OWEN POINT OF VIEW
Nakatayo ako sa gilid ng dining hall, nag-aabang ng parang hinahatulan sa korte.
Maaga pa lang ay abala na si Coraline sa kusina. Hindi ko alam kung bakit ang relaxed niya habang nagluluto. Samantalang ako? Halos di makahinga sa kaba.
Alam ko ang ugali ni Sir Lysander pagdating sa pagkain—isang maliit na pagkakamali lang at wala na. Wala na naman kaming maid, at mas malala, baka wala na rin akong trabaho.
Nakasilip ako mula sa pinto ng kusina, tinitingnan kung anong niluluto ni Coraline. Amoy pa lang, mukhang ayos naman. Simple lang—scrambled eggs, bacon, at pancakes. Pero sa ilalim ng bubong na ‘to? Walang "simple." Lahat kailangang perpekto.
"Sigurado ka bang okay lang ‘yan?" tanong ko habang tinitingnan ang tray na inihahanda niya.
"Yeah." Walang ka-emotion-emotion niyang sagot habang nilalapag ang pinggan.
"Uh, gusto mo bang i-double check natin?"
Tumingin siya sa akin at bahagyang nagtaas ng kilay. "Why? Do you want to taste it first?"
Nag-alangan ako. "Uh… hindi naman sa gano’n. I mean, just to be sure. You know how he is."
Tumalikod siya at naglakad na bitbit ang tray. Parang wala siyang narinig.
"Coraline?"
"I know how he is," sagot niya habang tuloy sa paglakad. "Kaya nga ako ang nagluto, di ba?"
Napatanga na lang ako habang sinusundan siya papunta sa dining area.
Pagdating namin doon, nakita ko na nakaupo na si Sir Lysander sa kanyang usual na pwesto. Diretso ang tingin niya sa harapan, hindi man lang tumingin kay Coraline na naglalapag ng pagkain.
Ako naman, napatayo sa gilid ng pinto, nag-aabang sa magiging reaksyon niya.
Tahimik ang buong paligid. Tanging tunog lang ng kutsara at tinidor ni Sir Lysander ang naririnig.
Una niyang tinikman ang scrambled eggs.
Huminto ako sa paghinga.
Tumingin ako kay Coraline. Nakapamulsa lang siya at mukhang wala siyang pakialam sa nangyayari.
Sumunod, kinain ni Sir Lysander ang bacon. Walang kahit anong pagbabago sa mukha niya.
Pancakes na lang. Pancakes na lang ang kailangan niyang subukan.
Isang kagat.
Tumingin ako kay Sir Lysander, naghihintay ng kahit anong reaksyon. Pero wala. Tahimik lang siyang kumakain.
Hanggang sa matapos ang buong plato.
Pagkatapos niyang lagukin ang kape, inabot ni Sir Lysander ang kanyang phone, nagbasa ng ilang email, at saka…
Nag-thumbs up siya.
Literal na napakapit ako sa pinto. Parang hindi ko alam kung totoo ba ang nakita ko.
Si Sir Lysander? Nag-thumbs up?
Napatingin ako kay Coraline. Wala. Hindi man lang nag-react. Tila bored lang siyang nakatayo doon.
“Uh, Sir…?” tanong ko, hindi pa rin makapaniwala.
Tumingin siya sa akin. “What?”
“Nothing, Sir. Just… glad you liked it.”
Tumango lang siya at bumalik sa phone niya.
Paglabas ni Sir Lysander, hindi ko na napigilan. “Coraline, nakita mo ‘yon?”
“Yung alin?” tanong niya, walang ka-interes-interes.
“Yung thumbs up! Never niyang ginawa ‘yon. Kahit kanino. Kahit saan.”
Tumitig siya sa akin at napabuntong-hininga. “It’s just food, Owen.”
Napailing na lang ako. “Alam mo bang ilang taon na akong nagtitiis dito? Ilang maids na ang umalis at na-fire dahil sa itlog na ‘yan? Tapos ikaw—”
Tumingin siya sa akin. “Well, maybe you should’ve hired me sooner.”
Natulala ako. Siguro nga.
CAROLINE POINT OF VIEW
Tahimik ang buong mansion pagsapit ng gabi. Yung tipong maririnig mo kahit lagaslas lang ng dahon sa labas. Hindi ako sanay sa ganitong katahimikan. Parang nakakabingi.
Habang naglalakad ako sa hallway, nag-iikot bago matulog, hindi ko maiwasang mapansin kung gaano kalawak ang lugar na ‘to. Ang daming kwarto, pero parang ang konti ng tao. Kahit mga kasambahay, bihira kong makita.
Naglakad ako papunta sa maliit na terrace malapit sa hardin. Gusto ko sanang magpahangin, pero habang papalapit ako, may naramdaman akong gumalaw sa gilid ng hallway.
Napahinto ako. Naramdaman kong bumilis ang t***k ng puso ko.
May anino sa sulok.
Sumilip ako ng bahagya. Hindi gumagalaw.
Tumaas ang kilay ko. “Thief? Seriously?”
Walang warning, binuhat ko ang kamao ko at binigyan ng isang solidong suntok ang anino.
CRACK.
Nang bumagsak ‘yon, nag-echo ang tunog sa buong hallway.
Napahawak ako sa kamao ko, medyo sumakit. “Ano ‘to, bakal?”
Doon ko lang na-realize na… hindi pala tao yung sinuntok ko.
Statue pala.
Napakamot ako ng ulo. “Oh. My bad.”
Sakto namang dumaan si Owen sa hallway, bitbit ang isang folder, mukhang may tatapusing trabaho. Nang makita niya ang eksena, napahinto siya.
“Coraline…?” bulalas niya, halatang hindi makapaniwala. “What are you doing?”
“Uh…” Tumingin ako sa statue na ngayon ay may basag na ilong. “Self-defense?”
Napatulala siya. Halatang hindi alam kung matatawa ba o magpapanic. Lumapit siya sa statue at tiningnan ito nang mabuti.
“You punched… the statue?” tanong niya, parang kailangan niya ng double confirmation sa nakita niya.
“Yeah.” Tumango ako, kaswal na parang normal lang yung nangyari. “Akala ko may magnanakaw.”
Tinitigan niya ako, tapos bumalik ang tingin niya sa statue na parang may minememorize.
“Coraline, alam mo bang ‘tong statue na ‘to ay…” huminto siya, nagbuntong-hininga, at tila nagpipigil ng emosyon, “… imported pa galing Europe? Special request ni Sir Lysander?”
Napataas ako ng kilay. “Bakit may statue dito sa hallway na mukhang multo?”
Napahawak si Owen sa noo niya, parang hindi na alam kung anong gagawin.
"Okay, okay. Kaya pa natin ‘to," bulong niya, na parang kinakausap ang sarili niya.
Lumapit ako at tinapik ang balikat niya. “Relax. Kunti lang naman ang basag. Pwede naman ‘yang ayusin.”
“Pwede? Coraline, you—” Napahinto siya ulit, mukhang hindi makahanap ng tamang salita. “Sir Lysander notices everything. Alam mo bang may mata siya kahit sa likod?”
Napangiti ako. “So… ano? Tinatanggap ba niya ang apology in cash or card?”
Natawa si Owen, pero halatang may halong kaba. “Coraline, this is not a joke. We need to fix this before Sir Lysander finds out.”
Napatingin ako ulit sa statue. “Well, kung kaya mong makahanap ng sculptor na kayang ayusin ‘yan overnight, be my guest.”
Tumitig siya sa akin, halatang napaisip nang malalim. Tapos, napabuntong-hininga siya.
“Ikaw na ang bahala kapag nagtanong siya bukas,” sabi niya, parang tinanggap na niya ang tadhana niya.
“Sure,” sagot ko, sabay ngiti.
Nasa hallway pa rin kami habang tinititigan ang kawawang statue na parang may blackeye na.
“Coraline,” bulong ni Owen habang naglalakad kami palayo.
“Ano?”
“I think you just became the first person to punch art in this house.”
Napangiti ako, mas lalo pang naaliw. “First time for everything.”