CHAPTER 2

1146 Words
OWEN SKYMOORE POINT OF VIEW Sabi ko na nga ba. Napailing ako habang nakatayo sa harap ng desk ko, nagbabasa ng resignation letter ni Clara. Pang-apat na siya sa buwan na ‘to. Lagi na lang ganito. Akala ko masasanay na ako, pero tuwing nangyayari, palaging may sumisikip sa dibdib ko—yung alam mong may kasalanan kang hindi mo naman matutulungan. "Seriously, why is this so hard?" bulong ko habang hinihimas ang sentido ko. “Sir Owen,” sumilip si Camille, yung receptionist namin, sa opisina. “I heard Clara’s out. Again.” Tumingin ako sa kanya na parang wala akong energy. “Yeah. Alam mo na kung sino ang dahilan.” Napangiwi siya. “Sir Lysander?” “Sino pa ba?” Tumawa siya pero halatang pilit. Alam kong lahat sila sa building, takot kay Sir Lysander. Ako lang siguro ang sapat na tanga para manatili bilang secretary niya. “Good luck finding a new one,” biro ni Camille bago siya naglakad pabalik sa lobby. Good luck daw. Sana nga may good luck. Naupo ako at nagbukas ng laptop. Sa harap ko, may nakalista nang mga pangalan ng applicants. Pero sa totoo lang, kahit gaano kahaba ‘tong listahan, parang wala ring magtatagal. Kung alam lang ng mga ‘to ang pinapasok nila, baka umatras na sila bago pa makalapit sa gate. Napabuntong-hininga ako. Dinial ko ang numero ng unang nasa listahan. “Hello, good morning po. This is Owen Skymoore from Montgomery Enterprises…” Sa loob ng isang oras, nakausap ko na halos lahat ng nasa listahan. Lahat, may dahilan para umatras. “Ah, I’m sorry, sir, but I think I’ll pass.” “I heard stories about Mr. Montgomery… I’m not sure if I can handle it.” “Thank you for the opportunity, but I found another job.” Palagi na lang ganito. Paano ba naman, reputasyon pa lang ni Sir Lysander, parang death sentence na sa kanila. "Ow—" Biglang bumukas ang pinto at dumungaw ang walang iba kundi si Sir Lysander mismo. Napatayo ako agad, halos mabitiwan ko pa ang phone. “Yes, Sir?” Tumingin siya sa desk ko na parang may hinahanap. “Did you find a new maid?” Ngayon na ba talaga? Napalunok ako. “Still working on it, Sir.” Napakunot ang noo niya. “Still working on it?” “Uh, yes, Sir. Wala pa pong nagco-confirm—” “I gave you the list yesterday, Owen. You had all night.” “Sir, with all due respect, they… um… declined.” “Declined?” Inulit niya na parang hindi siya makapaniwala. Tumango ako. “Apparently, sir… they know.” “Know what?” “Your… uh… reputation, sir.” Nanlilisik ang mata niya. Napalunok ako ulit. "That's ridiculous. Are they applying to work, or are they applying to gossip?" “Sir, it’s not that simple. People… talk.” Hindi siya sumagot. Sa halip, tinitigan lang niya ako na parang iniisip kung may value pa ba ako sa kompanya niya. “I’ll find one, sir,” sabay tingin sa laptop ko. “I’ll make sure we’ll have someone by the end of the day.” “Good,” sagot niya bago tumalikod at lumabas. Bumagsak ang balikat ko sa sobrang kaba. Nang lumabas siya, pinindot ko ulit ang phone at dinial ang huling pangalan sa listahan. “Hello?” Napangiti ako nang sumagot ang boses sa kabilang linya. “Good morning! This is Owen from Montgomery Enterprises. I hope you’re still interested in the position.” Napapikit ako habang hawak pa rin ang telepono. Ang sagot sa kabilang linya? “Ah, sorry po, Sir Owen. Pero sa totoo lang… hindi ko na rin po siguro ipagpapatuloy ‘yung application. Pasensya na po talaga.” Napatitig ako sa kawalan. “Understood. Thank you for your time,” sagot ko bago ibaba ang telepono. Napahigpit ang hawak ko sa phone, sabay napasabunot sa buhok. “Ano bang problema ni Sir Lysander?” bulong ko sa sarili ko. Ang sakit na sa ulo. Ilang linggo na akong walang tigil sa paghahanap pero lahat sila, tumatakbo pa lang bago makapasok sa mismong gate. Ilang minuto akong nakatingin lang sa screen ng laptop, pero wala naman akong nakikitang sagot sa problema. Huminga ako ng malalim, pero imbes na ma-relax, biglang bumalik lahat ng flashbacks. Si Lisa. Naalala ko pa ang unang kasambahay na na-hire ko under Sir Lysander. Energetic pa siya noong unang araw. "I’ll make sure everything is spotless, Sir!" ang sabi niya, na may matching thumbs up pa. Pero ilang oras lang ang lumipas… “Sir Owen… I-I’m quitting. Sir Lysander… he—” “I fired her,” malamig na sabi ni Sir Lysander bago pa makapagpaliwanag si Lisa. "She rearranged the books in my office. I specifically told her not to touch them." Pilit akong ngumiti noon. “Sir… nag-aalis lang po siya ng alikabok.” “She rearranged them. She’s out.” Wala na akong nagawa kundi ihatid siya palabas. Si Mariel. Sumunod si Mariel. Isa sa mga pinaka-disente at maayos sa trabaho. Tahimik, hindi masyadong nakikipag-usap. Akala ko magtatagal na siya. Mali ako. "Mariel, bakit ka nagre-resign?" tanong ko noon. Tumingin siya sa akin na parang hindi makapaniwala sa mga nangyari. “Sir Owen… hindi po normal si Sir Lysander.” Napakunot-noo ako. “Ano na naman ginawa niya?” “Wala po akong ginagalaw sa office niya. Wala. Pero nagalit po siya dahil daw narinig niyang ‘huminga’ ako ng malakas habang nililinis ‘yung mesa niya. Sir Owen, wala na po akong masabi. I can’t handle that.” Kahit ako, hindi ko alam kung matatawa o maaawa. Si Jenny. Si Jenny ‘yung pinakamatapang sa lahat ng applicants noon. Sabi niya, “Kahit sino pa si Sir Lysander, kaya ko yan. Trabaho lang naman ‘yan, diba?” Tatlong oras. Tatlong oras lang ang itinagal niya. Pagkalabas niya sa mansion, parang binagsakan siya ng mundo. Hindi na niya ako nilingon. Kinabukasan, nagpadala siya ng text. “Sorry Sir Owen, but I don't think I can return. Good luck finding someone who can.” Si Teresa. Si Teresa, sobrang dedicated. Para siyang robot sa pagiging pulido sa trabaho. Pero kahit ‘yun, hindi rin nakaligtas. "Sir, bakit pa ako na-fire? Hindi ko po maintindihan!" halos maiiyak na reklamo niya noon. Tumawag ako kay Sir Lysander. “Sir, bakit niyo po siya tinanggal?” “She overcooked the eggs this morning,” sagot niya, walang bakas ng emosyon. "Sir… itlog lang po ‘yun." "Hindi ko kailangang ulitin ang sarili ko, Owen. She’s out." Pagkatapos noon, tinawagan ko na lang si Teresa at tinapik ang balikat niya bago siya umalis. Ngayon… wala na. Hawak ko pa rin ang ulo ko, napapaisip kung bakit pa ako nagtitiis sa trabaho na ‘to. Pero sa huli, wala rin naman akong ibang choice.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD