ko. Napatingin ako sa kanya, nagbabakasakali na nagbibiro lang siya. Pero hindi—seryoso ang mukha niya. "Sir… You can’t be serious." "Do I look like I’m joking?" tanong niya, matalim ang tingin. Wala akong naisagot. Alam kong hindi siya nagbibiro. "This has gone on for too long. I can’t waste more resources on this," dagdag niya. "If Coraline quits or if I fire her, you’re next." “Sir, I’ve been working here for years—” "Then maybe it’s time you start doing your job properly," malamig niyang sagot. "I need someone competent, Owen. I don’t need excuses." Napabuntong-hininga ako, pilit na pinipigil ang frustration ko. "Understood, Sir." Tumango siya at lumabas na parang walang nangyari. Pagkasara ng pinto, napasandal ako sa desk at napahawak sa ulo ko. "Ano bang pinasok ko?" Kinabukasan Bago sumikat ang araw, nagising na ako. Ang mansion, tahimik pa rin. Bumaba ako para tignan kung gising na si Coraline. Sa totoo lang, kinakabahan akong makaharap siya. Pagdating ko sa kusina, nakita kong abala na siya—naglilinis, nagluluto, at parang walang pakialam sa mundo. "Good morning," bati ko, nagtatakang bakit parang hindi siya nababahala. Tumingin siya sa akin at ngumiti ng bahagya. "Good morning." "Maaga ka yatang nagising." "It’s part of the job, isn’t it?" sagot niya na parang napaka-natural lang. Napansin kong walang takot o kaba sa kilos niya. Parang hindi siya natatakot kay Sir Lysander—o baka hindi niya pa lang ito nakikita sa masamang araw. "Hindi ka ba… kinakabahan kay Sir Lysander?" tanong ko, diretso na. Ngumiti siya ulit. "I’ve handled worse." Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o mas lalong kabahan. Pero isang bagay ang sigurado—ibang klase si Coraline Winterbourne. At sana, sana talaga, magtagal siya. Dahil kung hindi… wala na akong trabaho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD